Tuesday , December 16 2025

Classic Layout

PNP breakdown posible (Dahil sa scalawags) – Lacson

POSIBLENG magkaroon ng breakdown sa Philippine National Police (PNP) kapag hindi ito nalinis mula sa scalawags. Binigyan-diin ito ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson kasunod ng mga eskandalong kinasasangkutan ngayon ng pambansang pulisya. Halimbawa rito ang sinasabing mga krimen na ginagawa ng mga pulis sa gitna ng lehitimong ope-rasyon, katulad ng kidnap-slay sa South Korean businessman na si Jee Ick Joo. …

Read More »

2,503 drug suspects patay sa war on drugs

PATULOY sa pagtaas ang bilang ng napa-patay na drug personalities sa isinagawang anti-illegal drug operations sa buong bansa. Batay sa pinakahu-ling datos na inilabas ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng Project Double Barrel-Alpha, simula 1 Hulyo hanggang 22 Enero 2017, umakyat sa 2,503 drug suspects ang na-patay sa ikinasang 42,607 anti-drug police operations nationwide. Habang nasa 51,547 drug …

Read More »

DPWH-10 projects haharangin ni Koko (Nagulat sa lawak ng baha)

CAGAYAN DE ORO CITY – Maging si Senate President Koko Pimentel ay nagulat sa lawak nang pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro noong nakaraang Lunes. Sa kanyang pakikipagpulong sa mga miyembro ng konseho, iminungkahi niyang harangin ang panibagong proyekto ng Department of Public Works and Highway Region 10 (DPWH-10). Layunin nito na maisailalim sa masusing evaluation ang lahat ng …

Read More »

Panawagan ni Atienza sa Senado: Sin Tax Reform Act apurahin

NANAWAGAN si House Deputy Minority Leader at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza sa Senado na apurahin nila ang Sin Tax Reform Act. Ayon kay Atienza, nabigo ang nagdaang administrasyong Aquino na matulungan at maiangat ang buhay ng tobacco farmers. Paliwanag ng kongresista, imbes na tulungan ang industriya ng tabako nang nakalipas na admi-nistrasyon, mas pinahalagahan pa ang pagpapasa ng mga …

Read More »

P107-M sa Grand Lotto 6/55 may nanalo na

NAPANALUNAN ng nag-iisang bettor ang jackpot prize ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Grand Lotto 6/55. Tumataginting na P107,366,364 ang iuuwi ng lone bettor. May lucky number combination itong 52-17-20-43-15-19. Habang hindi naibulsa ang premyo sa Lotto 6/42 na P21,877,988, may winning combination na 01-38-17-28-34-39.

Read More »

Badjao utas sa boga ng CSF (Nagtitinda ng cellphone sa kalye)

PATAY ang isang  katutubong Badjao nang barilin ng isang miyembro ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall, habang nagbebenta ng cellphone sa mga driver ng truck sa A. H. Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang si Jimmy Saed, miyembro ng Badjao tribe, naninirahan sa Angeles, Pampanga, isang linggo pa lamang nananatili sa lugar at kalalabas mula …

Read More »

Bunkhouse nasunog, ampunan muntik madamay

NAGDULOT ng tensiyon sa mga residente at sa katabing bahay-ampunan ang sunog sa bunkhouse na nagsisilbing barracks ng towing and trucking company sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw. Nabatid mula sa Manila Fire Department, dakong 6:05 am nang magsimula ang sunog na umabot sa 1st Alarm at ganap na naapula 6:34 am. Partikular na nasunog ang 10 silid …

Read More »

P1-M shabu kompiskado sa buy bust ops sa Butuan

BUTUAN CITY – Umaabot sa halagang P1.1 milyon ang nakompiskang shabu sa buy-bust operation sa lungsod na ito. Inilunsad ang operas-yon pasado 9:50 pm kamakalawa ng gabi ng pinagsanib na puwersa ng Butuan City Police Station 2 at 3 sa Brgy. Masau ng nasabing lungsod. Kinilala ni S/Insp. Roland Orculio ang naarestong suspek na si Alan Regundo Yamba, residente ng …

Read More »

2 patay sa Laguna drug bust

PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher habang isang pulis ang sugatan sa drug buy-bust operation sa Bay, Laguna nitong Linggo ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na mga suspek na sina Frederick Fule at Ryan Ferdie Pulutan. Ayon sa Laguna Police Provincial Office, nagsagawa ang mga operatiba ng drug buy-bust operation sa Brgy. Dila, bayan ng Bay dakong 1:30 …

Read More »

Kelot patay sa bugbog ng 3 suspek sa Caloocan

PATAY ang isang lalaki makaraan pagtulungan bugbugin ng tatlong suspek sa Calaoocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima sa pangalang Rommel, 30 hanggang 40-anyos, habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Ferlito Yson, taga-BMBA Compound, 2nd Ave; Dave Acuña, at isang hindi pa nakikilalang lalaki. Ayon sa ulat, dakong 9:30 pm nakaupo ang biktima sa tabi …

Read More »