OY Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol III nariyan ka na pala ulit sa MRT.
Kumbaga, ‘here I am again’ matapos ang matagumpay na pagha-HIBERNATE at PAGPAPALAMIG sa isyu ng ‘EXTORT TRY’ sa Czech train manufacturer na Inekon Group.
Kung ating matatandaan, mismong si Czech Ambassador Josef Rychtar ang nagsumbong kay Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, na ang Inekon ay inilagay sa blacklist nang tumangging magbigay ng grease money.
Ang pinag-uusapan na grease money dito ay nagkakahalaga ng P3.769 bilyones para sa supply ng 48 light rail vehicles (LRVs).
Hindi ba’t nakaladkad pa nga rito ang pangalan ni presidential sibling ate Balsy Aquino Cruz?!
Anyare?!
Bakit ngayon ay nakabalik nang alang kaabog-abog at prenteng nakakuyakoy na naman sa kanyang tanggapan si Vitangcol?!
Gusto yatang maniwala sa minsa ay naibulong sa akin na si Vitangcol ay ‘MARAMING ALAM’ sa mga nagaganap na ‘IREGULARIDAD’ sa loob ng kompanya.
Baka bigla nga namang maging ‘whistleblower’ si Vitangcol ‘e mabuyangyang kung sino ang nagkakamal sa napakalaking pondo ng MRT pero nabubulok ang serbisyo.
Hindi kaya mauga sa kanyang kinauupuan si Secretaray Abaya kapag nagkaganoon?
Ano sa palagay mo SILG Mar Roxas?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com