Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sex video scandal, panlihis sa isyu ng pork barrel scam?

NAGULANTANG ang marami sa pagkalat ng sinasabing sex video raw ni Wally Bayola kasama ang miyembro ng EB Babes Dancers na nagnga-ngalang Yosh Rivera.

Actually, nagmula ang nasabing video sa YouTube at noong Lunes (September 2) pa ito napanood. Na-upload na rin ito sa social media site na Facebook, kaya pagbukas kaninang umaga ng maraming may FB, viral na talaga ang balitang sex video umano ni Wally.

Nang nalaman ko ito, ang agad na pumasok sa isip ko ay totoo kaya ito? At kung sakaling totoo, ano ang epekto nito sa magaling na triumvirate nina Wally, Jose Manalo at Paolo Ballesteros na hosts ng nakaaaliw na Juan For All, All For Juan segment ng Eat Bulaga.

Sa pagkakaalam ko, Lunes pa hindi napapanood si Wally sa EB.

Ang mga Netizens naman, kanya-kanya sila ng pagbibigay ng mga kuro-kuro sa usaping ito. May mga hindi naniniwala na si Wally ang nasa sex video. Mayroon namang kadiri para sa kanila ang ginagawa ng lalaki at babae na nasa vi-deo.

May mga Netizens naman na nagsasabi na, nakow stealing the moment ng mga Barrettos itong news na ‘to! Hihi buhay na buhay ang showbizlandia sa Pinas.

Ayon din sa iba, hindi na raw talaga natuto ang mga celebrity natin sa pag-video ng mga pribadong bagay na tulad ng pakikipag-sex. Na after Chito Miranda at Neri Naig, si Wally naman daw ang umeksena ngayon.

Mayroon din kumokondena kay Wally dahil sa kahihiyang ito na makaaapekto raw sa kanyang asawa at mga anak, pati na sa Eat Bulaga.

Sabi ng isa pa, ipinagpalit daw ni Wally ang career niya sa kapirasong laman.

May mga obviously ay anti-GMA-7 naman ang pumupuna kung bakit hindi ibinalita ito ng Kapuso Network …yes correct. Asan ung wlang kinikilingan at walng pinoprotectahan…eh dapat news nila agad un kc nga GMA din nmn under sila kc isnag istasyon… i dont like them na… di nmn para sila true sa motto nila. Hays

Ayon pa sa isang Netizen, Sana mag comment naman sila Jessica Soho, Jiggy Manicad, Maki Pulido at Arnold Clavio dapat no news blackout

May bumabanat din sa ABS CBN dahil bakit daw ini-ere agad ang balita nang hindi pa nave-verify talaga kung si Wally nga iyon.

Pero napansin ko rin, sa pagtutok ng marami sa atin sa sex-video scandal na ito, pansamantala nating nakalimutan ang ukol kay Janet Napoles at ang P10-bilyong pork barrel scam.

Sure ako na dahil sa sex video scandal na ito, makakukuha ng idea ang mga mandurugas na politicians natin na kung sakaling may puputok ulit na eskandalo sa gobyerno, kailangan lang nilang maglabas ng ilang matitinding video scandal at presto, baka malansi at malibang nila ang mga pobreng Pinoy na lagi na lang inuuto ng mga politiko.

Kaya sa susunod, maging alisto dapat ang publiko sa mga ganitong bulok na style na puwedeng gawin ng mga bulok na politiko!

Ahwel Paz, naghandog ng medical mission sa Press

DAPAT saluduhan ang mabait at loveable na DZMM anchor na si Ahwel Paz dahil sa kanyang kabaitan.  Kapag sumasapit ang kanyang birthday tuwing August 25, nagkakaroon siya ng medical mission sa mga less fortunate ‘ika nga, kabilang na ang Home for the Aged.

Ito ang paraan niya para ibalik ang mga blessing na natatanggap mula sa nasa Itaas dahil ayon kay Ahwel, mahirap lamang sila noon. Ngunit dahil sa sipag ng kanyang dakilang ina sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga ulam at leche flan, naitaguyod at napag-aral silang magkakapatid.

Alam ni Ahwel kung paano ang buhay ng isang mahirap. Kaya nang makatapos ng pag-aaral at nagkaroon ng magandang buhay, hindi niya nakalilimutang magbahagi ng anomang blessings sa kapwa.

This year, ang mga kapatid sa entertainment media ang pinaglaanan niya ng espesyal na araw sa pamamagitan ng isang medical mission. Bukod dito’y mayroon pang salo-salo o lunch na ginanap sa Torre Venezia. Sobrang ligaya ang naramdaman ni Ahwel nang maraming writer ang dumating sa kanyang paanyaya.

Kabilang sa mga kaibigang doctor ni Ahwel na dapat namin pasalamatan sina Dr. Darwin Lim, Urologist (o ang tinatawag na Idol Doc); Dr. Crismelita Banez, Cardiologist; Dr. Elaine Cunanan, Diabetes Specialist; at ang mga assistant nila na tumulong sa pag-check-up sa mga miyembro ng entertainment media.

Thanks a lot kapatid na Ahwel, lalong darami ang blessings mo dahil sa iyong magandang kalooban. May your tribe increase…

Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …