This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Kumikita umano nang malaking halaga ang tatlong opisyal ng Manila Police District sa pagbibigay ng seguridad sa ilang Tsinoy na kilalang miyembro ng drug triad sa Binondo, Maynila.
Ayon sa ilang MPD junior officer na nakausap natin, ang tatlong opisyal ay kilala sa tawag na alias ‘BOY GULAY’ ng Ilaya PCP, alias ‘BOY BLACKMAN’ ng SOLER PCP at alias ‘ROBIN PADILLA’ ng Asuncion PCP.
Wala raw ginawa ang tatlong itlog kundi mag-bodyguard sa mga intsik na pinaghihinalaan na may negosyong droga sa Binondo, Maynila.
Laging ON CALL nga raw ang tatlong lespu kapag may deal sa kanilang negosyong ilegal na droga at nakikita na sila pa mismo ang nagbibitbit ng attaché case na may lamang droga.
Nagsisilbi rin silang personal driver ng mga nasabinf dubious Chinese characters?!
Sonabagan!!!
Sa loob lang ng walong buwan na pagba-bodyguard sa mga Tsinoy triad ng tatlong itlog ay binigyan sila ng bonus na sasakyang brand new kaya ang kanilang dating gamit na karag-karag na scooter ay inabandona na sa tabi ng kanilang outpost.
Kaya naman ang mga kasamahan nilang mga PO1 ay inggit na inggit sa biglang pag-asenso ng mga kumag mula sa pag-i-escort sa mga Chinese gangster.
No wonder, na hirap makahuli ang MPD-DAID, PNP-AIDG at PDEA ng mga Tsinoy na drug triad sa Binondo dahil sa tatlong tongpats na MPD police?!
What can you say outgoing MPD district director Gen. Rolando Nana!?
Hindi ba naibato ni media-online ‘kaibigan’ sulsoltant ang info na ‘yan sa inyo!?
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com