Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Charles Yulo, may potensiyal maging magaling na komedyante

MASUWERTE ang baguhang si Charles Yulo dahil kaagad nagkaroon ng pagkakataong makatrabaho ang mga naglalakihang artistang tulad nina Maricel Soriano at Eugene Domingo gayundin ang blockbuster director na si Wenn Deramas. Ito’y sa pamamagitan ng Momzillas ng Star Cinema at Viva Films na mapapanood na sa Setyembre 18.

“Hindi ko nga po inaasahan na agad makakasama ang mga tulad nina Maricel at Eugene at siyempre ni direk Wenn. Ipinakilala po ako ni Tito Eddie (Littlefield, ang kanyang manager) kay Direk Wenn na noong una po eh, parang nag-aalangan na i-cast ako kasi akala niya teen-ager pa lang ako. Tila alangan ako sa gagawin niyang pelikula, ito nga pong ‘Momzillas’,” paunang kuwento ni Charles nang makahuntahan namin ito.

Sa totoo lang, kung hitsura ang pagbabatayan, mukha ngang teen-ager pa si Charles, pero napag-alaman naming nakapagtapos na siya ng dalawang course, ang Bachelor of Science in Hotel & Restaurant Management major in Hospitality Management sa De La Salle College of Saint Benilde at Interior Design sa Philippine of Interior Design.

Bale ginagampanan ni Charles ang isa sa kaibigan ni Billy Crawford na anak ni Marya sa pelikula. “Sa side po kami ng family ni Billy kasama namin si Paul Jake (Castillo). Nakatutuwa na isang comedy ang nasamahan kong movie, kasi gusto ko po talagang maging komedyante. Idol ko po kasi si Jim Carrey.”

Hindi naman baguhan sa pag-arte si Charles dahil grade school hanggang kolehiyo ay nagte-teatro na siya. Idagdag pa ang pagwo-workshop niya sa Star Magic workshop (basic at advance summer workshop).

Bukod sa pag-arte, abala rin si Charles sa pagre-review para sa board exam ng Interior Design. Pangarap kasi niyang makapagpatayo ng sariling restoran na siya mismo ang nagdisenyo kapag nakapasa na siya sa board.

Hindi naman sagabal para kay Charles ang pag-aartista dahil aniya’y noon pa niya pangarap ang maka-arte sa harap ng kamera. “Noon pa alam ng parents ko na gustong-gusto kong mag-artista, and they are very supportive naman. Medyo natagalan lang ang pagpasok ko sa showbiz dahil gusto ng parents ko at ako rin na makapagtapos muna ng pag-aaral.

“Dream ko kasi talaga ang maging actor and to be a great comedian. And since tapos na ang studies ko, might as well harapin ko naman ‘yung matagal ko nang gustong gawin talaga, ito ngang pag-aartista,” giit pa ni Charles.

At dahil passionate si Charles about the art of acting since grades school, naging major influence sa kanya ang acting performance nina John Lloyd Cruz, Coco Martin, Jericho Rosales, Nonie Buencamino, at si Jim Carrey nga.

Dating theater/TV actor ang father ni Charles kaya nasa dugo niya ang pag-aartista. Kahit first movie niya ang Momzillas, kinakitaan agad ito ng galing sa pag-arte, ayon na rink ay Direk Wenn.

“May character ang personality ni Charles. Puwede siyang i-develop para maging isang mahusay na komedyante. Kailangan lang niya mabigyan ng break para lumabas ‘yung galing niya as an actor kaya agad ko siyang isinama sa cast ng Momzillas,” sambit ni direct Wenn.

At dahil may determinasyon si Charles na matupad ang mga pangarap, makilala, at magkapangalan sa industriya, gagawin niya ang lahat para mapatunayang may kakayahan siyang maging actor.

Mabigyan lang ng magagandang break si Charles, tiyak na malayo rin ang kanyang mararating.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …