Saturday , December 20 2025

Janna Chu Chu, Kikay at Mikay, nagpasaya ng Christmas party

NAGING masaya ang katatapos na post Christmas/Thanksgiving Party ng CN Halimuyak Pilipinas na ginanap sa Kowloon House last December 27. Ito ang kauna-unahang Christmas party nila ayon na rin sa CEO/President nitong si Madam Nilda Villafana Mercado Tuazon with Mr. Bobby Tuazon and daughter Cher. Present ang halos lahat ng ambassadors ng CN Halimuyak Pilipinas na sina Klinton Start, Kikay …

Read More »

Boyfriend ni Catriona, kulang sa pansin?

NAKATANGGAP ng pamba-bash ang guwapo at hunky BF ni Ms Universe 2018 Catriona Gray, si Clint Bondad dahil sa pagpo-post nito ng litrato na nakatalikod at naka-underwear. Papansin at nang-aagaw daw ng eksena kay Catrinona si Clint sa  ginawa iyon, ayon na rin sa supporters ng Miss Universe 2018. In bad taste nga ang naging move ni Clint at nakasasama …

Read More »

Bong, balik-pelikula; Nabuong script, gagamitin na

MAY nalaman kami tungkol kay Bong Revilla na habang nasa loob ng kulungan ay nakagawa ng script. Kaya sa paglaya niya ay babalik siya sa showbiz. Ang plano, gagawa siya ng mga pelikula pagkatapos ng May 2019 election. Ang tsika, noong panahong nakakulong siya sa PNP Custodial Center sa Camp Crame ay nakapagsulat siya ng mga script at kasama na …

Read More »

Alden, ‘di natitinag sa pag-i-Ingles kahit naba-bash

ANONG big deal kung ang isang artista ay mali-mali sa paggamit ng wikang English eh, hindi naman tayo taal na Amerikano?   Sa ating mga artista, sina Diether Ocampo, Marvin Agustin, at Jericho Rosales ang nababalitang malakas ang loob na magsalita ng English. Hindi naman ito nakaapekto sa kanilang propesyon na pinili dahil sa parte ni Marvin, matagumpay ang kanyang resto business …

Read More »

John Lloyd at Ellen, ikinasal na

IKINASAL na raw kamakailan sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Eh pabayaan na ninyo sila dahil gusto nila iyon. Huwag na ninyo silang pakialaman, tutal ngayon naman ay wala silang career. At saka karapatan nila iyon, bukod nga sa katotohanang may anak na sila. Bakit naman pinakikialaman pa ninyo iyon? Wala na sila sa showbiz, patahimikin na ninyo. Kung …

Read More »

Vic at Coco movie, mas kumita kaysa pelikula ni Vice Ganda

Coco Martin Maine Mendoza

TAPOS na ang Metro Manila Film Festival (MMFF), at bagama’t wala pang opisyal na listahang inilalabas ang Metro Manila Development Authority (MMDA), sinasabi na ngang unofficial, undeclared top grosser ang pelikula ni Vice Ganda. Talaga namang hindi na hinihintay iyang sinasabi ng MMDA eh, kasi hanggang maaari gusto nilang mag-delay ng statement para naman makatulong pa roon sa mga hindi …

Read More »

Info drive sa bawal na importasyon ng nakalalasong kemikal binuhay

NILAGDAAN bilang batas noong 1990 ni Pangulong Corazon Aquino sa ilalim ng Republic Act 6969 ang pagbabawal ng pag-aangkat ng mga nakalalasong kemikal. Isinusulong ng pribadong grupong BABALA (Bayan Bago Ang Lahat) na magpalaganap ng impormasyon sa publiko tungkol sa RA 6969 o “An Act to Control Toxic Substances and Hazardous Wastes.” Ayon kay Gerry Constantino ng BABALA, hindi naman …

Read More »

NCRPO handa sa kapistahan ng Nazareno (7,100 pulis itatalaga)

INIHAYAG ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na magtatalaga sila nang mahigit 7,000 pulis sa darating na 9 Enero para sa pista ng Itim na Nazareno upang magmantina ng seguridad at peace and order sa labas at bisinidad ng Quiapo. “Sa atin pong preparation, we will be fielding around 7,100 police personnel kasama na po ‘yung augmentation …

Read More »

Laborer kulong sa shabu

shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang construction worker na nasa drug watchlist ng pulisya matapos makuhaan ng 13 plastic sachet ng shabu sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head C/Insp. Ilustre Mendoza ang naarestong suspek na si Donnie Mendoza, 39 anyos residente sa Brgy. Tangos. Sa imbestigasyon ni PO2 Jaypee Mañalac,  dakong 7:00 ng …

Read More »

Metro crime rate bumagsak dahil sa anti-drug war

Guillermo Eleazar

BUMABA nang 21 porsiyento ang krimen sa Metro Manila mula sa 18,524 noong taon 2017 ay naging 14,633 crime rate nitong 2018. Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.   Dahil sa patuloy na giyera kontra droga, maituturing na bumaba ang krimen sa Metro Manila nitong 2018 kompara noong nakaraang taon, ani Eleazar . …

Read More »

2 kelot na miyembro ng ‘basag-kotse’ todas sa shootout

DALAWANG miyembro ng sinasabing ‘basag kotse gang’ ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa  Brgy. Greater Lagro sa lungsod, kahapon ng madaling araw. Inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng  dalawang napatay na armado ng kalibre .38 baril. Sa ulat kay  C/Supt. Joselito Esquivel Jr., director ng QCPD,  nakatanggap ng reklamo ang QCPD Station 5 tungkol …

Read More »

Baril itinutok basagulero arestado

gun ban

INARESTO ng pulisya ang isang siga at basagulerong lalaki matapos maghamon ng away at tutukan ng baril ang kapitbahay sa Marilao, Bulacan. Sa ulat mula sa Marilao police, kinilala ang naarestong suspek na si Ryan Palasigue, 20-anyos, samantala ang biktima ay si  Roger Palmiano, kapwa residente sa Prenza 1, sa naturang bayan. Nabatid sa ulat na dakong 10:30 ng gabi …

Read More »

Español nagwala sa condo parking kalaboso

prison

KALABOSO ang isang Español nang magwala at sirain ang salamin ng sasakyan ng isa sa mga tenant  at manuntok ng guwardyang umaawat sa kanya sa parking area ng isang condominium sa Makati City. Kinilala ang arestadong suspek na si Jairo Ruiz Ibanez, 36, ng Purok 5,  General Luna, Siargao, Surigao del Norte, nahaharap sa kasong malicious mischief, alarm and  scandal, assault at  …

Read More »

Amang natutulog tinodas sa bakal ng 27-anyos anak (Sa unang araw ng 2019)

“PUT…INA MO… dapat kahapon pa kita papatayin!” Ito umano ang paulit-ulit na isinisigaw ng isang 27- anyos na anak habang pinagpapalo ng bakal ang ulo ng kanyang natutulog na ama sa Caloocan City kamakalawa ng gabi, sa unang araw ng taon. Dead on arrival sa Dr. Jose N. Rodriguez Hospital ang biktima na kinilalang si Lito Magbanua, 54-anyos, biyudo, residente …

Read More »

Pahayag ni Digong dapat aralin ng Simbahan — Palasyo (Holy Trinity kinuwestiyon)

IMBES masaktan, dapat tingnan ng Simbahang Katolika ang mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang oportunidad para mapatibay ang pananampalataya o bigyang linaw ang mga taong naghahanap ng katotohanan.  Ito ang sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo bilang pagtatanggol sa pagtawag na kalokohan ni Pangulong Duterte sa Holy Trinity. “In so doing, the President puts to a test the …

Read More »