Wednesday , April 24 2024

Panganay ni JV na si Emilio, inaabangan sa showbiz

NAGNANAIS naman na magpatuloy sa kanyang tungkulin sa Senado si JV Ejercito, na nakapagpasa ng 41 batas, 145 bills na nai-file sa 16th Congress, 49  resolutions sa 16th Congress, 173 bills na nai-file sa 17th Congress , at 40 rito ang may resolution na at may anim na bills na lang na naghihintay sa lagda ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Natuwa ang balana sa ipinasa niyang UHC o Universal Health Care sa Senate Biål No. 1896.

Malaking kaalwanan ito kay Juan. Dahil bawal nga ang magkasakit dahil magastos ang magkasakit.

Ngayon, hindi na mangangamba ang ating mga kababayan tuwing sila ay magkakasakit dahil magiging karamay na ang pamahalaan sa magiging gastusin at abot kaya na ang pagpapagamot.

At magtutuloy-tuloy ang pagtutok dito ni Joseph Victor G. Ejercito o mas kilala ng lahat as JV.

Payapa naman ang loob ni JV sa pag-iikot niya na sa buong kapuluan na karamihan ay binabalikan niya.

At payapa na rin ito sa pagkakaroon na ng daan para magkita sila ng amang nakasamaan ng loob at kahit pssa hindi pa naman sila lubusang nakapag-usap ng masinsinan ay ramdam ng anak ang pagpapala ng ama sa kanyang tinatahak.

Pagdating naman sa kanyang kapatid na si Jinggoy, sabi naman ni JV na civil naman ang palagayan nila at nagkita na rin sila. Malaki pa rin ang paniniwala niyang mahalaga pa rin ang pamilya sa dulo ng labang ito.

Isang ama rin si JV. Marami na ang nag-aabang sa panganay niyang si Emilio sa mundo ng showbiz. Pero lubha itong mahiyain at mas gustong tutukan ang pag-aaral. Gaya rin ng kanyang bunso.

Para kay JV, ang kanyang mga nagawa at patuloy pang nagagawa sa bayan-health, youth and education, infrastructure and labor, at housing ang magsasaad ng kanyang nagawa.

Pressured din si Mr. Healthcare. Dahil may pagkakataon na lumaylay siya sa survey dahil wala naman siyang gaanong political ads.

“Ang survey ay ginagawa ko ring guide para mas matutukan ko pa kung ano ang dapat ko pang gawin kung saan ako nagkukulang.”

The political heat is on!

Tubig!!!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

One comment

  1. This is very interesting, You’re a very skilled blogger.

    I have joined your feed and look forward to seeking more of
    your magnificent post. Also, I have shared your site in my social
    networks!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *