Saturday , December 20 2025

Anti-worker si Sec. Bello

Sipat Mat Vicencio

KUNG may isang taong hindi dapat pagkatiwalaan ng mga manggagawa, siya ay walang iba kundi si Labor Sec. Silvestre Bello III.  Hindi kailangang magtiwala kay Bello dahil malamang na ipagbili niya ang interes ng mga manggagawa pabor sa interes ng mga negosyante. Sa halos apat na buwan na panunungkulan sa Labor Department, mukhang walang ginagawang aksiyon itong si Bello sa …

Read More »

Robredo nanawagan labanan ang human rights violation

SA isang talumpati ni Vice President Leni Robredo sa Malolos Bulacan, siya ay nanawagan na dapat labanan ang human rights violation at ang pagbabalewala sa mga due process. Sa kaniyang speech ay nagbalik-tanaw si Robredo sa pagdedeklara ng batas militar noon na kaniya ring nasaksihan. Dagdag pa niya, ang greed ng mga tao na uhaw sa kapangyarihan ay isa pang …

Read More »

PNP sa SJDM Bulacan bulag sa ilegal na droga

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

MUKHANG balewala sa mga tauhan ng Philippine National Police ng City of San Jose del Monte sa Bulacan ang administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil hanggang ngayon ay patuloy ang paglaganap ng ilegal na droga, partikular sa lugar ng Gumaoc. *** Hindi lamang bulag, bingi sa bilihan ng droga, at harapan na kung magbenta. Hindi alintana ng mga pusher at …

Read More »

120 raliyista duguan at sugatan, 30 arestado; 10 pulis nasaktan (Madugong dispersal sa US Embassy)

UMABOT sa 120 raliyista ang duguan at grabeng nasaktan mula sa hanay ng mga militante at indigenous people dahil sa marahas na pagbuwag ng mga kagawad ng Manila Police District Ermita Station (PS5) sa tapat ng US Embassy sa Roxas Blvd., kahapon ng umaga. Habang iniulat ng pulisya na 10 pulis ang nasugatan sa kanila at 30 katao ang arestado. …

Read More »

Resbak ng ‘ninja cops’ (Violent dispersal sa US Embassy)

INIIMBESTIGAHAN ng Palasyo ang anggulong buwelta ng sindikato ng ‘ninja cops’ ang madugong pagbuwag ng mga pulis sa kilos-protesta ng mga Moro at katutubo sa harap ng US Embassy kahapon na ikinasugat ng mahigit sa 120 rallyista at maraming iba ang nadakip. Isang source sa intelligence community, bineberipika nila ang impormasyon na sinasabotahe ng sindikato ng ninja cops ang administrasyong …

Read More »

Lawin signal no. 5

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na nasa ilalim ng tropical cyclone signal no. 5 dahil sa supertyphoon Lawin. Kabilang sa mga nasa signal no. 5 ang Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao. Habang signal no. 4 sa Ilocos Norte, Abra, Ilocos Sur, Mt. Province, Ifugao at Calayan Group of Islands. At signal no. 3 sa La Union, Benguet, Nueva Vizcaya, Quirino …

Read More »

PH-China defense ties ‘di matatalakay

BEIJING, China – Nilinaw ni Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay, walang pag-uusapang isyung pangdepensa o military alliance sa pagitan ng Filipinas at China sa State Visit ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa panayam ng Philippine media delegation sa Beijing, sinabi ni Sec. Yasay, sesentro lamang sa trade and economic issues ang agenda ng State Visit ni Pangulong Duterte. Ayon kay Yasay, …

Read More »

1 pang killer ng ex-wife ni Kerwin, utas sa ambush

dead gun police

CEBU CITY – Wala pang 24 oras mula nang mapatay ang isa sa itinuturong nasa likod nang pagpatay sa dating misis ni Kerwin Espinosa na si Analou Llaguno, isa na naman sa tatlong itinuturong suspek ang bumulagta makaraan pagbabarilin. Ang suspek ay kinilalang si Richard Jungoy, residente sa Brgy. Duljo Fatima, Cebu City. Ayon sa mga saksi, lumabas ng bahay …

Read More »

Pagpanig ni Duterte sa China nagdulot ng kalituhan sa AFP

NALILITO ang Armed Forces of the Philippines dahil sa pabago-bagong defense policy ng bansa sa kasalukuyang administrasyon. Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, ang kalituhan sa AFP ay bunga nang inaasal ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaalyadong bansa kagaya ng Estado Unidos kapalit ang pagiging bukas at malapit sa China at Russia. Aniya, naiiba na ang takbo ng …

Read More »

Con-Ass sa amyenda sa Saligang Batas lusot sa House committee

congress kamara

APRUB na ng House Constitutional Amendment Committee ang resolusyon para mag-convene ang Kongreso bilang Constituent Assembly sa panukalang pag-amyenda ng Saligang Batas. Ito ay makaraan 32 miyembro ng komite ang bumotong pabor na Con-Ass ang maging mode para sa Charter change, habang pito lamang ang tumutol at tatlo ang nag-abstain. Aprubado na rin na pag-isahin na lamang ang 29 Cha-cha …

Read More »

3 PNP prov’l head sinibak sa puwesto (Bigo sa anti-drug war)

ROXAS CITY – Mismong ang national headquarters ng Philippine National Police (PNP) ang nagpalabas ng relieve order sa tatlong provincial director ng PNP sa Region 6. Kabilang dito sina Senior Supt. Roderick Alba, sinibak sa pagiging provincial director ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), Senior Supt. Leo Irwin Agpangan, sinibak mula sa Guimaras Police Provincial Office (GPPO), at Senior Supt. …

Read More »

26-anyos estudyante nagbigti

HINIHINALANG problema sa pamilya ang nag-udyok sa 26-anyos estudyante para tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon sa Muntinlupa City. Namatay noon din ang biktimang si Julius Sarino, ng 35 Sampaguita Extension, Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng lungsod. ( JAJA GARCIA )

Read More »

Psychology student tumalon mula 4/F ng hotel, patay (Bumagsak sa licensure exam)

PATAY ang isang 23-anyos Psychology student makaraan tumalon mula sa ikaapat palapag ng hotel na pinaglilingkuran ng kanyang ina kamakalawa ng hapon sa Ermita, Maynila. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente makaraan bumagsak ang biktimang si Joanna Gaytona, ng 160 Guzman St., Quiapo, Maynila, sa licensure examination ng Professional Regulations Commission (PRC). Nabatid mula kay Supt. Albert Barot, station commander …

Read More »

400 preso nagsagawa ng noise barrage (Sa Navotas City Jail)

NAGSAGAWA nang pag-iingay kamakalawa ang mahigit 400 bilanggo sa Navotas City Jail upang i-protesta ang  pagbabawal sa mga preso na humawak ng pera sa loob ng bilangguan. Dakong 3:00 pm nang magsimula ang noise barrage ng mga preso na ikinaalarma, hindi lamang ng pulisya na ang tanggapan ay nasa harap lamang ng city jail, kundi maging ang mga opisyal at …

Read More »

Drug den maintainer positibong ASG

KOMPIRMADONG miyembro ng Abu Sayaff Group (ASG) ang naarestong drug den maintainer ng Quezon City Police District (QCPD) noong Setyembre 16, 2016 sa Culiat Salaam Compound, Tandang Sora ng nasabing lungsod. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guilermo Lorenzo T. Eleazar, si Juriad Sahiddun, gumagamit ng maraming alyas, ay kabilang sa 145 drug personalities na inaresto kamakailan ng mga operatiba …

Read More »