Thursday , June 4 2026
Lito Lapid
Lito Lapid

Sen Lito nagpaliwanag boto sa impeachment case ni VP Sara

NANAWAGAN si Sen Lito Lapid na irespeto ang desisyon ng Supreme Court, magkaisa para sa katahimikan at pagtugon sa problema ng ating mga kababayan.

Sinabi pa ng senador na bagama’t magkakaiba ang paniniwala at paninindigan sa impeachment complaint laban kay Vice-President Sara Duterte sinusunod at iginagalang niya ang desisyon ng Korte Suprema.

Aniya pa, ang pag-archive ng Senado sa impeachment case ni VP Duterte ay hindi nangangahulugan na mayroon o walang  kasalanan si VP Sara.

Mabuti pa ring mapakinggan at maipaliwanag niya (VP Sara) ang kanyang panig sa mga paratang ng House of Representatives,” anang senador.

Kung sakali man at ma-grant ang motion for reconsideration na inihain ng Kamara sa Korte Suprema, ang inyong senado ay nakahandang ipagpatuloy ang paglilitis laban sa Bise-Presidente.

Ang anumang debate sa pagpapatuloy ng paglilitis ay wala pong saysay sapagkat lalabagin ng Senado ang pasya ng Supreme Court.

“Ang Hudikatura at Senado ay pantay na mga sangay ng ating pamahalaan,” dagdag pa.

Kaya naman sabi pa ni Sen Lito, “kinakailangan na magkaroon ng checks and balances, kaya nariyan ang Korte Suprema para ipaintindi ang Saligang Batas.

“Walang ibang maaaring umintindi sa 1987 Constitution kung hindi ang Supreme Court.

“Naniniwala po tayo na ang rule of law at due process ang dapat manaig sa ating bansa dahil kung hindi ay magkakagulo po at masama ito sa ating ekonomiya at matatakot ang mga investor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …