Friday , December 19 2025

Blog Layout

Gilas, lalong nagpalakas… Clarkson isinali sa pool

WALA mang kasigu­rado­han sa ngayon, sumugal pa rin ang Gilas Pilipinas nang isali sa pinakabago at pinalaking training pool ang Fil-Am NBA player na si Jordan Clarkson para sa napipintong kampanya ng 2019 FIBA World Cup sa China. Ito ay ayon sa 19-man pool na inilabas ng Sama­hang Basketbol ng Pilipinas kamakalawa kasali si Cleveland Cava­liers guard Clarkson. Bukod kay …

Read More »

Manila Zoo hindi namin ibebenta — Mayor Isko

BUKOD sa pagpunta sa Rizal Park, o Luneta, ang pinakamurang paraan ng pamamasyal at mapalapit sa kalikasan ay pagdalaw sa Manila Zoo sa panu­lukan ng Quirino Avenue at Adriatico Street sa Malate, Maynila. Ngunit kamakailan, may mga planong ilipat ito o ipasara sa maraming dahilan. Isa na rito ang para sa kapakanan ng mga hayop na naninirahan sa 60-anyos na …

Read More »

Misquoted lang… Manang Cristy Fermin at bashers ni Luis Manzano parehong epal

NAPAKATALINGHARAP talaga ni Manang Cristy Fermin na close pa naman kay Congw. Vilma Santos pero kung tirahin ang anak ni Ate Vi na si Luis Manzano sa kanyang column ay wagas. Walang ipinagkaiba si Manang Cristy sa mga epal at sawsawerang bashers ni Luis na basta lang makapagbitiw ng salita pero ayaw pakinggan ang paliwanag ng Kapamilya TV host-actor-businessman. Sang-ayon …

Read More »

Mangingisdang Navoteño nakakuha ng boat insurance

ISANG mangingisdang Navoteño ang nakakuha ng insurance benefit mula sa pamahalaan matapos mawalan ng bangka sa sunog sa Brgy. North Bay Boulevard North nitong taon. Natanggap ni Benjamin Driguerro nitong Lunes ang tsekeng nagkakahalaga ng P13,000 mula kay Mayor Toby Tiangco at Aida Cristina Castro, Business Development and Marketing Specialist ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC). Siya ang pinakaunang rehistradong …

Read More »

2 kawani ng towing company huli sa entrapment 2 pa wanted

DALAWANG kawani ng isang towing company ang dinakip, habang dalawa nilang kasamahan ang nakapuslit matapos maisahan ng kanilang bibiktimahin naglatag ng entrapment sa mga pulis, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City. Swak sa kulungan ang mga suspek  at kakasuhan ng robbery extortion sina JR Torres, 24 anyos, ng  Bibilat Alaiga, Nueva Ecija; at Mila Pao-Alonte, 39 anyos, biyuda, ng 22 …

Read More »

Anti-Bastos law susundin ng Pangulo

TINIYAK ng Palasyo na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pangunahing susunod sa “Bawal Bastos” law (Republic Act 11313) na may layuning parusahan ang paninipol, panghihipo at iba pang uri ng gender-based sexual harassment sa mga pampublikong lugar, online, workplaces, at educational at training institutions. “Since the President signed that law, it means that he recognizes the need for that law. Since …

Read More »

MMDRRMC hinikayat makiisa sa 5th Metro Manila Shake Drill

INATASAN ng Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) ngayong araw ang mga miyembro ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (MMD­RRMC) na makiisa sa ika-5 Metro Manila Shake Drill sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang scenario at table-top exercises para maihanda ang publiko sa posi­bilidad ng lindol. Hinimok ni Michael Salalima, concurrent Chief of Staff ng MMDA Office …

Read More »

Palasyo ‘walang paki’ sa hinalang paninira ng CPP-NPA-NDF sa Global community

Malacañan CPP NPA NDF

WALANG balak ang Palasyo na paim­bestiga­han ang koneksiyon ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa resolusyon ng Iceland laban sa human rights violations sa ilalim ng adminis­trasyong Duterte na sinusugan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC). Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hahayaan na lamang ng Malacañang ang mga paninira …

Read More »

CDO flight nabalam sa bird strike

NAPILITANG bumalik sa Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA) ang Cebu Pacific Air (CEB) flight dahil sa bird strike, ilang minuto makaraang mag-take off patungong Cagayan de Oro kahapon. Kinompirma ng isang opisyal ng airport ope­rations, ang CEB flight 5J381 na lumipad dakong 3:45 am ay bumalik sa NAIA matapos bumang­ga ang ‘di pa mabatid na mga ibon sa makina ng …

Read More »

24-oras emergency hotline go kay Sen. Bong

ISINUSULONG ni Senador Christopher “Bong” Go ang pagkakaroon ng 24-oras emergency hotline upang mabigyan ng mabilisang ayuda ang sinomang nangangailangan ng tulong-medikal sa panahon ng emergency. Sa pamamagitan ng Senate Bill 394 o Emergency Medical Services System Act of 2019,  target ni Go na  matiyak na magiging mabilis, maayos at maaasahan ang serbisyo ng gobyerno pagdating sa oras ng sakuna …

Read More »