Saturday , November 27 2021

Mangingisdang Navoteño nakakuha ng boat insurance

ISANG mangingisdang Navoteño ang nakakuha ng insurance benefit mula sa pamahalaan matapos mawalan ng bangka sa sunog sa Brgy. North Bay Boulevard North nitong taon.

Natanggap ni Benjamin Driguerro nitong Lunes ang tsekeng nagkakahalaga ng P13,000 mula kay Mayor Toby Tiangco at Aida Cristina Castro, Business Development and Marketing Specialist ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Siya ang pinakaunang rehistradong mangingisda sa Navotas na nakatanggap ng nasabing insurance mula sa PCIC.

“Isa ito sa mga rason kung bakit kailangan magparehistro ang ating mga mangingisda sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture. Bilang rehistradong miyembro, maaari silang makakuha ng insurance kapag nasira ang kanilang mga bangka o iba pang gamit kapag may kalamidad,” ani Tiangco.

“Maaari rin makabenepisyo ang mga rehistradong mangingisdang Navoteño sa NavoBangka and fish nets program ng pamahalaang lungsod,” dagdag niya.

Ang PCIC insurance ay libre at sakop nito ang rice crops, corn crops, high-value crops, livestock, fisheries at non-crop agricultural assets.

Maaaring makipag-ugnayan ang mga mangingisdang nais mag-apply ng insurance sa City Agriculture Office sa 281-8531 local 112.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

CINEMA 76

Cinema ‘76 Anonas ligtas at family friendly

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWANG unti-unti nang nagbubukas ang mga sinehan. Sa dalawang magkasunod …

CINEMA 76 Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

Cinema ’76 perfect sa movie bonding ng pamilya

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG pelikulang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ang …

ABS-CBN iQiyi

ABS-CBN at IQIYI sanib-puwersa sa paggawa ng mga orihinal na seryeng pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSANIB-PUWERSA ANG  global streaming service na iQiyi at ABS-CBN sa paggawa ng apat na …

Jackeline Chua Jyotirmoy Saha PopTV

Unang in-transit streaming service sa mga bus, kasado na
POPTV MAGPO-PRODUCE NA NG SARILING SHOWS

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio NAGSIMULA na noong Linggo ang pinakabagong handog ng all-Pinoy streaming app ng POPTV, ang POPTV …

SM CITY GRAND CENTRAL

The Grand Opening of SM City Grand Central

In the thriving center of Caloocan City, a grand mall has found a new beginning. …

Leave a Reply