Tuesday , December 16 2025

Lomachenko asar kay Garcia

NAKAPANAYAM ng Snow Queen LA ang dating pound-for-pound king Vasiliy Lumachenko at nagpahayag ito  ng ilang pananaw sa mga kapwa elitistang boksingero sa lightweight division. Pinuna  ni Lomachenko (14-2, 10 KOs) si Ryan Garcia na ipinakakalat na naging matamlay siya sa naging  sparring nila kung kaya natalo siya kay Teofimo Lopez.   Katunayan ay hindi humarap si Garcia sa footage ng …

Read More »

Bacojo angat sa Roca chess tournament

Chess

NANALASA  si  Mark Jay Daños Bacojo ng Dasmarinas City sa katatapos na International Master Petronio Roca Merry Christmas Blitz Masters Chess Tournament nitong December 25, 2020 sa Dasmarinas City, Cavite. Nakakolekta  si Bacojo ng 10.5 points mula sa 10 wins, one draw at isang talo  para pangunahan ang single-round 3 minutes plus 2 seconds increment over the board chess tournament …

Read More »

Orcollo nanalasa sa US billiard kahit may pandemya

PAHIRAP ang 2020 dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19), apektado ang mga atleta dahil bukod sa naudlot ang mga sasalihan na events ay hindi sila makapag-ensayo. Pero nakabuwenas si cue artist Dennis Orcollo sa pandemic kahit  na-stranded ito sa America dahil sa lockdown kaya nanatili siya doon hanggang quarantine period  dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na salihan ang mga billiards …

Read More »

Mayweather Jr target ni De La Hoya sa kanyang ‘comeback fight’

SA muling pagtuntong ni Oscar De La Hoya sa ring, nasa isip niya ang rematch nila ni Floyd Mayweather.   At kung iiwas ang undefeated boxer, puwedeng ikunsidera niya si Canelo Alvarez. Si De La Hoya, 48, ay planong bumalik sa kompetisyon at gustong makaharap agad ang malalaking pangalan sa boksing. Balik-tanaw nung Hunyo nang ianunsiyo ni Iron Mike Tyson ang …

Read More »

Pinay warrior nasa Top 5 ng MMA fighters ng 2020

HINDI maikakaila na naging mahirap para sa lahat ang 2020, pero kahit ano pa ang disaster na  nangyari, pinatunayan ng mga atleta ng ONE Championship ang kanilang dedikasyon para magtagumpay. Kahit pa nga nakaam­ba ang pandemic, hindi sila nagpabaya para makipaglaban hanggang sa makamtam nila ang kanilang minimithing pangarap. Mula sa ‘unbeaten streaks’ patungo sa World Titles victories, ang mga …

Read More »

Ginebra buenas sa pandemic

SINO ang makapagsasabi na may magaganap na sporting event sa taong 2020, dahil sa pamiminsala ng coronavirus (COVID-19) ay naisipan ng gobyerno na mag-lockdown. Natengga ang mga nakalinyang preparasyon sa Olympic Games at maging ang Philippine Cup ay naapektuhan, isang game pa lang sa PBA ay nasalto na ang mga laro. Marso nagsimula ang quarantine period kaya halos anim na …

Read More »

Bata ni Gov. Ynares todas sa ambush (Sa Antipolo)

gun shot

NAPASLANG ang 62-anyos na dating kapitan ng barangay at tauhan ni dating gobernador Ito Ynares nang tambangan nitong Sabado ng hapon, 2 Enero, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Sa inisyal na ulat, kinilala ang biktimang si Oscar Tamayao Tangilin, residente sa Brgy. Sta. Cruz, sa lungsod, sinabing dikit na bata ng dating gobernador, at kasalukuyang empleyado sa Office …

Read More »

Construction worker todas sa pulis-Pampanga (Napagkamalang magnanakaw)

gun dead

ISANG construction worker ang napaslang nang mapagkamalan ng isang pulis na ang hinahabol na magnanakaw sa bayan ng Sta. Rita, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Sabado ng gabi, 2 Enero. Agad isinailalim ni P/Capt. Renemer Cruz, hepe ng Sta. Rita police, si P/Cpl. Eframe Ramirez sa restrictive custody at ipinasuko ang inisyung baril sa kanya. Kinompirma ni P/Col. Arnold Thomas …

Read More »

Kasunod ng military ops vs NPA 300 residente sa Capiz nagbakwit

NAPILITANG magbakwit ang halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz, matapos ang operasyon laban sa ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa lugar, kung saan napaslang ang siyam katao. Tinatyang 60 pamilya o halos 300 katao mula sa Barangay Lahug nitong Biyernes, 1 Enero ang mapilitang lumikas dahil sa takot kasunod ng ope­rasyong nangyari …

Read More »

2 karnaper todas sa QC shootout

dead gun police

TODAS ang dalawang hinihinalang karnaper makaraang makipag­barilan sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng madaling araw. Bago ang enkuwentro, isang lalaki ang nagpa­saklolo sa mga awtoridad nang agawin umano ang kanyang motorsiklo makaraang bumili sa isang tindahan sa Barangay San Bartolome noong Sabado ng gabi. Ayon sa biktima, pag­kasakay niya sa motorsiklo ay tinutukan siya ng baril …

Read More »

Huli sa aktong ‘pot session’ 3 singhot boys tiklo sa droga

drugs pot session arrest

DINAKIP ng mga awtoridad ang tatlong ‘singhot boys’ habang abala sa isang pot session sa loob ng bahay ng isang  alyas Pato kamakalawa ng gabi, 2 Enero, sa lungsod ng Marikina. Kinilala ang mga nadakip na sina Amado Sison, 42 anyos, alyas Patol; Ron Ely Catiis, 23 anyos; at Jolibe Lalisan, 25 anyos, pawang mga residente sa Brgy. Malanday, sa …

Read More »

31 law breakers nalambat sa Bulacan (Sa unang araw ng 2021)

ARESTADO ng mga awtoridad ang 31 kataong lumabag sa batas sa isinagawang anti-crime operations sa lalawigan ng Bulacan nitong 1 Enero. Ayon kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, kabilang sa nadakip ang 12 drug personalities sa magkakahiwalay na  buy bust operations na ikinasa ng Station Drug Enforce­ment Units ng Balagtas, Pandi, at Meycauayan municipal/city police stations. Nakuha …

Read More »

Bolo at samurai iwinagayway sa simbahan (Kelot timbog sa Nueva Ecija)

ARESTADO ang isang lalaking armado ng bolo at samurai nang magresponde ang mga awtoridad makaraang ireport sa kanila nitong Biyernes, 1 Enero, sa bayan ng Zaragoza, lalawigan ng Nueva Ecija. Ayon kay P/Col. Marvin Joe Saro, agad nilang dinakip ang suspek na kinilalang si Joshua Ed De Guzman, 24 anyos, residente sa San Isidro, ng nabanggit na bayan. Nagdulot umano …

Read More »

‘Second Wave’ ng HIV sanhi ng Covid-19

KUNG pagmamasdan si Rina ay maayos siya at walang karamdaman. May asawa siya at isang 2-anyos na supling at mahilig siyang bumiyahe at mamasyal bukod sa pagiging abala sa kanyang negosyo sa kanilang barangay sa Paco, Maynila. Ngunit sa likod ng kanyang kaaya-ayang panlabas, may dalang trauma ng pang-aabuso si Rina. Noong 15 anyos pa lang siya, isang 30-anyos na …

Read More »

Mga nars nabighani sa special delivery mula kay Liam Neeson

ANG pagkilala sa frontliners bilang bayani sa gitna ng pandemya ng coronavirus ay laganap na sa mundo at kahit ang aktor na si Liam Neeson ay nagbigay pugay sa mga nurse at doktor sa pamamagitan ng pagpapadala ng bouquet ng mga bulaklak sa Royal Melbourne Hospital sa Australia. Sadyang nabighani ang hospital staff makaraang matanggap ang ‘surprise delivery’ mula kay …

Read More »