Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangs, ayaw matawag na sexy star, sexy actress daw siya!

USAP-USAPAN ang pagpapaka-daring ni Bangs Garcia sa pelikulang idinirehe ni Mel Chionglo, ang Lauriana na bahagi rin sa Sineng Pambansa All Master Series Film Festival na prodyus ng FDCP at BG Productions International.

“Napakahirap ng role ko sa ‘Lauriana’, physically, emotionally and psychologically dahil battered mistress ako rito ni Allen Dizon pero lumalaban ako sa kanya. Kumbaga, hindi martir ang karakter ko pero dala ng kahinaan at pananakot sa akin ay natakot akong kumawala sa miserableng relasyon,” ani Bangs nang makapanayam namin ito sa presscon noong Lunes sa R. Bistro.

Ayon kay Bangs, lahat ng hiningi sa kanya ni Direk Mel na gawin ay ibinigay niya tulad ng love scene nila ni Allen. “Matindi talaga ‘yung love scene namin ni Allen. Hindi ko akalain na nagawa ko ‘yun, dapat nilang abangan iyon dahil halos 15 minutes na hindi nag-cut si Direk. Kaya kami ni Allen, parang totoo na nagme-make-love kami at nag-improvised kami ng position pati movement at satisfied ako when I saw it,”

Hindi naman daw bastos na lumbas ang naturang love scene kahit nakahubad sila na parang painting ang hitsura.

“Marami kaming lampungan dito sa bawat sulok ng bahay, may eksena na pinaliliguan niya ako matapos bugbugin at ni-rape niya ako ng patalikod. May eksena rin na papalit-palit at senswal na nakikipagsayaw ako sa tatlong lalaki,” esplika pa ni Bangs sa mga daring scene na ginawa niya.

Sa katanungan naman kung may frontal si Bangs, sinabi nitong “Hindi ko sasagutin kasi gusto kong ma-shocked kayo sa mga eksena na ‘yon at panoorin ninyo,” natatawang sagot ng dalaga.

Pero ayon sa kuwento ng isang nakapanood na ng pelikula, may kuhang hubo’t hubad si Bangs sa pelikula. Top shot nga lamang iyon at medyo malayo-layo.

Pinuri naman siya ni Direk Mel at sinabing, “Masaya ako sa performance ni Bangs. Hindi lamang siya maganda at sexy kundi napakahusay umarte. Kuhang-kuha niya ang pagiging senswal ng karakter, ang pagiging-loka-loka sa pag-ibig, ang inosenteng damdamin, at babaeng palaban sa lalaking umabuso sa kanya.”

Ito naman ang pinaka-challenging role na ginampanan ni Bangs at kauna-unahang title role film na tunay na humamon sa kakayahan niya bilang isang aktres.

Kaya naman nasabi niyang, “This might me and first and last daring dahil ayokong ma-tag as sexy star. Hate na hate ko ang matawag na sexy star because I’m not a sexy star. Mas okey sa akin ang sexy actress, dahil isa akong aktres.”
Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …