Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, na-miss ang showbiz kaya nasobrahan ang kadaldalan

HALATANG na-miss ni Maricel Soriano ang showbiz dahil sa ginanap na presscon ng Momzillas kasama sina Joey Paras, Candy Pangilinan, Andi Eigenmann, Billy Crawford, at Eugene Domingo at Direk Wenn Deramas sobrang daldal niya. Isang tanong lamang sa kanya ay napakahaba na ng sagot niya at with matching halakhak pa.

Tawa ng tawa ang lahat habang nagkukuwento ang dalawang komedyana kung paano nila natapos ang Momzillas at bitin nga raw sila dahil pakiramdam nila ay ang bilis-bilis nila itong natapos.

“Bitin nga, nakailang eksena lang kami, tapos pack-up na pala, sabi nga namin kay direk Wenn (Deramas), tapos na? Baka may nalimutan ka pang eksena, puwede kaming bumalik,” say ni Marya.

Samantala, nagustuhan ni Marya si Uge dahil, “isa siyang totoong kaibigan, masaya kami sa set na hindi naramdaman talaga ang 13 sequences kasi nga tawa kami ng tawa, sobrang saya tapos nagtataka ang iba kasi bakit daw ang dali naming natapos ang mga eksena, parang ang dali raw naming nag-shooting.

“Siguro sa sobrang dedikasyon namin sa trabaho, hindi kami nagmumukhang nahihirapan kaya namin natatapos agad at hindi kami mukhang pagod kasi enjoy na enjoy kami talaga.

“‘Yun pa ‘yung maganda na maagang dumarating sa set kasi nakapaghahanda na.”

Isa kami sa nagulat sa sinabing maagang dumarating sa set si Maricel dahil tanda namin noon ay nali-late siya sa set.

At pinatotohanan naman nina Direk Wenn at Eugene na maagang dumarating sa location si Maricel at feeling nga raw nila ay negosyo ng komedyana ang mga tent at portalet dahil nasasaksihan nito kung paano itayo ang mga iyon.

“Nauuna pa siya sa tent, so feeling ko, supplier din siya,” tumawang sabi ni Uge.

Sundot naman ni Maricel, “hindi, siguro talagang tsismosa lang ako kasi gusto kong tsumika talaga. Ito ang pelikulang enjoy na enjoy talaga ako at looking forward talaga akong dumating ng maaga.”

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …