Sunday , December 7 2025

Cebu Pac kasado vs pekeng sales agents (Sa tulong ng PNP)

MAKIKIPAGTULUNGAN ang Philippines’ leading airline, Cebu Pacific Air (PSE:CEB), sa Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para mahuli ang mga manggogoyo na umaakto bilang official sales agents ng Cebu Pacific at nagsasagawa ng pekeng transaksyon sa airline sa pamamagitan ng Facebook. Isumite ng CEB ang mga pangalan, IP addresses at transaction details ng lahat ng reported fraudsters sa Philippine …

Read More »

Press corps prexy nagpapakolekta ng pang x’mas party

SIR JERRY, pinipilit kami ng president namin dto sa —— na manghingi sa mga pulis at club ng pang-raffle sa x’mas party at para sa feeding program daw. Nahihiya po kami. Hindi po ba dapat ‘yun tongpats n’ya sa dalawang club na hawak nya ang gamitin na lang sa x’mas party? ‘Wag po n’yo labas numero ko at pag-iinitan po …

Read More »

P.5-M pabuya sa gumahasa at pumatay sa 14-anyos (Sa Bataan)

NAGLAAN ng P500,000 pabuya ang lokal na pamahalaan at isang pribadong sektor para sa ikadarakip ng pumatay sa 14-anyos dalagita sa Mariveles, Bataan. Matatandaan, Nobyembre 20 nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima sa Brgy. Balon Anito. Sinasabing ginahasa ang dalagita bago pinaslang. Nitong Martes, inilibing na ang biktima. Sa hangaring mahuli na ang mga salarin, naglaan ng P300,000 …

Read More »

DILG, walang pinipili sa paglilingkod — Roxas

Tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa mga miyembro ng Senado na ang kapakanan ng mamamayan sa pamahalaang lokal ang laging magiging prayoridad ng kagawaran. Ito ang tugon ni Roxas sa mga sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang privilege speech sa Senado noong Lunes nang ipagpatuloy ang pagdinig ukol sa pambansang badyet para sa 2015. Sa …

Read More »

TF Phantom sa Papal visit inilunsad ng MMDA

INILUNSAD ng Metropolitan Manila Develoment Authority (MMDA) ang Task Force Phantom na tututok sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa. Binubuo ang task force ng 15 traffic constables mula MMDA at 15 miyembro ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police (PNP). May bagong uniporme at motorsiklo ang mga babae at lalaking miyembro ng task force. Sumailalim sa mahigit isang …

Read More »

4 OFW patay sa car crash sa Canada

07BINAWIAN ng buhay ang apat overseas Filipino worker sa vehicular accident sa Alberta, Canada. Papunta sanang Kingman sina Archie Bermillo, Romil Mose, Rosalinda Tipdas at Eva Janet Caperina nang dumulas ang sasakyan nila sa bahagi ng kalsada na balot ng snow dahilan para makabanggaan nila ang isang tractor. Agad nalagutan ng hininga ang mga biktima sa insidente. Empleyado ng isang …

Read More »

Kagawad tiklo sa droga

HINDI nakapalag sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad makaraan masakote nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Carmen, Davao del Norte kamakalawa. Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Jojo Bitte, 42, may-asawa, kagawad ng Brgy. Guadalupe sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, nadakip ang suspek …

Read More »

2 paslit pinukpok ng martilyo ni tatay

ARESTADO ang isang ama makaraan pukpukin ng martilyo ang kanyang dalawang anak sa Brgy. Industrial Valley Complex sa Marikina. Kuwento ng ina ng mga biktima na si Ginang Esther, dakong 9 a.m. nitong Martes nang umalis siya ngunit pagbalik niya kinahapunan, nagulat siya sa sumbong ng panganay na si Jun dahil sinaktan sila ng ama. Bakas sa katawan ni Jun …

Read More »

2 totoy tinurbo ng 2 bading

NAGA CITY – Tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang bakla na humalay sa dalawang menor de edad na lalaki sa Plaridel, Quezon. Kinilala lamang ang mga suspek sa alyas na Gibo at Gab. Sa nakalap na impormasyon, nabatid na nanonood ng disco party ang dalawang biktimang kinilala sa alyas Fred, 13, at Frank, 11, sa nasabing lugar. Bigla na lamang …

Read More »

Kevin Balot, talo pa ang tunay na babae sa ganda at kinis

SI Miss Philippines International Queen 2012, Kevin Balot ang gaganap na Jennifer Laude sa documentary film ng Imbestigador na mapapanood sa GMA7. Si Kevin ang unang nanalong transgender na kinatawan ng Pilipinas na ginanap sa Pattaya City Island, Thailand 2012. Ayon kay Kevin na kamakailan lang nagpa-opera para maging ganap na siyang tunay na babae ay, “Ang bagong gawa ngayon, …

Read More »

Ara at Cristine, ‘di dapat pamarisan

 ni Danny Vibas PAREHO palang buntis ang magkapatid na Ara Mina at Christine Reyes. At parehong ring hindi kasal—at mukhang ‘di na makakasal, bagamat ipinagsasabi ni Christine na may balak silang magpakasal ng non-showbiz boyfriend n’yang foreigner (imported!). Historic na may magkapatid na artistang nabuntis sa parehong taon. At parang mas historic na hindi sila kasal. Actually, hindi naman problema …

Read More »

Philippine Stagers Foundation, kauna-unahang theater company na nagtanghal sa Big Dome

ni Danny Vibas ISINUSULAT namin ito’y nakatakdang gawin ang palabas ni Vince Tanada sa Smart Araneta Coliseum. Kaya mahuhusgahan na kung sikat na sikat nga ba talaga ang bold actor-director-playwright at ang kanyang Philippine Stagers Foundation (PSF). Mapupuno kaya nila o makakalahati man lang, ang Smart Araneta Coliseum? Isang professional theater company ang PSF, gaya ng Gantimpala Productions, Repertory Philippines, …

Read More »

Ikaw Lamang, humakot ng tropeo sa 28th Star Awards for TV

LIMANG major awards ang nasungkit ng drama series na Ikaw Lamang ng ABS CBN sa nagdaang 28th Star Awards For TV ng PMPC na ginanap last Sunday, November 22, sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino. Dahil dito, puwedeng sabihing naka-Grand slam ang Ikaw Lamang dahil sa nakuha nitong five major awards. Kabilang sa mga parangal na nakuha ng …

Read More »

Chinese ‘prosti’ girls back to Emperor Int’l KTV Club sa Remedios Malate

KAYA naman pala parang may piyesta na naman d’yan sa Remedios St., Malate, Maynila… ‘E back to Emperor International KTV Club ‘yung mga Chinese ‘pokpok’ girls. This time, iba na ang sistema. Kunwari, mga customer na rin ‘yung mga illegal Chinese girls. Tsk tsk tsk … Ibang klase talaga, kung sino man ang timbrador o kung sino man ang may …

Read More »

Be Careful With My Heart, magtatapos na ngayong Biyernes

MATAPOS mamayagpag sa ere sa mahabang panahon, magtatapos na ngayong Friday ang Be Careful With My Heart na kinagiliwan ng maraming suki ng Kapamilya Network tuwing tanghalian. Ang naturanag TV series na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay nagsimulang umere noong July 9, 2012. Kaya inabot ito ng higit dalawang taon sa ere. Sabay-sabay na masasaksihan ng …

Read More »