DESIDIDO ang dalawang konggresista ng Maynila na lusawin ang ang namamayagpag na sugal sa online at text messages dahil nagiging dahilan ito ng pagkarahuyo ng mga kabataan at ng mahihirap na kababayan dahil madaling ma-access sa pamamagitan ng internet. Bilang paanauhin sa Balitaan ng Manila City Hall Reporters Association (MACHRA) sa Harbor View, sinabi nina Congressmen Ernix Dionisio (1st district) …
Read More »SSS, Bocaue LGU lumagda sa MOA para sa social security coverage ng JO workers
IPINAHAYAG ng Social Security System (SSS) na mahigit 800 job order (JO) na manggagawa sa pamahalaang munisipyo ng Bocaue, Bulacan ang makakukuha na ng social security coverage at proteksiyon sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program (KCP) matapos pumirma ang SSS at ang local government unit (LGU) sa isang memorandum of agreement (MOA) para sa pagpapatupad ng programa. Ayon kay SSS …
Read More »Mayor, mangingisda ng Masinloc, nagpapasaklolo sa Presidente at sa Speaker
HUMINGI ng tulong si Masinloc Mayor Arsenia “Senyang” Lim at ang mga mangingisda sa Zambales para makakuha ng malalaking bangka na maaaring pumalaot sa ibang lugar bukod sa Bajo de Masinloc kung saan ginigipit sila ng Chinese Coast Guard at militia. Ayon kay Mayor Lim, naging mapanganib para sa mga mangingisda ang pumunta sa Bajo de Masinloc o ang …
Read More »
Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN
INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa Department of the Interior and Local Government – Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) upang suportahan ang patuloy nitong pagsisikap sa modernisasyon at palakasin ang mga kakayahan ng pamahalaan sa paglaban sa sunog. Ayon kay Pangandaman, aprobado at pirmado na niya ang Special Allotment Release Order …
Read More »
Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO
ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang kay Land Transportation Office (LTO) Registration Division Chief Mercedita Gutierrez nitong nakaraang Biyernes, 24 Mayo 2024 makaraang maaresto ang suspek sa isinagawang follow-up operation. Kinompirma ang pagkakalutas ng kaso ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa isang pulong …
Read More »Anti-government rally ng Maisug pumalpak
KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang mabigong makakuha ng suporta at magtala ng mababang turnout ng protesters, ayon kay Tingog Party-list Rep. Jude Acidre. Dahil sa pumalpak na rally, nagsisisihan ngayon ang Maisug anti-government rallyists upang makaiwas sa kahihiyan, kung saan binigyang-katuwiran ni dating Presidente Rodrigo Duterte ang kanilang nakadedesmayang mababang …
Read More »Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI
MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ isang fashion show na nagtatampok ng mga makabagong disenyo ng barong, Filipiniana, gowns, bags, wearables at jewelries na likha ng mga designers at mananahi mula sa Gitnang Luzon. Ayon kay DTI-Region III Regional Director officer-in-charge Brigida Pili, isa itong pangunahing proyekto ng ahensiya upang itaguyod …
Read More »
Matapos mapatalsik si Zubiri sa puwesto
LABOR GROUP NANGAMBA PARA SA ISINUSULONG NA LEGISLATIVE WAGE HIKE
NANGANGAMBA ang labor group na mabaon sa limot ang isinusulong na legislative wage hike matapos na mapatalsik sa puwesto si Senate President Juan Miguel Zubiri. Ayon kay Ka Leody De Guzman sa kanyang pagdalo sa lingguhang “The Agenda” media forum sa Club Filipino, nangangamba sila sa kahihinatnan ng naturang panukala matapos nilang mabatid na isa ito sa dahilan kung bakit …
Read More »Senador Alan at Pia nagbigay ng tulong sa 2,000 Batangueño
UMABOT sa 2,000 Batangueño ang nakatanggap ng tulong mula sa mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa loob ng dalawang araw na pamamahagi nitong 21 Mayo at 23 Mayo 2024 sa mga bayan ng San Jose, San Luis, at Bauan, Batangas City. Sa ilalim ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situations Program (AICS), isang social welfare …
Read More »Pagpapalago ng agri-tourism, isusulong ni Sen. Lito Lapid
INAARAL ngayon ni Senador Lito Lapid ang pagpapaunlad ng Agri-tourism sa bansa. Kasunod ito ng pagtalaga kay Lapid bilang pinuno ng Senate committee on tourism. Ayon kay Lapid, bilang magsasaka, isusulong nya ang pagpapalago at promosyon ng agrikultura sa pamamagitan ng turismo at maeengganyo pa ang mga kababayan natin na tangkilikin ang lokal na tourism destination. Sabi ni Lapid, ang …
Read More »Sen. Revilla, Agimat Partylist saludo sa volunteer groups na handang magsakripisyo sa bayan
INIHAYAG ni Agimat Partylist Rep. Brian Revilla at maging ang tanggapan ng kanyang ama na si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr., ang kahandaang damayan o tulungan ang mga organisasyong handang maglingkod sa bayan nang hindi umaasa ng salapi o kapalit at kayang isakripisyo ang buhay mapanatili lamang ang katahimikan at kaligtasan ng komunidad. Sa kanyang pagdalo sa 11th Founding Anniversary …
Read More »
Wrong timing sabi ng consumer group
RENEWAL NG PRANGKISA NG MERALCO DARAAN SA BUTAS NG KARAYOM — SENADO
TINIYAK ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian, Vice Chairman ng Senate committee on energy na daraan sa butas ng karayom ang inihaing pagre-renew ng prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco). “These franchise renewals, my view always is that we have to use this opportunity to review the performance of the grantee. And that’s a good way of putting accountability to the …
Read More »DOST Region 2 awards P42-M iFund to empower over 38 MSMEs in the region
ACKNOWLEDGING the vital role of MSMEs in the Philippine economy, the Department of Science and Technology (DOST) Region 2, under the leadership of Dir. Virginia G. Bilgera, awarded a total of P42 million in innovation fund (iFund) assistance to 38 Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) across the region with the batch name PRIMERO, which stands for Primary Entrepreneurs Offering …
Read More »DOST, AIEC and NEA ink MoU to promote Energy Security in PH
The Department of Science and Technology (DOST), together with the Association of Isolated Electric Cooperatives (AIEC) and the National Electrification Administration (NEA), sealed today a collaboration through the signing of a Memorandum of Understanding that will harness the transformative potential of Science, Technology, and Innovation (STI) to drive progress and improve the lives of Filipinos. This initiative embarks on a …
Read More »DOST Bicol’s Dual Celebration, unites RSTIW and Abacanobasyon
The Department of Science and Technology (DOST) Region V commences the celebration of its Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) on May 22 to 24, 2024, at the Catanduanes State University Auditorium in Virac, Catanduanes. This year’s event, themed “Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan,” aims to promote science, technology, and innovation (STI) …
Read More »NorMin researchers triumphants in Mindanao RSM 2024 Poster Competition
Northern Mindanao’s scientific posters dominated the 2024 Mindanao Regional Scientific Meeting, held on May 8-9, 2024, at the Mallberry Suites in Cagayan de Oro City. Out of the 19 participants hailing from all regions in Mindanao, the three posters from Northern Mindanao emerged triumphant, claiming the top three spots of the poster competition. The winning entry, from Mindanao State University …
Read More »Mangingisda ng Zambales, dumaraing sa kawalan ng huli sa karagatan Bajo de Masinloc
ni Gerry Baldo INILATAG ng mga mangingisda sa Zambales ang kanilang mga hinaing na tila naging ‘daing o binilad na isda’ dahil taong 2016 pa nila nararanasan ang pagtaboy sa kanila ng mga barkong Tsino na nakahimpil sa Scarborough Shoal o mas kilala sa lokal bilang Bajo de Masinloc. Sa pagdinig ng Kamara de Representantes patungkol sa sinabing secret deal …
Read More »LGU Clarin, PRRI, & DOST empower Subanen farmers in rubber latex harvesting
The Subanen farmers, trainers, DOST and LGU-Clarin staff, personnel from PNP Clarin and 2nd PMC posing for a picture after the training MISAMIS OCCIDENTAL – The Department of Science and Technology – X (DOST – X), in collaboration with the Philippine Rubber Research Institute (PRRI), trained 25 indigenous Subanen farmers in rubber latex harvesting on April 3-4, 2024, Penacio, Clarin, …
Read More »Puto Latik Festival ng Biñan suportado ni Tolentino
SUPORTADO ni Senate Majority Floor Leader Francis “Tol” Tolentino ang ika-14 taong pagdiriwang ng anibersaryo ng Puto Latik Festival sa lungsod ng Biñan. Sa pamamagitan ng anak ng senador na si Patrick Tolentino, kanyang ipinaabot sa mga taga-Biñan ang pagpapakita ng suporta ng senador sa ginanap na ‘Thanksgiving Dinner’ Kaugnay pa rin ng isang linggong selebrasyon. Sa binasang kalatas ng …
Read More »
Sa maagang renewal ng prangkisa
‘ANGAL’ NG BDO vs MERALCO NAHALUNGKAT SA KAMARA
NAKATANGGAP ng isang sulat ang House committee on legislative franchise na naglalaman ng reklamo mula sa BDO-Unibank na naglalarawan sa oversized power ng Meralco kaugnay sa kabiguang makapag-supply ng koryente sa kompanya. Ang sulat na ipinadala ng Manjores and Manjores law firm na kumatawan sa BDO, ay tinanggap bilang isang documentray evidence at bahagi ng record ng komite na inaasahang …
Read More »
Presumption nananatili – SP Chiz Escudero
NAG-AKUSA vs MAYOR GUO DAPAT MAGLABAS NG PRUWEBANG HINDI SIYA PINOY
HINDI si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kundi ang mga nag-aakusa sa kanya ang dapat magpatunay na hindi siya Filipino. Ito ang ipinaalala ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na nagsabing sa ngayon ay mananatili ang presumption na Filipino ang alkalde batay sa mga dokumentong naipresinta at mga testimonyang kanyang naibigay sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and …
Read More »
Para palakasin ang pabahay, kalusugan, infra projects at socio-economic dev’t
MAYOR JEANNIE SANDOVAL NAKIPAG-UGNAYAN SA DBP
UPANG mapabuti ang paghahatid ng mga serbisyo sa mga Malabueño, nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod ng Malabon sa pangunguna ni Mayor Jeannie Sandoval sa Development Bank of the Philippines (DBP) para ilunsad ang programa ng banko na tumutulong sa pagpopondo sa mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan para sa epektibong pagpapatupad ng mga proyekto. Ang paglagda sa memorandum of agreement (MOA) …
Read More »
14.97 % WACC nanatili mula 2010
MERALCO FRANCHISE RENEWAL IBASURAv — SOLON
INISA-ISA ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang mga dahilan para ibasura ang panukalang renewal ng Manila Electric Company (Meralco) kabilang dito ang kabiguan ng kompanya na magbigay ng update sa weighted average cost of capital (WACC) na isa sa mga dahilan upang matukoy ang presyo ng koryente. Ayon kay Fernandez, Vice Chairman ng House Committee on Energy, pinagkalooban …
Read More »
Babala ng MMDA
ILOG-PASIG HINDI MADARAANAN NG FERRY BOATS
NAG-ABISO ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasahero ng Pasig River Ferry Service na hindi passable para sa ferry boat ang ilog Pasig mula sa mga estasyon sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) hanggang Escolta. Sinisi ng MMDA sa mga naglutangang basura ang pagkabalam ng operasyon dahil sa malaking posibilidad na makaapekto sa makina ng ferry boats. …
Read More »CAAP nakatutuok, sa sumadsad na Cessna plane
PATULOY ang isinasagawang imbestigasyon ng Aircraft Accident and Inquiry Investigation Board (AAIIB) sa nangyaring pagsadsad ng isang training aircraft sa baybayin ng Barangay Canaoay, San Fernando, La Union. Base sa inisyal na impormasyon, nakatanggap ng alert ang San Fernando Tower mula sa nasabing aircraft, may registered number RP-C6923 na nag-take-off sa Runway 19 ng San Fernando Airport nang biglang mag-crash …
Read More »