HINDI mawawala ang Face to Face ni Tyang Amy Perez at hindi ito tatanggalin tulad ng kumalat na balita rati dahil may isyu siya sa mga staff.
mismo ng taga-TV5, magre-reformat lang daw ito at babaguhin na ang titulo na magiging Face The People at join na si Ateng Gelli de Belen.
Matatandaang si Ateng Gelli ang pumalit noong nanganak si Tyang Amy at tumaas ang ratings nito at pawang positibo ang feedback ng lahat kasama na ang staff kaya naisip ng TV5 management na pagsamahin na lang ang dalawa bukod pa sa kumikita naman ang show.
‘Yun nga lang, hindi kami sinagot ng taga-Singko kung babaguhin din ang venue dahil maliit na kung sa studio lang ito.
Kim, Best TV Drama Actress sa 3rd EdukCircle Awards
“NAKAIIYAK, nakatutuwa, nakakikilig, lahat na!” Ito ang masayang pahayag ng Kapamilya actress na si Kim Chiu sa kanyang official Instagram account matapos siyang parangalan bilang Best TV Drama Actress sa ginanap na 3rd EdukCircle Awards para sa kanyang pagganap sa top-rating primetime teleseryeng Ina Kapatid Anak.
Ayon kay Kim, umaapaw ang kasiyahang nadarama niya sa panibagong blessing na kanyang natanggap ngayong taon. Kamakailan ay tumabo ng mahigit P100-M sa takilya ang first movie team-up nila ni Xian Lim na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?
“Nagpapasalamat po talaga ako sa EdukCircle dahil sa pinahalagahan nila ako bilang isang drama actress. At siyempre po, sa ABS-CBN, sa Dreamscape, at sa lahat ng bumubuo ng ‘Ina Kapatid Anak’ for always bringing out the best in me,” masayang pahayag ng aktres na bida sa pinakabagong Wansapanataym month-long special.
Ngayong gabi (Setyembre 7) sa pagsisimula ng Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay, gagampanan ni Kim ang papel ng pasaway na dalagang si Elyza. Dahil sa kanyang ugali, parurusahan si Elyza ng Fairy Mayordoma (John ‘Sweet’ Lapus) na maranasan na maging isang katulong.
Paano babaguhin si Elyza ng kanyang bagong pagkatao kapag naramdaman niya kung gaano kasakit ang mga pang-aapi na ginagawa niya rati sa mga taong nagpapakahirap mag-aalaga sa kaniya at sa kanilang pamamahay?
Tampok din sa Wansapanataym Presents My Fairy Kasambahay sina Joseph Marco, Shamaine Buencamino, Miguel Vergara, Arnold Reyes, Simon Ibarra, at Angel Aquino. Ito ay sa ilalim ng panulat nina Cris Lim at Arlene Tamayo at idinirehe niJerry Sineneng.
Huwag palampasin ang pagsisimula ng magical fairy tale ni Kim ngayong Sabado sa pinakabagong month-long special ng storybook ng batang Pinoy, Wansapanataym, 6:45 p.m., pagkatapos ng Kapamilya: Deal or No Deal sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang@abscbndotcom sa Twitter.
Reggee Bonoan