Thursday , November 14 2024

Blog Layout

Inaway ng syota kelot nagbigti

HINDI nakayanan ng isang lalaki nang awayin siya at bantaang hiwalayan ng kanyang nobya kaya naisipan magbigti sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi. Dead on arrival sa Fatima Medical Center (FMC)  ang biktimang kinilalang si Padz Espadillon, 19-anyos, residente  ng  La Huerta St., Brgy. Marulas. Batay sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 ng gabi kamakalawa nang matagpuan ang nakabigting katawan …

Read More »

Iniwang bagahe sa taksi nagpatrapik sa Roxas Blvd

TRAFFIC, tensiyon at takot ang idinulot ng iniwang bagahe sa loob ng isang taxi sa southbound ng Roxas Boulevard, Maynila, kahapon ng umaga. Isinara ng mga kagawad ng Manila Police District – Bomb Squad sa mga motorista ang bahagi ng Padre Burgos hanggang T.M. Kalaw nang respondehan ang taxi driver na si Rene Cayabyab na nag-ulat na na may kahina-hinalang …

Read More »

2 tulak laglag sa drug bust

LAGUNA – Dalawang itinutu-rong notoryus na drug pusher ang bumagsak sa kamay ng mga awtoridad sa Lumban, Laguna sa isinagawang drug bust operation sa Brgy. Maytalang Uno sa nasabing bayan. Kinilala ni Senior Insp. Luis Perez, hepe ng pulisya, ang na-arestong mga suspek na sina Ernesto Catapang, Jr., 41, driver, at residente ng Brgy. Sampalocan, Pagsanjan, Laguna, at Willy Flores, …

Read More »

Nanuba ng utang grabe sa tarak ng vendor

KRITIKAL ang  isang mister matapos singilin at hindi makapagbayad ng utang sa isang vendor sa Malabon City, kamakalawa  ng hapon . Kritikal ang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Antonio Tates, 34-anyos, ng 400 Sitio Gulayan, Brgy. Catmon, sanhi ng  dalawang saksak sa dibdib. Agad naaresto ang suspek na si Jessie Ratoni, 59-anyos, vendor at …

Read More »

Suspensyon kay Sabio kinatigan ng CA

KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang parusang suspension  ng Ombudsman kay Chairman Camilo Sabio at apat na iba pa ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) na sangkot sa maanomalyang pagrenta ng mga sasakyan na nagkakahalaga ng P5.3 milyon noong 2007. Sa 19-na-pahinang decision na isinulat ni Associate Justice Ramon Cruz (na pinaboran nina Associate Justices Noel Tijam at …

Read More »

Sekyu binoga sa mukha, todas

WALA nang buhay at duguang nakahandusay ang 21-anyos security guard nang madatnan ng kanyang karelyebo, sa binabantayang bakanteng lote,  sa Malate, Maynila,  kamakalawa. May tama ng bala sa mukha ang biktimang si Joemar Sallote, sa bakanteng lote na kanyang binabanta-yan sa kanto ng Singalong at Francisco streets sa Malate. Si Sallote ay empleyado ng Helenian Security Agency sa #3 Rosal …

Read More »

Jueteng War ba ang dahilan ng kamatayan ni Marikina ex-Konsi Elmer Nepo?

MALAKAS ang bulungan sa mga huntahan ngayon sa mga sabungan at sa pulisya, hinggil sa naganap na ambush sa dating konsehal ng Marikina na si ELMER NEPOMUCENO. Sa mga HUNTAHAN ay lumulutang ang anggulong ‘JUETENG’ ang dahilan ng ambush kay ELMER NEPO. Sabi ng isang retiradong HENERAL, dahil daw sa kainutilan ng ONE STRIKE POLICY ng Philippine National Police (PNP) …

Read More »

Taxi riders mag-ingat!

MAG-INGAT po sa TAXI na may plakang TXR 324 UV Ortega. Isang Bulabog  boy ang sumakay dito nakaraang Huwebes ng gabi, between 11 to 11:30 a.m. from Walter Mart, Muñoz. Mayroon daw pong ini-SPRAY ang driver na kakaiba ang AMOY at nahilo ang nasabing pasahero. Again, ingat-ingat po! Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o …

Read More »

Jueteng ni Luding sa Baguio, may basbas ang CIDG?

INIYAYABANG ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nasugpo na ang jueteng ni Luding sa Baguio City, La Trinidad o di kaya sa buong lalawigan ng Benguet. Ito ay makaraang iulat ng CIDG Benguet kay CIDG director, Chief Supt. Francisco Uyami, na simula nang magbaba (si Uyami) ng direktiba laban sa ilegal na sugal ay nasugpo na raw nila …

Read More »

Delubyo huwag sanang gamiting dahilan

MAY mga naniniwala na ang nagdaang delubyo na rumagasa sa gitnang Visayas ay gagamitin ng mga pul-politiko para isulong ang pananatili ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP) na mas kilala sa mabahong taguri nito na pork barrel fund. Kahit ayaw na ito ng sambayanan ay bibig-yang katwiran ng mga pul-politiko ang pananatili ng pondong ito …

Read More »