Tuesday , December 16 2025

Ejercito et al inasunto sa Ombudsman (Sa pagbili ng high-powered firearms)

SINAMPAHAN ng kaso sa Office of the Ombudsman si dating San Juan Mayor at kasalukuyang senador na si Joseph Victor “JV” Ejercito dahil sa paglabag sa Section 3 (e) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019) at technical malversation. Kasamang kinasuhan din ng technical malversation si Vice-Mayor Leonardo Celles, at City Councilors Andoni Carballo, Vincent Pacheco, Angelino Mendoza, …

Read More »

Babala kay Comelec Chair Andy Bautista

KUNG inaakala ng mga may pakana ng disqualification case laban kina Sen. Grace Poe at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na walang mabigat na implikasyon sa pamahalaan ang kanilang ginagawa  ay nagkakamali sila. Dapat timbangin nang mabuti ng grupong nagnanais na maalis sa presidential race sina Poe at Duterte kung anong kapahamakan ang kanilang tinutungo sa sandaling magtagumpay sila na …

Read More »

Ilegal na pagawaan ng paputok sinalakay

SAKO-SAKONG ilegal na paputok ang nakompiska ng mga awtoridad sa pagsalakay sa isang pabrika sa Bocaue, Bulacan kamakalawa. Sa ulat mula sa tanggapan ni Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police director, nakompiska sa pagsalakay ang mga ilegal na paputok tulad ng pla-pla, kabasi, Goodbye Philippines at Super Lolo. Malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na natimbrehan ang may-ari at mga …

Read More »

Solons ‘inimbita’ ni PNoy sa Palasyo

NAGPATAWAG ng luncheon meeting si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga kongresista sa Malacañang. Maging ang mga nasa oposisyon ay kasama sa inimbitahan ni Pangulong Aquino sa pananghalian. Walang inilabas ang Malacañang kung ano ang agenda ng pakikipagpulong ni Pangulong Aquino sa mga mambabatas ng mababang kapulungan ng Kongreso. Mayroong pending bills ang Malacañang na kailangang maipasa kabilang dito …

Read More »

3 suspek patay, pulis, 5 sibilyan sugatan sa Zambo shootout

ZAMBOANGA CITY – Tatlong suspek ang napatay habang isang pulis at limang sibilyan ang sugatan sa nangyaring shootout sa Brgy. Poblacion sa bayan ng Talusan, Zamboanga Sibugay kahapon. Base sa report ng Zamboanga Sibugay police provincial office (ZSBPPO), isinagawa ang operasyon dakong 3:50 a.m. sa pangunguna ng mga kasapi ng Provinial Public Safety Company (PPSC) at ng iba pang mga …

Read More »

Ex-Bucor execs swak sa iregular na P3.7-M bidding

KINASUHAN sa Office of the Ombudsman ang ilang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Government Procurement Reform Act. Nahaharap sina dating BuCor Acting Director Gaudencio Pangilinan at Chief Administrative Officer Ligaya Dador ng limang counts sa paglabag sa Section 3 ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Habang ang mga administrative officer …

Read More »

Hirit na extension sa voters’ registration ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang hirit na palawigin pa ang voters’ registration para sa 2016 elections. Sinabi ni SC spokesman Theodore Te, walang merito ang inihaing petisyon ng Kabataan party-list. Hiniling ng nasabing grupo na palawigin hanggang Enero 2016 ang pagpaparehistro ng mga botante. Ayon sa petitioners, ilegal ang itinakda ng Commission on Elections na deadline noong Oktubre 31. …

Read More »

Preso naglaslas ng pulso sa selda

ISINUGOD sa ospital ang isang notoryus na drug pusher nang maglaslas ng pulso sa loob ng selda ng San Simon Police Station makaraang madakip sa buy-bust operation sa Brgy. Sta. Monica, San Simon, Pampanga, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Anthony Palad, 38, ng Brgy. Sta. Monica, San Simon ng nabanggit na lalawigan. Ayon kay PO2 Romeo Abat, nagtangkang magpakamatay si …

Read More »

Nababawasan ang kasikatan!

aldub

MUKHANG nagsawa na rin sa seryeng AlDub ang isang tabloid. Hindi ito magandang senyales sa La Primerang Tamba-lan na dati-rati’y mega hot talaga at dominated na halos ang tabloid na ‘yun. For the first time, parang nakahinga ang nasabing tabloid at hindi dominated ng tambalang Alden Richards at Maine Mendoza ang laman ng kanilang pahina. Oh, well, unti-unti na rin …

Read More »

Singer na iniisnab-isnab ng recording company, hinahabol ngayon dahil sa pagpatok ng mall show

NAALIW ang talent manager sa isang recording company na biglang naging interesado ngayon sa alaga niya dahil patok ang nakaraang mall show nito at umabot na sa gold record ang album. Kuwento mismo ng talent manager tungkol sa recording company, ”nakakatawa lang sila (head ng recording company) kasi rati hindi nila pinapansin si (singer), inilapit ko sa kanila, deadma sila. …

Read More »

Derrick, mas marami raw silang fans ni Bea kaysa kay Jake

NAALIW kami sa deklarasyon ni Derrick Monasterio na mas marami na silang fans ngayon ni Bea Binene kaysa kay Jake Vargas. Niluluto ng GMA 7 ang pagtatambalan nilang teleserye. Hindi na siya apektado sa mga basher niya. “Dati pa po akong bina-bash pero okay lang. Ngayon mas dumami na ‘yung fans namin ni Bea kaysa fans nila ni Jake. Yes! …

Read More »

Malalim na friendship nina James at Bret, pinagdududahan

NAKAWIWINDANG din na pinagdududahan ang malalim na friendship ninaJames Reid at Bret Jackson. “Sorry to disappoint, but we are not gay!,” deklara ni Bret sa presscon ng pelikulang Angela Markado na showing ngayong Disyembre 2. Pinagtatawanan lang nila ni James ang umanoy’ gay relationship issue nila. Hindi raw ba puwedeng ang dalawang lalaki ay maging matalik na magkaibigan at hindi …

Read More »

Vhong, aminadong naapektuhan ang It’s Showtime dahil sa AlDub

NAKATSIKAHAN namin si Vhong Navarro sa ginanap na presscon ng pelikulang Buy Now, Die Later, entry sa 2015 Metro Manila Film Festival na idinirehe ni Randolf Longjas handog ng Quantum Films, MJM Productions, Inc., Tiko Film Production, at Buchi Boy Films na nag-prodyus din ng English Only Please noong 2014. Inamin ni Vhong na apektado ang It’s Showtime sa AlDub …

Read More »

Image lang ni Jake ang pagiging babaero, pero ‘di totoo — Gabby

KUNG si Gabby Eigenmann ang masusunod, gusto niyang magkabalikan sina Andi Eigenmann at ex-boyfriend nitong si Jake Ejercito. “I think they’re friends, magkasama sila noong birthday ni Ellie, I think they’re okay,” sabi ng aktor nang tanungin kung okay na ulit sina Andi at Jake dahil nakitang magkasama sila sa 4th birthday ng bagets. Nabanggit pa ni Gabby na tinawagan …

Read More »

Pagkanta ni Julie Anne sa NY Times Square, itinampok sa The Ellen DeGeneres Show

TUWANG-TUWA ang fans ni Julie Anne San Jose dahil na-feature ito sa isang segment ng The Ellen DeGeneres Show. Nakita namin ang video na kinanta ni Julie Anne ang Titanium sa gitna ng New York Times Square. “This young girl named Julie Anne, who came all the way from the Philippines, was game enough to take on a dare: to …

Read More »