Friday , December 19 2025

Blog Layout

2 kidnaper todas sa shootout (Biktima nakatakas)

PATAY ang dalawang lalaki nang makipagbarilan sa mga pulis makaraan tangkang dukutin ang isang babae sa isang banko sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ng pulisya, dakong 11:00 pm tinangka ng mga suspek na dukutin ang isang babae sa isang banko sa Bonifacio Avenue ngunit nakatakbo ang biktima at nakapagsumbong sa traffice enforcers. Agad itinawag ng traffice enforcers …

Read More »

Coed nag-selfie sa jeepney nadale

jeepney

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang 18-anyos dalagita nang mahulog mula sa sinasakyang pampasaherong jeepney habang nasa kalagitnaan ng kanyang pagse-selfie sa highway ng Brgy. Upper Calarian sa Zamboanga City kamakalawa. Kinilala ni Senior Inspector Hingming Ladjaali, hepe ng Zamboanga City police station 8, ang biktimang si Dorothy Tubal, nag-aaral sa isang kilalang pribadong unibersidad sa lungsod. Ayon sa opisyal, …

Read More »

3 patay, 3 timbog sa anti-drug ops sa Rizal

dead gun police

TATLO ang patay habang tatlo ang naaresto sa isinagawang anti-drug operations ng mga pulis nsa Cainta, Rizal nitong Linggo. Kinilala ni Supt. Marlon Gnilo, hepe ng Cainta Police Station, ang isa sa tatlong napatay na si Navy reservist Jojo Parado, residente ng Sitio Bagong Silang, Brgy. San Juan. Ayon kay Supt. Gnilo, patungo ang mga pulis na armado ng search …

Read More »

Grand Lotto jackpot papalo na sa P250-M

POSIBLENG pumalo na  sa P250 milyon sa susunod na draw ang jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto. Ito’y dahil wala pa ring nakasungkit ng pot money para sa nasabing lottery game nitong weekend. Lumabas ang number combination na 37-34-19-08-26-25, may may nakalaang P245,012,452.00 bilang premyo. Samantala, sa 6/42 Lotto ay wala ring nakapag-uwi ng jackpot prize. Lumitaw ang number combination …

Read More »

Sanggol ini-hostage, suspek arestado

ARESTADO sa mga pulis ang isang lalaking nang-hostage ng 11 buwan gulang na sanggol sa Sta. Cruz, Maynila nitong Sabado ng hapon. Kuwento ni Annalyn Encinares, bandang 3:30 pm nang mapansin ng kanyang ina ang suspek na si Jamel Balacuit habang nakatayo sa labas ng kanilang pintuan. Ilang sandali pa, pumasok aniya ang 20-anyos suspek sa loob ng kanilang bahay …

Read More »

Panibagong rollback ipatutupad

oil gas price

TINIYAK ng oil industry sources ang panibagong rollback sa halaga ng mga produktong petrolyo. Maglalaro sa 35 hanggang 45 sentimos kada litro ang inaasahang pagbaba sa halaga ng diesel. Habang nasa 20 hanggang 30 ang magiging price reduction sa kerosene o gaas. Habang 10 sentimos lamang ang maaaring ibaba sa presyo ng gasolina. Ang rollback ay resulta nang paggalaw ng …

Read More »

Army major isasalang sa court martial (Tiklo sa anti-drug ops)

shabu drug arrest

INIIMBESTIGAHAN ng pamunan ng Philippine Army ang isa sa kanilang opisyal kaugnay sa pagkakasangkot sa illegal drug trade makaraan mahuli kasama ang kanyang asawa sa loob mismo ng kanilang bahay nang salakayin ng mga operatiba ng PNP at PDEA kamakalawa sa Cagayan de Oro City. Kinilala ang naarestong opisyal na si Maj. Suharto Tambidan Macabuat, 40, at miyembro ng Philippine …

Read More »

School registrar kinatay ng akyat-bahay

Stab saksak dead

PATAY ang isang ginang makaraan pasukin at pagsasaksakin ng hinihinalang miyembro ng akyat-bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Pinky Joy Nerona, 35, school registrar at residente ng 361 Tomas St., Brgy. 162, Sta. Quiteria ng nasabing lungsod. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek. Ayon sa ulat, dakong 6:20 am …

Read More »

LPA namataan sa silangan ng Aurora – Pagasa

MAGDUDULOT ng ulan sa lalawigan ng Aurora at mga karatig na lugar ang namataang low pressure area (LPA). Huli itong natukoy sa layong 320 km silangan ng Baler, Aurora. Ayon sa Pagasa, bagama’t malabo na itong maging bagyo, maaari pa rin nitong palakasin ang hanging habagat na maghahatid ng ulan sa kanlurang parte ng Luzon at Visayas. Babala ng weather …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa truck vs trike sa La Union

road traffic accident

LA UNION – Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang pasahero habang dalawa ang sugatan sa banggaan ng truck at tricycle sa national highway ng Brgy. Tubod, Sto. Tomas, La Union kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Winifredo Garcia, habang ang mga sugatan ay sina Julius Peralta, 23, at Edison Peralta, 25, ng Brgy. Fernando sa naturang bayan. Base …

Read More »