Saturday , November 27 2021

Klinton Start proud endorser ng CN Halimuyak, inanunsiyo ang kanilang bagong promo

IPINAHAYAG ni Klinton Start na proud endorser siya sa CN Halimuyak na pinamumunuan ng CEO nitong si Ms. Nilda Tuason, lalo na ngayong may pandemic dahil sa mapaminsalang Covid-19.

Saad ng PPop-Internet Hearthrob at tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton, “Sobrang effective po ng CN Halimuyak lalo na sa panahon ngayon, dahil alam naman natin na hanggang ngayon po ay delikado pa rin ang Covid.

“Kaya po nakakatulong nang sobra ang mga product from CN Halimuyak Pilipinas, dahil po tinutulungan po kaming maging mas malinis at higit po sa lahat, safe at malayo po sa mga virus na tulad ng Covid-19, na kumakalat ngayon.”

Dagdag pa ni Klinton, “Bukod po sa effective ang CN Halimuyak Pilipinas, nakiisa rin ito sa pangunguna ng aming CEO po para makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa frontliners. Kaya nakaka-proud po talaga.”

Actually, hindi lang very effective at very reasonable ang presyo ng mga produkto ng CN Halimuyak Pilipinas, marami rin silang promo para sa kanilang mga suki at para makatulong sa mga consumer.

Katatapos lang ng Pamaskong Handog ng CNHP na nagbigay sila ng Noche Buena at Business Package. Patunay lang kung gaano ka-generous ang lady boss ng CNHP na si Ms. Nilda at kung gaano siya nagmamalasakit sa kapwa niya.

Ngayon ay may bagong promo ang CNHP na makikita sa FB post ni Klinton:

“DITO SA CN HALIMUYAK, TULOY PA RIN ANG PASKO!

Para sa aming mga mamimili mula Tarlac, Cabanatuan, Bulacan, at Metro Manila, inaanyayahan namin kayong sumama sa aming Handog Pasasalamat Raffle kung saan kayo maaring manalo ng isang gift pack na naglalaman ng groceries at tatlo (3) sa mga sumusunod na CNHP home essentials:

1. 70% Ethyl Alcohol
2. 70% Isopropyl Alcohol
3. Surface Protect
4. Glass Cleaner with disinfectant
5. Deodorizer with disinfectant
PAANO SUMALI:
1. I-like ang page (CN Halimuyak Pilipinas) at i-post ang screenshot sa comment section.
2. I-like at i-share ang post na ito sa inyong profile.
3. Mag-tag ng tatlong (3) taong gusto mong pasalamatan ngayong taon sa aming post.
NOTE:
*Public dapat ang pag-share ng post.
*Dapat ay gawin ng mga contestant ang LAHAT ng tatlong steps para magkaroon ng raffle entry.
*Ang mga mananalo ang magbu-book ng pick-up o delivery ng mga regalo.
*Open para sa mga taga-Tarlac, Cabanatuan, Bulacan, at Metro Manila ang raffle na ito.

Ia-announce ang mga nanalo sa January 6, 2021. Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon!”

Anyway, si Klinton ay bahagi ng show na Yes Yes Show from SMAC Television Production na pansamantalang tumigil dahil sa pandemic. Madalas din siyang humataw sa mga mall show, bago dumating ang Covid-19.

Sa ngayon ay focus muna siya sa kanyang pag-aaral, via online. Si Klinton ay first year college ng kursong Marketing Management sa Trinity University of Asia.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Blind Item, Men

Aktor usap-usapan ang escapades sa mga gay designer at rich gays

HATAWAN!ni Ed de Leon USAP-USAPAN ang naging simula noon ng isang male star sa isang …

Andrew Schimmer Jho Rovero

Andrew nananawagan tulong sa asawa

HATAWAN!ni Ed de Leon NANANAWAGAN si Andrew Schimmer, na gumawa rin noong araw ng ilang …

Leave a Reply