Sunday , December 22 2024

‘Patulo’ ni ‘Palawenyo,’ sa Navotas fishport walang sinasanto at walang kinatatakutan

00 Bulabugin

ASTIG na astig raw ang arrive ng isang alyas ‘PALAWENYO’ na itinuturong operator ng illegal na negosyong ‘PATULO’ sa Navotas Fish Port.

Wala raw kinatatakutan at sinasanto ‘yang si ‘Palawenyo’ kaya ang kanyang operasyon ay naisasagawa niya sa mismong ‘tungki ng ilong’ ng mga kagawad ng PNP Maritime Group.

Hindi natin alam kung masyado bang ‘MATATANGOS’ ang ilong ng mga kagawad ng PNP-MG kaya hindi nila nakikita o napapansin man lang ang operasyon ni alyas ‘Palawenyo?’

Kaya naman hindi na kailangan magtago-tago o sumimple-simple pa ni alyas ‘Palawenyo.’

Sa ngayon nga ay lantaran kung isagawa ni ‘Palawenyo’ ang pagpapatulo ng langis at krudo sa mga nagyayaot na barges at barko sa               Manila Bay.

Simpleng-simple lang ang tirada ni ‘Palawenyo’ sa kanyang patulo operations.

Ang mga bangkang ‘PALAWAN’ at ‘HAGIBIS’ ang ginagamit nila sa kanilang operations na ang tumatayong lider ay anak ni Palawenyo na si Brando alyas Damulag.

Kung iniisip ninyong ‘konti’- container lang ang patulo ni alyas ‘Palawenyo’ e nagkakamali kayo.

Drum-drum ang nasisipsip ng operasyon ng Father & Son na sina ‘Palawenyo’ at Damulag kaya huwag na tayong magtaka kung sandamakmak din ang KWARTANG pumapasok sa kanilang bulsa.

Daig pa ng Father & Son tandem ang mga bampira at drakula sa lakas sumipsip ng langis sa mga barge at barko. Nasa laot pa lang ay sinisimulan na nila ang kanilang ‘OPERATION PATULO.’

Walang habas at dere-deretso ang operasyon ng mag-amang Palawenyo at Brando kapag nasa laot pa habang ang kanilang sanrekwang kostumer ay nakaabang naman sa Navotas Fish Port.

Bukod d’yan nakapila rin sa bahay ng Father & Son tandem na sina Palawenyo at Brando sa Area 1 sa Dagat-Dagatan, Navotas ang mga kostumer nila na bumibili ng mga nakaw na produkto.

Makikita rito ang mga operator ng bangka, truck, at oil tanker na nag-uunahan sa pagbili ng mga produktong petrolyo na ibinebenta ng mag-amang dorobo sa murang halaga lamang.

Kung noong una ay happy lang ang mag-ama ngayon ay HAPING-HAPI sila lalo na nang medestino bilang hepe ng PNP-MG sa Navotas Fish Port ang isang ‘Major Combo’ na ang itinuturo namang bagman ay isang alyas Villnueva.

Hindi lang ang Father & Son tandem ang itinuturong utak ng ‘PATULO’ sa d’yan sa Navotas Fish Port.

Bukod sa mag-amang ‘Palawenyo’ at ‘Brando Damulag,’ utak din ng ‘patulo’ sa Pier sina Joel, Badong, Erwin at Burot, mga retirado at aktibong miyembro ng PNP-MG.

Ang tagasikwat naman nila ng langis at krudo sa mga barge at barko ay isang ‘Elmer Tulak,’ isang kilabot na pusher sa karagatan.

Ngayon sino ang maysabing payapa ang dagat kung nagyayaot d’yan ang mga ilegal?!

Mayroon pa pong karugtong. Huwag bibitiw.

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *