Friday , February 20 2026

TimeLine Layout

January, 2020

  • 31 January

    Maria Laroco’s first love

    TATLONG taong gulang pa lamang si Maria Laroco nang magpakita ng interes sa pagkanta. Kasunod nito ang pagsali-sali niya sa isa’t ibang singing contest na lalong nagpahasa sa kanyang talento. “Lahat na yata ng barangay singing contest nasalihan ko na,” pagbabalik-tanaw niya. Isa si Lea Saloga sa mga naka-influence sa kanya sa musika gayundin sina Aretha Franklin at Liza Minelli. Hilig naman niya ang pop, jazz, at soul …

    Read More »
  • 31 January

    Myrtle Sarrosa, napaiyak sa kuwento ng mga inang naulila sa Mamasapano massacre

    HINDI naitago ni Myrtle Sarrosa ang kalungkutan at pakikisimpatya sa mga nanay na naulila bunsod ng naganap na Mamasapano massacre limang taon na ang nakali­lipas. Ang nasabing insidente sa Mamasapano na nangyari noong January 25, 2015 ay gagawing pelikula ng Borracho Film Production titled 26 Hours: Escape From Mamasapano. Matatandaang 44 members ng SAF (Special Action Forces) ang nasawi matapos magsagawa …

    Read More »
  • 31 January

    Senior citizens, PWDs tanggap na sa fast food resto at supermarkets

    MAAARI nang makapagtrabaho ang ilang senior citizens at persons with disability (PWDs) sa ilang fast food restaurant at supermarket sa Lungsod ng Maynila. Lumagda si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng kasunduan kasama ang food companies na KFC at Tokyo Tokyo, at maging sa supermarket na Puregold para magbukas ng bakanteng trabaho sa senior citizens at PWDs. Dahil dito, tatanggap …

    Read More »
  • 31 January

    Pulis sinapak ng lalaking nabitin sa Mariang Palad

    NABITIN sa ginaga­wang pagpaparaos sa sariling sikap ang isang electrician kaya sinapak ang isang pulis na bantay ng kanyang computer shop habang nanonood ng porno­graphic movie sa Caloocan City, kamaka­lawa ng gabi. Nakapikit at kagat-labing tila maaabot na ni Aldrin Bangayan, 30 anyos, residente sa Lirio St., Bo. San Jose, Brgy. 187, Tala ang rurok ng ligaya habang ginagawa ang …

    Read More »
  • 31 January

    Tauhan ng PAGCOR buking na ‘fixer’

    BISTADO ang isang lalaki na sinabing tauhan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang ‘fixer.’ Hindi pinangalanan ni Jimmy Bondoc, Vice President for Social Responsibility Group ng PAGCOR, ang suspek na naaresto sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI). Ayon kay Bondoc, nakatanggap sila ng mga ginagawang iregularidad ng suspek tulad nang paglapit sa mga humi­hingi …

    Read More »
  • 31 January

    3 lider sabit sa human smuggling… Simbahan ni Quiboloy sa Amerika ni-raid ng FBI

    human traffic arrest

    DUMISTANSYA ang Palasyo sa bestfriend forever (BFF) o matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy. Sinalakay kamaka­lawa ng mga ahente ng Federal Bureau of Investigation ( FBI) ang simbahan ng Kingdom of Jesus Christ sa Los Angeles, California dahil sa kasong human trafficking at inaresto ang tatlong lider nito. Ayon …

    Read More »
  • 31 January

    Missing taxi driver natagpuang patay sa loob ng drum sa Port Area

    NAKALUBOG ang ulong patiwarik nang matagpuang ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng isang abandonadong palikuran kamakalawa ng hapon sa Port Area, Maynila. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, kinilala ang biktimang si Jamal Tagsayan ng Barangay 647, Zone 67, San Miguel, Maynila na positibong kinilala ng kanyang ina na ang nawawala niyang anak. Nabatid …

    Read More »
  • 31 January

    Sa unang kaso ng coronavirus… Maging malinis, huwag mag-panic

    NANAWAGAN kaha­pon ang mga kongresista na huwag mag-panic matapos kompirmahin ng Department of Health (DOH) na nakapasok na ang novel coronavirus (n-Cov) sa Filipinas. “Huwag ma-alarm. Basta maging malinis lang sa katawan hindi ka dadapuan ng virus,” ayon kay dating health secretary Janette Garin. Ang coronavirus ay dala ng isang 38-anyos babaeng Chinese ayon sa DOH. Base sa report, dumating …

    Read More »
  • 31 January

    PH nagtala ng unang kaso ng n-Cov

    NAKOMPIRMA ng Filipinas ang pinakaunang kaso ng bagong uri ng coronavirus sa isang babaeng Chinese mula Wuhan, ang lungsod sa China na pinagmulan ng virus, pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon. Dumating nitong Huwebes ang resulta ng laboratory test mula Australia na nagpakitang positibo sa 2019 novel coronavirus ang isang 38-anyos Chinese woman na dumating sa bansa noong …

    Read More »
  • 31 January

    ‘Pekeng’ airport police naghahari sa NAIA terminals

    bagman money

    SABI, ang langaw kapag nakatuntong sa kalabaw dinadaig pa ang kanyang tinutuntungan. May isa pang kasabihan: Ang langaw talagang ganyan, laging naghahanap ng taeng (eskyus me po) makakapitan. Hik hik hik! Kaya hindi na tayo nagtataka kung mayroong isang tawagin na lang natin sa alyas na Dogi-Dogi, na sinasabing aso as in asungot ng isang Airport official, ang nagpupulis-pulisan para …

    Read More »