Thursday , November 21 2024

Classic Layout

Malampaya fund may natitira pang P167-B — DoE

INIHAYAG ni Department of Energy (DoE) OIC Zenaida Monsada, may natitira pang P167.2 bilyon sa Malampaya funds sa kasalukuyan. Sa pagtatanong ng mga kongresista, inihayag ni Monsada na bawas na sa balanseng ito ang settlement ng tax defficiency. Ngunit sa kabuuan, mula noong Enero 2002 hanggang nitong Marso 2015 ay umabot na sa P213.2 bilyon ang royalties na nakolekta ng …

Read More »

CAB-BBL dapat nang ibasura ng SC — Alunan

Muling nanawagan si dating Department of Interior and Local Government secretary Rafael Alunan III sa Supreme Court (SC) na tanggalin ang takot ng taga-Mindanao sa pagsiklab ng gulo sa pagbasura sa Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) na katulad lamang ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) na tinangkang palusutin noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo. Tinuligsa rin …

Read More »

Heavy traffic pa rin sa Macapagal Blvd. (Tatlong oras mula MOA hanggang Coastal Road)

Hanggang kahapon ay pinag-uusapan pa rin ang lumuwag na traffic sa Epifanio De Los Santos Avenue (EDSA). Pero hindi pa rin nireresolbahan ang heavy traffic sa ‘maikling’ Macapagal  Blvd., sa Pasay City. Sana subukan dumaan ni Pangulong Noynoy sa Macapagal Blvd., nang maranasan niya ang tatlong oras na biyahe mula MOA hanggang Coastal Road na dinaig pa ang biyaheng Maynila …

Read More »

Pick-up girl utas sa gang rape sa Gensan

GENERAL SANTOS CITY – Kompirmadong ginahasa ang pick-up girl na natagpuang patay sa likod ng isang banko sa Pioneer Avenue cor. P. Acharon Blvd. sa Lungsod ng Heneral Santos kamakalawa. Ayon kay Dr. Antonietta Odi, medico legal officer, base sa resulta ng isinagawang post portem sa bangkay ng biktimang kinilalang si Rodalisa Bahuyo alyas Bulaylay, 36, residente ng Prk Kasilak, …

Read More »

Biyenan pinatay, tinangkang gahasain ng manugang

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki makaraang mapatay sa bugbog ang kanyang biyenan na tinangka niyang gahasain sa bayan ng Sagñay, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Fernando Amata, 40-anyos. Ayon kay Senior Insp. Chester Pomar, hepe ng PNP-Sagñay, biglang pumasok ang suspek sa bahay ng biktimang si Salvacion Pante, 59-anyos. Posibleng tinangkang gahasain ng suspek …

Read More »

Resign petition vs Tolentino ibinasura ng Palasyo

IDINEPENSA ng Malacañang si MMDA Chairman Francis Tolentino mula sa panawagang magbitiw sa puwesto dahil sa kabiguang mapaluwag ang daloy ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Ginawa ni Communication Sec. Sonny Coloma ang pahayag nang umani ng suporta ang isang online petition na humihirit sa pagbibitiw ni Tolentino dahil sa sinasabing kapalpakan at abala na siya sa pangangampanya. Sinabi ni …

Read More »

2 estudyante patay, 4 sugatan sa truck vs trike (Sa Quirino Province)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang dalawang estudyante habang sugatan ang apat iba pa makaraang banggain ng dump truck ang kanilang sinasakyang tricycle sa Saguday, Quirino kamakalawa. Sa nakuhang impormasyon mula sa Saguday Police Station, ang dalawang namatay ay sina Kenneth Badil, 17, residente ng Brgy. Banuar, Cabarroguis, Quirino; at Shiela Castillo, 13, residente ng Brgy. San Leonardo, Aglipay, Quirino. …

Read More »

Customs Comm. Bert Lina: Against All Odds

SA KABILA ng mabuting hangaring masugpo at ganap na matuldukan ang talamak na smuggling activities diyan sa Bureau of Customs, umani ng batikos si Customs Commissioner Bert Lina  sa planong isailalim sa random inspections ang Balikbayan boxes ng overseas Filipino workers (OFWs). Naging ‘very unpopular’ ang hakbang na ito ni Lina sa OFWs at sa nakararaming Filipino na sa tingin …

Read More »

PNoy nabihag din ng Aldub

MAGING si Pangulong Benigno Aquino III ay aminadong ‘nabihag’ na rin siya ng sikat na kalyeserye sa Eat Bulaga na “AlDub.” Inamin ni Pangulong Aquino sa Philippine Daily Inquirer forum kahapon na minsan na niyang napanood ang “AlDub” sa telebisyon. “Nakita ko na ang humahalik sa screen. Counted na ba ‘yun,” wika pa niya nang tanungin sa media forum kahapon …

Read More »

Source code sa 2016 automated polls may host na — Comelec

INIANUNSIYO ng Comelec na pumayag na ang De La Salle University na mag-host ng review sa source code ng voting machines sa 2016 elections. Ang source code ay koleksiyon ng computer instructions na ginagamitan ng human-readable computer language para ma-evaluate bago gamitin sa halalan. Ito ang itinuturing na master blueprint ng automated election system sa susunod na taon. Ayon kay …

Read More »