Friday , December 19 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Mag-cleansing diet gamit ang carrot patatas, at camote (Upang mapabilis ang paggaling ng may sakit)

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

MALAKING bahagi ng wastong paggagamot ang diet, o ang pagkain ng wastong uri ng pagkain sa tamang sukat. Bukod sa pag-iwas sa mga pagkain o inumin na maaaring makapagpalala sa kalagayan ng isang may sakit, depende kung ano ang karamdaman ninyo, makabubuti sa inyo kung kayo ay sasailalim sa isang cleansing diet. Ang cleansing diet ay makatutulong sa pag-aalis sa …

Read More »

Grace versus Sara sa 2022

Sipat Mat Vicencio

KAPAG nagkataon, isang babae ang susunod na magiging pangulo ng Filipinas. Sa katauhan ni Senator Grace Poe at ni Davao City Mayor Sara Duterte, ang pukpukang labanan ng dalawang politikong ito ay inaasahan sa nakatakdang eleksiyong pampanguluhan sa 9 Mayo 2022. Bagamat masasabing may bentaha si Sara dahil sa malawak na makinarya at organisasyon, hindi naman matatawaran ang pinanghahawakan ni …

Read More »

Pesteng yawa, daming pasaway

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

HINDI nakontrol ng pulisya sa lungsod ng Maynila at maging si Mayor Isko Moreno ay walang nagawa sa unang Biyernes ng 2021, na pumatak ng Enero 1 o pagpasok ng bagong taong 2021 ang pagsulpot ng napakaraming tao sa simbahan ng Quiapo. Mistulang langgam sa kapal ng tao ang kalsada at sa Plaza Miranda. Nawala ang health protocols gaya ng …

Read More »

Navotas nagbigay ng P10k incentive sa city workers

Navotas

PINAGKALOOBAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ng P10,000 service recognition incentive para sa regular at contractual na empleyado ang kanilang mga kawani. Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance Nos. 2020-44 at 2020-45 na nagbibigay ng cash incentives sa 534 regular at 1,832 contractual employees na nagtrabaho sa pamahalaang lungsod ng hindi bababa sa tatlong buwan. “Our employees have …

Read More »

Tulak nanlaban, patay kasabwat nadakma sa buy-bust

dead gun

NAGWAKAS ang buhay ng isang lalaking sinabing  notoryus na tulak matapos pumalag at manlaban sa pulisya sa isang buy bust operation sa San Jose Del Monte City, Bulacan bago ang magpalit ng taon. Ayon sa pulisya, dakong 8:30 pm ay aarestohin si Elpidio Dykee ngunit nakipagbarilan sa mga pulis sa Skyline Village, Brgy. Sto. Cristo hanggang mapaslang. Bago nakatakas ay …

Read More »

P1-B uutangin ng Parañaque para sa bakuna kontra CoVid-19

HIHIRAM muli ng karagdagang P1-bilyon sa banko ang pamahalaang lokal para mabakunahan ang lahat ng lehitimong residente ng Parañaque bukod sa nakalaang P250-milyong pondo para ipambili ng CoVid-19 vaccines. Inihayag ni Parañaque City Treasurer Anthony Pulmano, na mayroong inilaan ang administrasyon ni Mayor Edwin Olivarez na P250 milyong pondo ngayong 2021 para pambili ng bakuna kapag duma­ting na sa bansa …

Read More »

1 patay 1 sugatan sa 2 motor na nagsalpukan

road accident

TODAS ang isang rider habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang kanilang minamanehong mga motorsiklo sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Bernardino General Hospital (BGH) ang biktimang kinilalang si Jet Helina, 24 anyos, residente sa B10 L10, Manga St., Amparo Subd., Brgy. 179 sa nasabing  lungsod sanhi ng pinsala sa ulo at …

Read More »

Ex-cop, itinumba ng 3 tandem sa QC

gun QC

PATAY ang isang dating pulis matapos pagba­barilin ng anim na lalaking sakay ng tatlong motor­siklo sa lungsod ng Quezon nitong Sabado ng gabi. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District Director, P/Brig. Gen. Danilo Macerin, kinilala ang pinaslang na si Rodolfo Aspril, 60, dating pulis at kasalukuyang Brgy. Ex-O ng Barangay Old Balara, QC. Ayon kay Batasan Police …

Read More »

Tulak, timbog sa P.4-M shabu sa Caloocan

shabu drug arrest

SA KALABOSO bumag­sak ang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ma­tapos makompiskahan ng halos P.4 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong suspek na si Arvin Amion, alyas Daga, 25 anyos, residente sa Phase 6, Brgy. 178, …

Read More »

Flight attendant ‘walang malay’ sa hotel bathtub (Idineklarang DOA sa ospital)

WALANG MALAY nang madiskubre ang 23-anyos flight attendant na nasa bath tub matapos ang new year’s eve party kasama ang mga kaibigan sa isang hotel sa Makati City, inulat kahapon. Kinilala ng pulisya, ang biktimang si Christine Angelica Dacera, flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) ng General Santos City, South Cotabato. Dakong 12:30 am nitong 1 Enero 2021 nang mangyari …

Read More »

Paglabas ng pekeng bakuna sa Covid-19 bantayan — Solon

HINIMOK ni House Deputy Speaker and Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang mga awtoridad hingil sa posibleng paglaganap ng pekeng bakuna laban sa CoVid-19 sa gitna ng kakarampot na supply nito sa mga darating na buwan. Aniya, kailangan mag­matiyag ang mga awtoridad upang mapa­ngalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan. “As we await the arrival of the much-awaited COVID-19 vaccines, ensuring …

Read More »

Panahon na naman ba ng kidnap for ransom? (Eleksiyon na naman, mag-ingat)

kidnap

NITONG nakaraang bakasyon, nagpaabot ng babala ang ilang opisyal ng barangay sa Quezon City kaugnay ng biglaang pagkawala ng 21-anyos anak ng isang homeowner sa New Manila, Quezon City. Nagbisikleta lang umano ang kanilang 21-anyos na anak sa 11th St., at Hemady pero hindi na nakabalik. At ang nakita ng security guard, bisikleta at tsinelas na lang.  Marami tuloy ang naalarma …

Read More »

Panahon na naman ba ng kidnap for ransom? (Eleksiyon na naman, mag-ingat)

Bulabugin ni Jerry Yap

NITONG nakaraang bakasyon, nagpaabot ng babala ang ilang opisyal ng barangay sa Quezon City kaugnay ng biglaang pagkawala ng 21-anyos anak ng isang homeowner sa New Manila, Quezon City. Nagbisikleta lang umano ang kanilang 21-anyos na anak sa 11th St., at Hemady pero hindi na nakabalik. At ang nakita ng security guard, bisikleta at tsinelas na lang.  Marami tuloy ang naalarma …

Read More »

Konduktora, lalaki patay sa nagliyab na bus sa QC (Likido ibinuhos ng ‘pasahero’)

nina ALMAR DANGUILAN/MICKA BAUTISTA DALAWA katao ang nalitson nang buhay habang apat katao ang sugatan kabilang ang bus driver nang sabuyan ng isang pasaherong lalaki ng likidong hinihinalang gaas o ethyl alcohol ang babaeng konduktor, saka sinilaban sa bahagi  ng Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Patay ang kondukto­ra na kinilalang si Ame­lene Sembana, at isang hindi pa …

Read More »

4 sa mahuhusay na Kapuso stars, tampok sa Best Sisters Forever ng MPK

MAGSASAMA-SAMA sina Diana Zubiri, Sanya Lopez, Sunshine Dizon, at Sheena Halili sa episode na pinamagatang Best Sisters Forever sa Magpakailanman. Malapit ang samahan ng apat na magkakapatid na sina Linsie (Diana), Gee (Sunshine), Leslie (Sheena), at Arriane (Sanya). Dahil wala nang ibang maaasahan, patuloy na nagtutulungan ang magkakapatid matapos maulila sa kanilang mga magulang. Pero tunay na masusubukan ang kanilang samahan nang magkasakit sa bato ang …

Read More »

Power Block ng GMA Public Affairs, balik-GMA na!

BUONG puwersang Serbisyong Totoo ang sasalubong sa Kapuso viewers dahil sa unang Lunes ng 2021 ay magbabalik na ang award-winning GMA Public Affairs shows sa Power Block sa GMA! Tuwing Lunes, tunghayan ang eye-opening documentaries sa Front Row. Maging Alisto naman sa iba’t ibang krimen at trahedya kasama si Igan tuwing Martes. Tuwing Miyerkoles, kilalanin ang iba’t ibang Kapuso personalities at mga kababayang Filipino sa Tunay na Buhay kasama si Pia Arcangel. At sa Huwebes, …

Read More »

Nora, Kyline, at Mylene, pinag-usapan online

TILA hindi na makahintay ang netizens sa muling pag-ere ng fresh episodes ng inaabangang GMA Afternoon Prime series na Bilangin ang Bituin sa Langit na pinagbibidahan nina Kyline Alcantara, Mylene Dizon, at Nora Aunor. Sa inilabas na teaser ng programa, ipinasilip nila ang mga bagong eksenang hindi dapat palampasin ng Kapuso viewers sa darating na Enero. Agad na sinalubong ito ng positive feedback sa comments section. Say ng …

Read More »

Alden at Julie Anne, pangungunahan ang pasiklaban ngayong Bagong Taon! 

SALUBUNGIN ang 2021 kasama ang Kapuso stars sa isang bonggang celebration na inihanda nila para sa  fans at viewers ngayong bisperas ng Bagong Taon! Kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo nito, nais ng GMA Network na pasalamatan ang lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kanila sa kabila ng mga pagsubok na dala ng 2020. Sama-samang bumilib sa world-class performances nina Alden Richards, Julie Anne San …

Read More »

Angel Locsin, Woman of the Year sa 2020 Pinoy Showbiz (Part 2 Year Ender)

ITO ang pangalawang bahagi ng aming year-ender para sa 2020 Pinoy Showbiz. Sa unang bahagi ay inilahad namin na ang  pinakamatinding development sa pagtatapos ng taon, ang pangingibabaw ng ABS-CBN sa ‘di pagri-renew ng Kongreso ng prangkisa nito. Sa halip na maparalisa ang Kapamilya Network, nananatili itong masigla sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga pagtatanghal nila sa mga digital platform na ‘di kailangan …

Read More »

Klinton Start proud endorser ng CN Halimuyak, inanunsiyo ang kanilang bagong promo

IPINAHAYAG ni Klinton Start na proud endorser siya sa CN Halimuyak na pinamumunuan ng CEO nitong si Ms. Nilda Tuason, lalo na ngayong may pandemic dahil sa mapaminsalang Covid-19. Saad ng PPop-Internet Hearthrob at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton, “Sobrang effective po ng CN Halimuyak lalo na sa panahon ngayon, dahil alam naman natin na hanggang ngayon po ay delikado …

Read More »

Bagong taon, bagong shows sa GMA mas exciting 

MAS exciting ang darating na bagong taon dahil may mga magbabalik at may mga bago ring palabas na handog ng GMA Network. Nitong Miyerkoles (December 23) ay inilabas na ang teaser plugs para sa mga magbabalik at bagong programa na hindi dapat palampasin sa GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad. Bagong taon, bagong hapon ang hatid ng bagong GMA Afternoon Prime line-up na pangungunahan …

Read More »

Ken Chan, nakapagpatayo ng 5 gasolinahan 

LUBOS ang pasasalamat ng Kapuso actor na si Ken Chan sa blessings na kanyang natanggap ngayong 2020. Bukod sa kabi-kabilang proyekto, natupad ni Ken ang kanyang childhood dream na magkaroon ng sariling gasoline station. Bonus pa na hindi lang isa kundi limang gasoline stations ang naipatayo niya sa loob lamang ng tatlong buwan. “Nasa isip ko siya noong bata pa lang ako. …

Read More »