Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

July, 2015

  • 7 July

    Egay sasamahan  ng isa pang bagyo

    INAASAHANG papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong linggo ang isa pang bagyo na may international name na Chan Hom. Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio, posibleng sa Martes o Miyerkoles pumasok ng PAR ang Tropical Storm Chan Hom. Tatawagin itong bagyong Falcon pagpasok ng PAR. Sakaling pumasok, nasa border lang ito ng PAR, ayon kay state weather …

    Read More »
  • 7 July

    Mayor Edwin Olivarez nanawagan sa SOMCO-SMC para sa mabilis na konstruksiyon ng skyway sa NAIA

    NANAWAGAN si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez sa kompanyang nangangasiwa sa konstruksiyon ng Phase 1 ng Skyway Stage 3 at Phase 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway para sa mabilis na konstruksiyon ng nasabing proyekto dahil labis na naaapektohan ang mga residente lalo na ‘yung mga nagtatrabaho at mag-aaral sa kanilang lungsod. Ayon kay Mayor Olivarez, hindi niya …

    Read More »
  • 7 July

    Dahil sa ‘illogical rotation’ sa hanay ng Immigration employees & officials, airport passengers ‘di nakahabol sa flights

    KASAKLAP naman pala ang inabot ng may 29 pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3. Walong (8) Immigration officers lang kasi ang naka-duty sa departure area, at sa haba ng pila ay naiwanan ng kanilang flights ang 29 pasahero. Ang 29 pasahero ay patungong Hong Kong at Singapore. Anak ng tokwa!!! Ayon sa ilang pasahero na nainterbyu, inabot …

    Read More »
  • 7 July

    5 preso pumuga sa Koronadal police station (Bantay nakatulog)

    KORONADAL CITY – Pinaghahanap ng pulisya ang limang itinuturing na notorious na mga bilanggo makaraan makatakas sa lock-up cell ng Koronadal City PNP pasado 1 a.m. kahapon. Kinilala ang nakatakas na mga bilanggo na sina Karamudin Kansang Salipada, Muhamedin Kansang Salipada, Osmeña Midtawan Mamasalanao, Manalos Mamasalanao Sandigan, at Nelson Labungan, pawang sangkot sa ilegal na droga. Ayon sa impormasyon, dumaan …

    Read More »
  • 7 July

    Lahat tablado sa Fight IT!

    FIGHTS Illicit Trade (Fight IT)… oo, bagong bi-nuong grupo na masasabing kakampi ng mga konsyumer laban sa mga abusado’t mapagsamantalang negosyante o kapitalista. Araw-araw, hindi lang isa, dalawa o tatlo ang nabibiktima ng mga abusadong negosyante kundi,  marahil ay umaabot hanggang sampu o higit pa. Kaya, ito marahil ang isa sa dahilan kung bakit binuo ang Fight IT na pinamumunuan …

    Read More »
  • 7 July

    2 dalagita nasagip sa human trafficking

    NASAGIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawang dalagita sa loob ng hotel makaraan mabiktima ng human trafficking sa Maynila. Kasong human trafficking (Republic Act 9208) ang isinampa sa Manila Prosecutor’s Office laban sa suspek na si Jasmin Alfabeto alyas Candy Angeles, 21-anyos, residente ng P. Santos St., Pasay City. Sa ulat ni Manila Police District-District Legal …

    Read More »
  • 7 July

    Kapabayaan o kasuwapangan sa pera?

    KAPABAYAAN ba o kasuwapangan sa pera ang dahilan kaya tumaob ang ferry na M/B Kim Nirvana sa karagatan ng Ormoc City noong Huwebes? Kung pagbabatayan umano ang naulat na 59 ang nasawi, at 140 ang nailigtas ayon sa Philippine Coast Guard sa Eastern Visayas, lumalabas na 199 ang sakay nito. Ang Kim Nirvana ay may kapasidad na magsakay ng 194 …

    Read More »
  • 7 July

    Kampo ni Ruby Tuason  inisyuhan ng gag order ng Sandiganbayan

    INISYUHAN ng gag order ng Sandiganbayan 5th division ang kampo ng pork barrel scam witness na si Ruby Tuason. Ayon sa mga mahistrado, hindi maaaring magsalita ang panig ni Tuason sa media lalo na kung tungkol sa dinidinig na kaso ni Sen. Jinggoy Estrada ang pag-uusapan. Una rito, lumabas ang magkakasalungat na pahayag ng abogado ng pork scam witness, bagay …

    Read More »
  • 7 July

    Lina kakambal ng kontrobersya

    TILA kakambal ng kontrobersiya ang Komisyo-ner ng kustoms na si Mr. Bert Lina. Pinakahuli sa kanya ang demandang inihain ng Omni Marketing na siya sanang nanalo sa public bidding ng P650-M na computer project ng Customs ngunit sa ‘di malamang dahilan ay ipinatigil ni Lina. Ang bubunuin niya: kasong pandarambong na kung sakaling malasin si Lina, “No Bail” ito tulad …

    Read More »
  • 7 July

    No plate & recovered vehicle gamit ng pulis Guagua (Attention: SILG Mar Roxas)

    SIR JERRY, ito ang TOYOTA COROLLA COLOR WHITE na pag-aari SPO2 JIMMY SANTOS na nakuhaan ng picture (ngayong) umaga 9:45 June 29, 2015, araw ng Lunes, sa tapat ng GUAGUA PNP STATION na WALANG PLAKA  o PLATE NUMBER. At ito namang RED TOYOTA INNOVA na kanyang minamaneho June 23, 2015, 5:30 ng hapon humigit kumulang, sa Brgy. San Juan Bautista, …

    Read More »