Saturday , July 27 2024
Sipat Mat Vicencio

Grace versus Sara sa 2022

KAPAG nagkataon, isang babae ang susunod na magiging pangulo ng Filipinas.

Sa katauhan ni Senator Grace Poe at ni Davao City Mayor Sara Duterte, ang pukpukang labanan ng dalawang politikong ito ay inaasahan sa nakatakdang eleksiyong pampanguluhan sa 9 Mayo 2022.

Bagamat masasabing may bentaha si Sara dahil sa malawak na makinarya at organisasyon, hindi naman matatawaran ang pinanghahawakan ni Grace na nakasandig hanggang sa ngayon sa solidong suporta ng mga nagmamahal sa kanyang amang si Fernado Poe, Jr.

Ipinakita ni Sara ang lakas ng kanyang partidong Hugpong ng Pagbabago nang manalo ang mayorya ng kanyang mga kandidatong senador, at ipinakita rin naman ni Grace ang kanyang lakas nang pumangalawa sa senatorial race kahit siya ay independent candidate.

Batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na isinagawa nitong 23 Nobyembre hanggang 2 Disyembre, nanguna si Sara sa mga iboboto bilang pangulo na nakapagtala ng 26 percent.

Sinundan ito ni Grace at ni dating Senator Bongbong Marcos na nakapagtala ng 14 percent, at Manila Mayor Isko Moreno ng 12 percent. Si Senator Manny Pacquiao ay nakakuha naman ng 10 percent at si Vice President Leni Robredo ay mayroong 8 percent.

At dahil sa kaalyado nina Bongbong at Manny si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, malamang na magkasundo na lamang na tumakbo ang isa sa kanila bilang Vice President ni Sara.

Si Leni, kahit sabihin pang kulelat sa survey ng Pulse Asia, tuloy ang laban nito sa pagkapangulo bilang nag-iisang pambato ng Liberal Party. Obligadong magkaroon ng kandidato ang LP para hindi naman masabing patay o inilibing na ang kanilang partido.

Magandang laban ang Grace versus Sara sa May 9, 2022 presidential elections. Makinarya ng administrasyon laban sa lakas ng supporters ni FPJ. Kung magtatagumpay si Sara, mai­papakita nilang suportado pa rin ng taongbayan ang kanyang ama na si Digong.

At kung mananalo naman si Grace, maipamumukha niya sa kanyang mga kalaban na buhay ang alaala ni FPJ at hindi pa rin ito nililimot ng kanyang mga supporters. Ang lakas ni Grace na nakasalig kay FPJ ay mapatutunayan sa darating na pampanguluhang eleksiyon.

Kaya ngayon pa lang, pag-isipan nang mabuti nina Bongbong, Manny, at Isko ang binabalak nilang pagtakbo bilang presidente dahil talagang mahirap manalo sa pam­panguluhang karera lalo na kung sina Grace at Sara ang kanilang makakalaban.

Sayang lang ang pera at pagod kung alam naman nilang hindi sila lulusot at matatalo lang sa presidential race.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pacquiao at Lapid ‘basurang’ kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio DAPAT pag-isipang mabuti ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kung nararapat bang …

Dragon Lady Amor Virata

Mag-asawa for mayor sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SABI ni Parañaque City Cong. Edwin Olivarez, ang utol …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Paghihintay sa SONA

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. INAASAHANG nakatutok ang mata ng lahat sa Presidente sa …

Dragon Lady Amor Virata

Daming fake news sa socmed mga apektado kawawa naman

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SIYENTO PORSIYENTONG lumilitaw na ang social media ay ‘marites’ …

Sipat Mat Vicencio

Manalo kaya si Digong sa 2025 elections?

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI ang marami kung inaakalang tuluyang makalulusot si dating Pangulong Rodrigo “Digong” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *