Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wally, nakapanghihinayang

“ANYARE kay Wally Bayola?” ang iisang tanong ng lahat ng taong nakakausap namin sa showbiz events na dinaluhan at maging sa tapings ng ilang programa ay tinanong din kami ng, “ano naman ang masasabi mo sa sex video ni Wally?”

Sa totoo lang Ateng Maricris, speechless kami dahil ano nga ba ang nangyari kay Wally?  Nakahihinayang, kasi idolo siya ng masa at ng mga bagets, sila ni Jose Manalo at saksi kami kung paano sila kinatutuwaan ng mga bata.

Gustong-gusto nga namin si Wally kapag nagpe-perform na sa Zirkoh comedy bar ay talagang hahagalpak ka ng tawa lalo na noong on-leave si Jose dahil din sa isyu nila ng dating asawa.

Talagang nakaya ni Wally na itayo ang show maski wala ang kanyang partner in crime na si Jose.

Natatawa naman kami sa isang katoto na nagsabing, “potah, akala ko bakla si Wally, matulis pala, akalain mo, may sex video?” Susme, maski kailan ay hindi naman namin pinagdudahan ang sekswalidad ni Wally dahil nahuli na namin siyang iba tumingin sa babaeng maganda ‘no kapag nasa Zirkoh (ibuking ba namin).

Anyway, bakit nga ba kasi kailangang kunan ang sarili habang nakikipagtalik? Ito ang hindi namin lubos na maintindihan at pagkatapos kapag nawala ang cellphone at kumalat sa internet at isusulat naming mga reporter ay kami naman ang babalikan ng demanda?

Kaya tama rin ang punto ng aming publisher na si Sir Jerry Yap na ang dapat kasuhan ay ang mga taong gumagawa mismo ng kalaswaan sa sarili nila at hindi kaming mga reporter na naghahanap ng maiinit na balita.

May kasabihan nga kung ayaw mong ma-diyaryo, dapat malinis kang gumawa ng kalokohan o kaya huwag kang gumawa ng kalokohan at all.

Sa kaso nina Wally at EB Babe Yosh, eh, humingi na lang kayo ng dispensa sa publiko at huwag na kayong mag-elaborate kung bakit kumalat ang nasabing video dahil tiyak na iisa lang ang tanong ng taumbayan, “bakit n’yo kinunan ang sarili ninyo?”

Wally, hinihintay ka na ng fans mo sa Zirkoh at Klownz sana huwag kang liliban ha.
Regee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …