CAUAYAN CITY, Isabela – Iniimbestigahan ng Santiago City Police Office ang dalawang anggulo sa pamamaril kamakalawa ng gabi ng mga suspek na sakay ng van at motorsiklo sa isang kotse sa Batal, Santiago City. Namatay sanhi ng maraming tama ng bala sa katawan ang dating nasa #7 sa drug watchlist ng SCPO na si Armando Francisco, 46, residente ng Sitio …
Read More »2 kelot itinumba sa P’que City
PATAY ang dalawang lalaki makaraan tadtarin ng bala mula sa kalibre .45 baril kahapon ng madaling-araw sa Paranaque City. Namatay noon din sina Bernard Mortalla, 24, at Christian Podasas, 21, kapwa walang trabaho at residente ng Manalili St., Purok 3, Brgy. Central Bicutan, Taguig City. Patuloy pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na mabilis na tumakas makaraan …
Read More »Kaso ng Pinay na bibitayin idinulog sa int’l org
DUMULOG ang militanteng grupong Gabriela sa isang international organization para mailigtas ang Filipina na nasa death row sa Indonesia. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, nagpadala na sila ng liham sa Women in Parliaments Global Forum (WIP). Hiling nila sa mga kababaihang mambabatas na makiisa sa pakiusap kay Indonesian President Joko Widodo para bigyan ng clemency ang Filipina …
Read More »Negosyante arestado sa investment scam
ARESTADO sa pulisya ang isang 54-anyos negosyanteng babae na wanted sa serye ng kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa Alabang Town Center sa Muntinlupa City. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Ruby Calub, alyas Ruby Epifania Calub, tubong Mindoro Oriental, at nakatira sa Block 4, Lot 6, Rd. 3, Theresa Subd., Brgy. Pilar, Las Piñas City. Naaresto si Calub …
Read More »Kahit may Bataan nuclear power plant power crisis posible pa rin
WALA pa ring katiyakan na hindi na magkakaroon pa ng krisis sa koryente ang Filipinas sakaling maaprubahan ang operasyon ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP). Ito ang naging pag-amin ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla makaraan ang pagbisita sa lalawigan ng Pangasinan. Paliwanag ng kalihim, batay sa kanyang computations, aabot lamang sa 30 sentimos ang ibababa sa singil …
Read More »Serye ng food poisoning iimbestigahan ng Senado (Nagbebenta ng milk tea ininspeksiyon)
BUBUSISIIN na rin ng Senado ang food posining mula sa milk tea na ikinamatay ng dalawa katao sa lungsod ng Maynila. Inihain ni Sen. Koko Pimentel ang Senate Resolution No. 1273 para imbestigahan ang nangyayaring food poisoning sa bansa. Ayon kay Pimentel, naka-aalarma ang serye ng food poisoning lalo’t mayroon nang namatay. Bukod sa Maynila, tinukoy rin ni Pimentel ang …
Read More »Padyak driver todas sa bala
PATAY ang isang padyak driver makaraan barilin ng isa sa apat kalalakihang sakay ng dalawang motorsiklo habang nakatambay malapit sa kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Malabon City. Agad binawian ng buhay ang biktimang kinilalang si Rogin Belo, alyas Moymoy, 20, residente ng 41 Estanyo St., Brgy. Tugatog ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang apat hindi nakilalang mga suspek …
Read More »Filing ng ITR pasimplehan — Angara
NANAWAGAN si Sen. Sonny Angara sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na padaliin ang proseso ng paghahain ng income tax returns (ITR). Giit ng chairman ng Senate Commitee on Ways and Means, marami pa rin ang nahihirapan sa pagbabayad ng buwis gamit ang Electronic Filing and Payment System (eFPS). Bukod aniya sa technical glitches sa BIR website, hindi rin pamilyar …
Read More »Plunder vs ex-Puerto Princesa mayor (Cebu mayor, treasurer, kinasuhan ng graft sa Sandiganbayan)
KASALUKUYANG nahaharap sa kasong pandarambong si dating Puerto Princesa city mayor Edward Hagedorn at dalawang iba pa. Ang kaso ay inihain nila Rodrigo Saucelo, Wilfredo Rama at Antonio Lagrada sa Office of the Ombudsman noong April 7, 2015 sa Office of the Ombudsman. Inireklamo si Hagedorn ng paglustay sa mahigit P65M; ang kauna-unahang lokal na opisyal na ipinagharap ng plunder …
Read More »Pichay, Gatchalians, 20 pa kinasuhan sa Sandiganbayan
NAKAKITA ng probable cause si Ombudsman Conchita Carpio Morales para idiin ang mga dating opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), corporate executives ng WELLEX Group Inc. (WGI), Forum Pacific Inc. (FPI) at Express Savings Bank Inc. (ESBI) kaugnay ng pinasok nilang deal noong 2009. Kabilang sa mga kinasuhan sa Sandiganbayan sina dating LWUA chief Prospero Pichay Jr., Eduardo Bangayan, …
Read More »iPad ni Pope Francis isinubasta ng US$30,500
Kinalap ni Tracy Cabrera NAIBENTA ang ginamit na iPad ni Pope Francis sa halagang US$30,500 sa subastang ginawa sa isang auction house sa Urugay kamakailan. Ayon sa Montevideo-based auction house na Castells, itinawag lamang sa pa-mamagitan ng telepono ang winning bid. Binigyan ng spotlight ang nasabing iPad ng lokal na media nitong nakaraang taon. Ibinigay ang iPad ng santo papa—kasama …
Read More »Dalagita naliligo sa dugo ng baboy para ‘di tumanda
INIHAYAG ng isang 19-anyos dalagita na naliligo siya sa dugo ng baboy upang hindi tumanda. Si Chanel, isang freelance model at aktres, ay isa sa stars ng MTV’s True Life: I’m Obsessed With Staying Young. Ipinaliwanag ni Chanel sa kanyang lola na si Lois, pakiramdam niya ay nagawa na ito ng mga tao libo-libong taon na ang nakararaan at napanatili …
Read More »Blocking walls buksan sa feng shui
SA feng shui, ang tamang lokasyon ng mga dingding ay nagsusulong nang magandang daloy ng enerhiya at nagpapabuti ng positibong pakiramdam sa tahanan. Ang challenging wall location ay kabaliktaran nito, maaari nitong maharang o ganap na mahadlangan ang daloy ng enerhiya, kaya magdudulot ng stagnant space kaya walang magaganap na mainam. Maraming mga dingding na maaaring magbuo ng potential feng …
Read More »Ang Zodiac Mo (April 17, 2015)
Aries (April 18-May 13) Mainam ang araw ngayon sa pagpapasimula ng paggawa ng bagay na iyong nais agad matapos. Taurus (May 13-June 21) Medyo mapipikon ka sa pagkakamali ng iba – ngunit wala naman itong kaugnayan sa iyo. Gemini (June 21-July 20) Maaaring tumanggap ka nang higit pa sa iyong makakaya. Humingi ng tulong kung nahihirapan sa mga gawain. Cancer …
Read More »Panaginip mo, Interpret ko: Tubig, ngipin at tsinelas
Good day Señor, Mayroon po aqng 3 pnapagnip n mdlas qng mapanagnipin. 1. Uhaw n uhaw dw aq, kht uminom aq ng isang drum n tubg e kulang p dn.plit p dn aq humhnap ng 2big. 2. Lgeng ntatanggalan lht ng ngipin q,kht mdmpian lang ng dila q e natatanggal n, hanggang lht ng ngipin q e nbunot na. 3. …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















