NAGPIPIGIL lang, pero kating-kati nang patulan ni Marian Rivera ang isang manunulat (hindi rito sa Hataw) dahil nangunguna lang naman ang aktres sa choices nito sa hanay ng mga Top 10 Most Hated People.
Not necessarily in this order, pero sumusunod kay Marian sina Justine Bieber, Bin Laden, Adolph Hitler, Barrack Obama, Stalin, Mahatma Gandhi, etc..
But a close reporter-friend advised Marian against confronting the reporter as it would be best na dedmahin na lang niya ito. Personally, we would advise the same to Marian.
Base na rin sa Top 10 choices nito, as if naman that Marian is globally known to be put alongside such famed international, if not historical figures. Kung tutuusin, Marian should take pride. Besides, these are the writer’s personal, biased choices that do not reflect nor represent the media outlet kung saan ‘yon inilathala, lalong ang pagpili ng manunulat na ‘yon is not a collective opinion enough to merit not even an ounce of her attention.
In her heart of hearts, alam ni Marian kung ano ang kanyang pagkatao unless personally ay sineryoso niya ang kapaniwalaang “Truth hurts.” Kung hindi naman totoo, why let it bother her? (RONNIE CARRASCO III)