Wednesday , November 20 2024

TimeLine Layout

August, 2015

  • 21 August

    Ex-call center agent nagtangkang pasagasa sa MRT, 3 sugatan

    INARESTO ng mga pulis ang isang dating call center agent na nagtangkang magpasagasa sa Metro Rail Transit (MRT) makaraan tatlong pasahero ang masugatan sa insidente sa Makati City, kamakalawa. Si Mark Robert Connor, 31, ng 6945 Washington St., Brgy. Pio Del Pilar ng lungsod, ay nasa kustodiya na ng Makati City Police. Habang ang nasugatang mga pasahero ay sina Elisa …

    Read More »
  • 21 August

    JPE nakalaya na

    PANSAMANTALANG nakalaya mula sa hospital arrest si Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile makaraan maglagak ng P1 milyong piyansa kaugnay sa kasong pork barrel scam. Magugunitang nagdesisyon ang Korte Suprema na payagan si Enrile na makapagpiyansa dahil hindi ‘flight risk,’ ang matanda at mahina na ang kalusugang mambabatas. Habang walang binayaran si Enrile sa Philippine National Police (PNP) General Hospital dahil …

    Read More »
  • 21 August

    Estudyante ‘wag pilitin sa field trip — DepEd (Babala sa titsers)

    BINALAAN ng Department of Education (DepEd) ang mga guro na huwag pilitin ang mga estudyante na sumama sa taunang “lakbay aral” o field trip. Ayon kay DepEd Assistant Sec. Tonisito Umali, puwedeng tanggihan o hindi sumama ang isang estudyante at batay aniya sa kautusan ni Sec. Armin Luistro, maaaring hindi pasamahin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa taunang …

    Read More »
  • 21 August

    4 rape suspects sa Lanao itinumba?

    INIIMBESTIGAHAN ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pagkamatay ng apat na mga suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang dalagita sa Marawi City, Lanao del Sur.  Agosto 14 nang matagpuan ang bangkay ng 15-anyos Maranao sa loob ng kanilang nasunog na bahay sa Brgy. Maito Basak.  Isang araw makaraan ang krimen, inabisohan ng ilang sibilyan ang pulisya …

    Read More »
  • 21 August

    Paslit patay, 5 naospital sa kamoteng kahoy (Sa North Cotabato)

    KIDAPAWAN CITY – Binawian ng buhay ang 4-anyos batang lalaki habang limang iba pa ang naospital makaraan kumain ng kamoteng kahoy sa lalawigan ng Cotabato kamakalawa. Kinilala ang biktimang namatay na si Mama Payag habang naospital ang kanyang mga magulang na sina Edris Payag at Tingga Payag, gayondin ang iba pang mga anak ng mag-asawa na sina Alibai, 3; Asarapia, 6, …

    Read More »
  • 21 August

    13-anyos totoy utas sa kidlat (1 pa malubha)

    PATAY ang isang 13-anyos na binatilyo habang malubha ang kalagayan sa pagamutan ang 9-anyos niyang kalaro makaraang tamaan ng kidlat habang naglalaro sa labas ng kanilang bahay sa Valenzuela City dakong 3 p.m. kamakalawa. Agad binawian ng buhay si Jews Dagdang habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Miguel Viray, kapwa residente  ng Brgy. Isla ng nasabing lungsod, sanhi ng …

    Read More »
  • 21 August

    Kasambahay tumalon sa 4/F patay

    PATAY ang isang 53-anyos kasambahay nang tumalon mula sa ikaapat palapag ng bahay na kanyang pinagsisilbihan dahil sa matinding depresyon kamakalawa ng gabi sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Nelly Rosaroso, stay-in sa 7845 Solchuaga St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod. Sa ulat ni SPO2 Jayson David, imbestigador  ng Homicide Section ng Makati City Police, nangyari …

    Read More »
  • 21 August

    Ulo ng motorcycle rider pisak sa bus

    PATAY ang isang motorcycle rider makaraan mahagip at magulungan sa ulo ng isang pampasaherong bus sa Ople Road, Brgy. Bulihan, Malolos, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Daniel Dionisio, 28, residente ng Brgy. San Pedro, Hagonoy, sa naturang lalawigan. Ayon sa ulat  ng Malolos Police, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo nang mahagip ng bus ng Golden Bee Transport na …

    Read More »
  • 20 August

    PINANGUNAHAN ni Alvin Nicolas, tubong Camarines Sur, ang men’s 21K race para tanghaling kampeon ng   39th National MILO Marathon sa Naga City Leg. (HENRY T. VARGAS)

    Read More »
  • 20 August

    Lebron James nasa Pinas na

    DUMATING na sa Pilipinas ang superstar ng Cleveland Cavaliers na si LeBron James. Lumapag ang private jet ni James kagabi at dumiretso siya sa isang hotel sa Makati kung saan doon siya mananatili sa susunod na tatlong araw. Ang sikat na sapatos na Nike ang sponsor ng pagbisita ni James sa Pilipinas na huli niyang binisita noong 2013. Ngayong hapon …

    Read More »