Samantala, inamin ni Uge (tawag kay Eugene Domingo) na fan siya ni Maricel Soriano at sa katunayan ay napanood daw niya ang unang pelikula ng Diamond Star na My Heart Belongs to Daddy noong 1971 kasama sina Tirso Cruz IIIat Snooky Serna bagay na hindi na raw matandaan ni Marya.
Nabanggit pa ng Reyna ng Indi Films na halos lahat ng pelikula ni Marya ay sinubaybayan niya hanggang sa telebisyon at gustong-gusto niya ang John en Marsha series nito.
At maski raw nag-lie-low si Marya sa showbiz ay hindi nawala ang paghanga ni Eugene.
“Hinangaan ko siya ngayon dahil you cannot deny the fact that she went ups and down and nangyayari lahat ‘yan sa artista but now, I admire her more because ever since the day I watched her in TV and in the movies, mas lalo niya akong naging tagahanga kasi ngayon ko nakilala ang tibay ng isang totoong artista na tulad ni Maricel Soriano na hindi natutumba.
“Ang paghanga ko sa kanya ay hindi natapos kasi kumbaga, magaling siya sa drama, magaling siya sa comedy aand as a person, if you really get to know her, isa lang ang gusto niyang gawin sa buhay niya, ang mapaligaya ang lahat ng manonood,” kuwento ng komedyanang aktres.
At sabay biro ni Uge kay Marya ng, “pengeng alahas.” Kasi may ugali raw ang Diamond Star na talagang namimigay ng alahas kapag nagustuhan ka niya.
Natanong naman si Maricel bilang katrabaho ni Uge kung ano ang nakita niya para marating ang kinalalagyan niya ngayon bilang Eugene Domingo na magaling sa komedya.
“Eh, kasi napaka-professional niyang tao, napaka-dedicated niya sa trabaho, hindi siya puwedeng ginagambala sa set, bawal, magagalit ako, alam mo ‘yung pakiramdam na minsan kinakausap ka na nagtatanong kung bakit ganoon at sumasagot siya at pareho kami (working habits),” say naman ni Marya.
May isang ayaw lang si Marya kay Uge, “nagda-drive ng nagda-drive tapos kapag walang makitang parking, mainit ang ulot niya, ‘yan ang totoo, kaya sabi niya (Uge), ‘mabuti na lang dumating ka na’ kaya ginagawa ko, niyayaya ko na siyang magkape para lumamig ang ulo.”
Isa pang kontrobersoyal na tanong kay Marya ay kung posible bang mamana ni Uge ang titulong Comedy Queen since siya naman ang orihinal na nagmamay-ari ng titulong ito? Bukod kay Ms Ai Ai de las Alas na bagong comedy queen ngayon.
“Naman, si Junior, oo naman. Marami namang mahuhusay talaga ngayon at marami rin silang nakikitaan ko ng potential, pero kailangan talaga dedicated sila (trabaho), titingnan ko muna kung dedicated sila, kasi marami talaga sila, at ‘yung totoong nagmamahal sa trabaho, kasi minsan ‘di ba. Naiintindihan ko ‘yung umiinit ang ulo, pero ang paglaki ng ulo ang hindi ko maiintindihan,” paliwanag mabuti ni Maricel.
Hindi nga ba lumalaki ang ulo ni Eugene?
“Hindi naman,” mabilis na sagot ng aktres.
At nang si Uge na ang tanungin kung anong ayaw niya kay Marya, “siya, ang daldal, sobrang daldal, minsan sabi na sa amin, keep quiet na (set), hindi, dadaldal pa rin.
“Minsan kahit hindi mo siya nakikita like nasa loob siya ng toilet at hindi kayo nagkikita, gusto niya nagdadaldalan kayo. Minsan inaatok ka na, ayaw pa rin, gusto niya magkukuwentuhan pa rin kayo, talk show talk show pa rin, isip ko nga wala siguro itong kausap sa bahay, mag-aminan na tayo ngayon ha (sabay tingin kay marya).
“Maya-maya nalaman ko, wala nga (kausap) kasi si Bela lang (kasama), si Bela ‘yung Shitzu niya kaya wala nga siyang kausap,” seryosong pambubuking ni Eugene habang nakangiti lang si Marya.
“’Wag ka lang magbabago kasi nakaaaliw, eh, kaya minsan ang tawag ko sa kanya lola kasi dire-diretso lang, parang radio. At sa pagiging artista niya ay gusto ko ang pagmamalasakit niya sa lahat, sensitive sa co-actors niya at respeto sa lahat lalo na sa estado niya ngayon kasi nga siya na ‘yung Diamond Star, ma-respeto talaga sa lahat,” magandang sabi ni Eugene.
Samantala, base naman sa trailer ng Momzillas na idinirehe ni Deramas mula sa Star Cinema ay sobrang natawa kami.
Reggee Bonoan