Saturday , September 7 2024

Illegal wage hike ng management, di pa isinasauli sa kaban ng bayan

Laging ikinakatuwiran ng management na kapos sa budget ang IBC-13 ngunit sa inilabas na 2019 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA) ay ibinuko na umabot sa P1.817 milyon ang nakamal na dagdag sahod ng mga opisyal ng IBC-13 noong 2019 kahit walang board resolution at go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isiniwalat ng COA, ipinasok ng mga opisyal ang kanilang Representation and Transportation Allowance (RATA) sa buwan ng Mayo hanggang Disyembre 2019 sa kanilang basic salary makaraang nagpalabas ang COA ng Notice of Suspension dahil walang legal na basehan.

Base sa ulat, mula Mayo hanggang Disyem­bre 2019 ang President at CEO ay nakatanggap ng umento sa sahod na ‘walang basehan’ sa kabuuang  P408,520.

Si Katherine Chloe Sinsuat De Castro,  anak ni dating Vice President at batikang broadcaster  Noli de Castro, ang nakaupong President at CEO ng IBC-13 bago siya itinalagang General Manager ng PTV-4 nito lamang taon.

Umabot sa P148, 368 ang natanggap na wage hike ng Production Manager, Finance Department Manager -P179,688; Internal Audit Manager – P182,552; On Air and Traffic Service Manager – P193,032; HR and Admin Manager – P216,392 at Engineering Manager – P133,256

Dagdag rito ang kabuuang P355,227 na 13th month at bonus na natanggap ng mga opisyal ng kompanya.

Depensa ng Human Resource Department (HRD) nagiging basehan umano ng management na isama ang kanilang RATA sa basic salary at ang Secretary’s Certificate na may petsang 27 Pebrero 2020 na inaprobahan ng IBC-13 Board of Directors ang nasabing aksiyon sa kanilang isinagawang meeting noong 22 Enero 2020.

Lumalabas na ipinatupad muna ng mga opisyal ang naturang umento sa kanilang sahod bago pa nagkaroon ng Board Resolution at kahit wala itong approval mula sa Office of the President alinsunod sa mga legal na kautusan.

Giit ng COA, sa ilalim ng Section 6 ng Presidential Decree No. 1597 kailangan sundin ang mga patakaran, polisiya at approval na manggagaling sa tanggapan ng Pangulo.

“Due to non-observance of guidelines and policies issued by the President on the salary increase of IBC-13 officers, the payments of such salary increase, 13th month pay differential and bonus differential to IBC-13 officers in the total amount of P1.817 million were without legal basis, thus, disallowable in audit,” ayon sa COA.

Inirekomenda ng COA na ihinto ang implementasyon ng “salary increase” ng mga opisyal hanggang mag­karoon ng approval ang Office of the President.

Nauna nang inilathala ng COA sa kanilang website ang 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng mga opisyal ng IBC-13.

Base sa 2019 ROSA, ang tinanggap na magkasamang sahod at allowances ni De Castro bilang President & CEO/BOD Member  ay P2,761,478.76; Corazon Reboroso bilang Manager ay P1,077,367.82; Jose Ramos, Jr., bilang Manager ay P969,247.22 ; Josefino Girang bilang Manager ay P926,768.10;  David Fugoso bilang Manager ay P914,932.38; Gina Borinaga bilang Manager ay P838,341.98; Ronie Suarez bilang Manager ay P707,565.34; Ma. Corazon Robles bilang Manager ay P639,911.56; Maria Victoria Batacan bilang Director ay  P763,408.10; Ma. Magdalena Gasmido bilang Director ay  P693,972.68; Marivic Villanueva bilang Director ay P643,969.65; Gina Jalandon bilang Director ay P391,053.93; Jose Avellana bilang BOD Chairman P45,000.00; Jaime Alanis bilang BOD Member P45,000.00; Arturo Alejandrino bilang BOD Member P45,000.00; Jose Rafae Hernandez bilang BOD Member P40,000.00; at Alexander Bangsoy bilang BOD Member P30,000.00.

Samantala, ang hirit na Php3,000 wage hike ng mga empleyado ay tinabla noong Setyembre 2020 ng Board of Directors ng  state-run TV network sa katuwiran na tanging ang Pangulo ng Filipinas ang puwedeng magbigay ng go signal sa umento sa sahod ng government owned and controlled corporation (GOCC) gaya ng IBC-13.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Pasig City

Anti-graft posturing ni Mayor Vico  Sotto hanggang salita lang, — Tayo Pasig Movement

PASIG CITY – Magtatapos na ang dalawang termino ni Mayor Vico Sotto sa non-stop na …

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Marian exhibit sa SM Center Pulilan dinagsa ng mga deboto 

Sa ilang araw na lang bago ang Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, …

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

DOST-NCR Pinagsama ang Inobasyon at Tradisyon sa Pamana Agham

Pormal nang binuksan ng Department of Science and Technology – National Capital Region (DOST-NCR), sa …

Gem Castillo

Hiling bago pumasok ng politika, ipinagkaloob ng Diyos kay Mayora Gem Castillo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio WALANG imposible kapag ginusto ng Diyos. Ito ang makabuluhang tinuran …

Ara Mina

Ara hinihikayat tumakbong konsehal sa Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MARAMI raw humuhikayat kay Ara Mina na tumakbo bilang konsehal sa Pasig City. Eh …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *