MALIWANAG naman ang gustong sabihin ni John Lloyd Cruz. Hindi man niya sinasabi ng diretsahan, maliwanag na gusto na niyang iwanan ang kanyang propesyon bilang isang actor. Ang sinasabi ngayon, nagsisimula na ring magpinta ni John Lloyd. Doon naman siguro niya gustong ibuhos ang kanyang talent. Lahat ginawa na nila, hindi siya napabalik sa showbusiness. Pinangatawanan niya ang kanyang desisyon na …
Read More »Blog Layout
Robin, may hamon kay Trillanes — Problema mo harapin mo, huwag mong idamay ang buong bansa
SA ngayon ay dalawang taga-showbiz industry at walang posisyon sa gobyerno ang naglabas ng hinaing nila tungkol kay Senator Antonio Trillanes IV na binawian ng amnestiya ni Presidente Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong kudeta na pinamunuan ng una noon sa Oakwood, 2003 at Manila Peninsula, 2007 na nagdulot ng malaking kaguluhan sa lungsod ng Makati City. Isa ang talent manager, …
Read More »Carlo at Angelica, pag-asa ng mga umaasa
NAGKARELASYON. Naghiwalay. Muling nagkasundo. Nagkabalikan. Naghiwalay. Naging magkaibigan. Ganito inilarawan nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban ang kanilang relasyon kaya naman sinasabing sila ang pag-asa ng mga umaasa. Umaasang magkakabalikan. Hindi maitatagong marami ang kinilig at natuwa sa muling closeness nina Carlo at Angelica. Kaya nga nabuo ang pelikulang Exes Baggage, ang unang pelikulang handog ng Black Sheep, isa sa …
Read More »Angelica, naiyak sa reaction ng tao sa teaser
AGAD namang sumang-ayon kapwa sina Angelica at Carlo nang ialok sa kanila ang pelikula. Actually, kapwa sila excited na makatrabaho ang isa’t isa. “Parang ano ‘yan eh, ‘ano ba ‘yung kailangan mong i-prove bakit gusto mo siyang makatrabaho?,” ani Angelica. “Gusto ko talagang makagawa kami ng pelikula,” sambit pa ng magaling na aktres. “‘Yung minsan nag-uusap kami, may mga pelikula …
Read More »Direk Topel Lee, na-miss ang paggawa ng comedy
MAS tumatak o kilala bilang horror director si Topel Lee kaya naman nanibago kami na siya ang nagdirehe ng bagong handog ng Regal Entertainment Inc., ang romantic comedy movie na The Hopeful Romantic na pinagbibidahan nina Pepe Herrera at Ritz Azul na mapapanood na sa September 12. Bloody Crayons ang huling horror movie niya samantalang My Kuya’s Wedding naman ang …
Read More »Red Lions, Pirates lalong bumangis
NAGPAKITA ng bangis ang defending champion San Beda University Red Lions at Lyceum of the Philippines Pirates matapos magtala ng magkahiwalay na panalo sa simula ng second round ng 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center, San Juan City. Wala pa rin dungis ang karta ng last year’s runner-up Pirates, kinaldag nila ang San Sebastian College, 88-70 sa …
Read More »Garcia atat kay Pacquiao
NAGKAROON na ng pag-uusap ang kampo nina American boxer Mikey Garcia at eight-division world champion Manny Pacquiao para sa posible nilang paghaharap. Sinabi ni Garcia sa panayam ng EsNews, na nagsisimula na silang makipag-usap sa mga tauhan ng Team Pacquiao at hindi pa nila alam kung ano’ng puwedeng mangyari. Bukod kay Pacquiao, nakikipag-usap din sila sa kampo ni Errol Spence. …
Read More »Ugali ng Pinoy taglay ni Slaughter
BLANGKO pa ang listahan ng final line up ni coach Yeng Guiao na dadayo sa Iran para sa 4th window ng FIBA World Cup qualifiers. Ang dahilan ay hinihintay pa ang ilang papeles ni Greg Slaughter na nagpapatunay na may dugo siyang Pinoy para mapabilang sa line up bilang local. Medyo kinabahan ang ilang fans ng basketball. Pag nagkataon kasi ay …
Read More »Slaughter tiwalang maaaprobahan ng FIBA (Dokumentong kailangan naipasa na)
NAIPASA na ni Filipino-American Greg Slaughter ang mga kinakailangang dokumento sa International Basketball Federation (FIBA) na magpapatunay ng kanyang eligibility bilang isang lokal na manlalaro. At ngayon, tanging ang maghintay na lamang ang kanyang magagawa na sana ay ituring ng FIBA ang mga dokumento bilang sapat na patunay upang matulungan na niya ang pambansang koponan, pitong taon matapos huling maglaro …
Read More »Guiao alanganin pa sa NT head coaching job
PAGTAKBO sa Kongreso o pagtanggap ng posisyon bilang permanenteng head coach ng national team? Iyan ngayon ang mabigat na desisyong kailangang pagpilian ni Guiao sa oras na pormal na mabigyan ng alok ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na manatili sa pambansang koponan. Sa ngayon, pansamantala pa lang ang posisyon ni Guiao bilang kapalit ng orihinal na punong-gabay na si …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com