BIBIGYANG parangal ang young actress na si Therese Malvar sa 15th New York Asian Film Festival. Kinilala ang 15-year-old actress para sa pelikulang Hamog (Haze) ni Direk Ralston Jover. Dito’y gumanap si Teri bilang isang violent street kid. Tatanggapin ni Therese ang kanyang award sa screening ng pelikulang Hamog sa July 1 sa naturang filmfest.
Isa si Therese sa recipient ng Screen International Rising Star Asia Awards kasama ang dalawa pang Asian actresses na sina Go Ayano ng Japan at Jelly Lin ng China.
Nang nakapanayam namin ang dalagita, inusisa namin siya kung ano na-feel niya nang nalamang isa siya sa recipients ng Screen International Rising Star Asia Awards?
“Noong nasabi po sa akin yung balita na magiging awardee po ako… Natuwa ako sobra, kasi this is a major thing for me because international award po ito and very thankful ako to the people/the team behind NYAFF because they thought about me and they awarded me as a rising star!
“Excited rin po ako kasi first time ko magta-travel abroad and I’m excited for the film festival as well.”
Mas gaganahan ka ba sa mga next project mo dahil dito? “Yes po, mas gaganahan po ako because mas makikilala na po ako sa Pilipinas (if mabalitaan po about this award) and mas gagalingan ko po talaga sa lahat ng magiging project ko po, for hopefully-more awards :&.”
Ayon pa sa talented na alaga ni Ferdie Lapuz, napa-iyak daw ang kanyang ina nang nalaman ang magandang balita.
Unang kinilala ang galing ni Therese sa pelikulang Ang Huling Cha-Cha ni Anita noong 2013 nang itinanghal siyang Best actress at sa Cinema One Originals para sa Hamog last year.
Si Therese ay isa rin sa bida sa pelikulang Child Haus na recently ay nanalo sa 14th Dhaka Internationa Film Festival bilang Best Children Film. Ang naturang pelikula ay prodyus ng BG Productions International ni Ms. Baby Go at mula sa pamamahala ni Direk Louie Ignacio.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio