Friday , May 17 2024

Danny Vibas

Panganay nina Brad at Angelina, mas feel magpaka-lalaki

HINDI lang pala Rito sa Pilipinas may mga artistang mapayapang tinatanggap ang pagkakaroon ng anak na tomboy o bading. Sa Amerika pala ay may siyam na celebrities na may mga ganoon ding anak at wala silang nakikitang mali sa ganoong sitwasyon. Ang napagtuunan ng pansin sa Amerika nitong mga nakaraang araw  ay ang anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie na si Shiloh dahil nagdiwang ito …

Read More »

Maxene, naglahad kung paano napaglabanan ang mental health issues

MENTAL Health Awareness Week pala ngayong linggong ito kaya’t nagpasyang i-share ni Maxene Magalona sa pamamagitan ng kanyang Instagram na @maxenemagalona ang naging karanasan n’ya tungkol dito. Ngayong linggo rin ay ibinahagi ni Ritz Azul ang pakikitungo n’ya sa kanyang ina na may pinagdaraanan ding mental health situation. Actually, lutas na ang sitwasyon ng kay Maxene at nakabuti ngang ibinahagi n’ya sa Instagram ang pinagdaanan n’ya ilang taon lang …

Read More »

Ritz Azul, may kuwento ukol sa mental health ng kanyang ina

KAILANGAN ng matinding pagtitiyaga at pag-unawa ang pagkakaroon ng mahal sa buhay na may mental health problems. ‘Yan ang pahayag kamakailan ni Ritz Azul kaugnay ng pagdiriwang ng Mental Health Week sa bansa. Ang ina ni Ritz ay may anxiety disorder, pagtatapat n’ya sa d’yaryong Ingles na Inquirer kamakailan. Pahayag ng aktres: “I was with her during the time her doctor first gave her medications, and …

Read More »

Kathryn, kahanga-hanga ang hilig sa pagbabasa ng libro

SIGURO naman maraming kabataang artista ang mahilig magbasa, lalo na sa panahon ngayon na kahit marami nang lugar ang klasipikado nang “General Community Quarantine,” kaunti pa lang naman ang mga lugar na pwedeng puntahan–pero bawal pa ring tumambay nang matagal. Nakalilibang, nakapagpapalawak ng bokabularyo at pag-iisip ang pagbabasa. At kahit saang bahagi ng bahay ay pwede itong gawin. Isang libangan …

Read More »

FDCP vs IGA

PWEDE nang magsyuting at magteyping ang mga produksiyon bagama’t may malilito siguro kung kaninong guidelines (na tinatawag ding “protocol”) ang susundin nila sa pagtatrabaho: ang sa Film Development Council of the Philippines ba o ‘yung ipinamamahagi na ng bagong grupo na tinatawag ang sarili na Inter-Guild Alliance (IAG)? Tiyak na alam n’yo nang ang dating aktres na si Liza Dino …

Read More »

Michael Bublé, ibinando ang pagmamahal sa asawa kahit may mga bintang na minamaltrato n’ya ito

BAGO pala napabalita ang pamimigay ni Michael Bublé ng bahay sa Pinoy caregiver ng yumaong lolo n’ya sa ina, ang  una munang naging mainit na balita tungkol sa global singing idol ay ang pagbabanta sa buhay n’ya ng mga Argentinian dahil sa umano’y pagmamalupit ni Michael sa misis n’ya na isang Argentinian. Hindi nakarating sa entertainment websites na nakabase sa Pilipinas ang …

Read More »

Bruce, masayang napagsama sa isang bahay ang pamilya niya kay Demi at sa bagong asawa

MARAMI ang natutuwa sa maayos at masayang pagsasama-sama sa iisang bahay ng dalawang pamilya ng Hollywood idol na si Bruce Willis, 65, ngayong panahon ng quarantine halos sa buong mundo dahil sa pandemic na Covid-19. Ayon sa ilang news and entertainment websites sa Amerika, kasama ni Bruce sa isang mansyon sa Hailey, Idaho, USA ang dati n’yang misis na si Demi Moore, …

Read More »

Julia, sa bagong karelasyon — I want things to last, I’m gonna protect it with all that I have

MASAYA na ang puso ni Julia Barretto ngayon lalo pa’t may bago na siyang estratehiya sa pagha-handle ng pakikipagrelasyon niya. At ang estratwhiya na ‘yon ay ‘di n’ya ipagtatapat kung sino ang karelasyon n’ya at kung mayroon nga o wala siyang karelasyon. Proklama n’ya noong mag-guest siya (sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa telepono) sa Moving On ng radio station Magic 89.9 FM kamakailan: “My heart is fine …

Read More »

F. Sionil– The Filipinos do not really need ABS-CBN

MARAMI na tayong National Artists para sa iba’t ibang larangan pero si F. Sionil Jose pa lang ang nagpabatid sa publiko ng paninindigan n’ya tungkol sa pagpapasara ng ABS-CBN.  Si Sionil Jose ay Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan (Literature). At ang paninindigan n’ya ay ang pagsuporta sa pagpapasara ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN dahil expired na ang broadcast franchise nito. Ayon sa …

Read More »

Ang Huling El Bimbo, most-watched musical; 7M nanood

PITONG milyon ang nanood ng Ang Huling El Bimbo noong ipinalabas ito sa Facebook at You Tube channel ng ABS-CBN, May 8 and 9. Tuloy-tuloy ang pagtatanghal nito sa loob ng 48 oras. Puwedeng sabihing umabot ng ganoong kalaki ang bilang ng mga nanood dahil libre naman ang panonood niyon. Pero matagal nang may libreng musical (pati na concerts at opera) pero kung umabot man ng ilang …

Read More »

Pinay caregiver ng lolo ni Michael Bublé, binigyan ng bahay

SA Canada naman, isang Pinay caregiver ang binigyan ng International singing idol na si Michael Bublé ng isang malaking bahay. Ang Pinay caregiver na ‘yon na pinangalanan lang na Minette ay naging caregiver ng lolo ni Michael ng walong taon bago yumao at bago nabigyan ng bahay. Ito’y ayon sa mga ulat ng iba’t ibang websites sa Canada na batay naman sa isang TV …

Read More »

2 Pinoy dancers, hinangaan sa Britain Got Talent

POSITIBONG tumutunog pa rin ang magandang reputasyon ng mga Pinoy sa ibang bansa kahit walang kinalaman sa Covid-19. Sa England (na kilala rin bilang Great Britain at United Kingdom) hinangaan ang Pinoy dancers na sina Ezekiel Vargas at Carl Magan sa performance nila sa audition sa Britain’s Got Talent. Hinangaan sila sa nakasisigla at acrobatic na pagsasayaw ng sikat na kanta ni Tina Turner na, Proud Mary. Pinalakpakan …

Read More »

Taylor Swift concert sa Paris, ipalalabas ng libre

TULAD din ni Madonna, dahil sa pandemic, kinansela ni Taylor Swift ang mga concert n’yang naka-iskedyul ngayong taon, ayon sa International news agency na Agence France-Presse. Sa halip na mag-concert, ginawan ng paraan ng napakasikat na singer para maipalabas nang libre sa television sa Amerika ang concert n’ya sa Paris nOOng Setyembre. Sa May 17 ipalalabas sa ABC network sa Amerika ang concert n’yang  City of …

Read More »

Madonna, nag-donate ng $1.1-M para sa anti-covid research

NAG-DONATE si Madonna ng $1.1-M sa isang foundation na pinamumunuan ng mag-asawang Melissa at Bill Gates na nagsasaliksik ng bakuna at gamot laban sa Covid-19, kasabay nang pag-amin n’yang siya mismo ay dinapuan ng virus noong huling linggo ng Pebrero habang siya ay nasa Paris. Noong Abril pa ini-announce ng global Queen of Pop sa pamamagitan ng Instagram n’yang @madonna ang pagdo-donate sa Bill & Melinda Gates Foundations’ Therapeutics Accelerator Program. …

Read More »

Mon Tulfo, tutol din sa pagpapasara ng ABS-CBN

KAHIT na identified ang matapang na kolumnistang si Mon Tulfo kay Pangulong Duterte bilang special envoy sa China, tutol siya sa pagpapasara ng National Telecommunication Commission sa ABS-CBN. At kumakatig ang pamosong kolumnista sa pahayag umano ni Justice Secretary Menardo Guevara na ‘di pwedeng baliktarin ni Pangulong Duterte ang naging desisyon ng NTC. Ang ibang miyembro raw ng gabinete ay naniniwalang pwedeng baliktarin ng Pangulo ang utos ng …

Read More »

Sharon tuloy ang concert (Naghihinagpis man sa pagsasara ng ABS-CBN)

NAGHIHINAGPIS ang megastar Sharon Cuneta sa biglang pagpapasara ng ABS-CBN noong gabi ng May 5. Gayunman,  desidido siyang ituloy ang fundraising concert n’yang Sharon: Love and Music, A Mother’s Day Special sa May 10, 8:00 p.m. dahil sadya namang  pinlano ‘yon na ipalabas online sa social media at hindi bilang programang pantelebisyon. Isa pang dahilan kaya desido siyang ituloy ‘yon ay ang pagiging bahagi nito ng Pantawid …

Read More »

Mars Pomoy, ipinagpatayo ng bahay ang isang senior citizen

NASA malayong bayan man ng Calauag, Quezon Province si Marcelito “Mars” Pomoy, kapuri-puring tumutulong siya sa mga tao roon na kababayan ng misis n’yang si Joan. Dalawa o tatlong beses na rin siyang nag-digital concert sa bahay n’ya sa Barangay Tres Calauag para lumikom ng perang maibibili ng relief goods para sa mga kabarangay n’ya na nangangailabgan. Ilang ulit na ring namahagi …

Read More »

Maine, kinausap at ‘di ipinahiya ang taong gumamit at nanloko sa kanyang DoNation

MATAAS na pala talaga ang level of maturity and compassion ni Maine Mendoza. Sa halip na magtaray siya sa mga nag-a-attempt na manloko at magsamantala sa kanya tungkol sa personal project n’yang Donation, inuunawa na lang niya ang mga ito. At kung may nakaloko man sa kanya, nakadoble nang natanggap na pera o ‘di naman talaga kailangan ng ayuda, hindi galit at …

Read More »

Julia, umaming may mental health issues

SA kauna-unahang pagkakataon, umamin si Julia Barretto na limang taon na siyang may mental health issues na pinagdaraanan. Inamin n’ya ito sa podcast n’ya habang kausap ang nakababatang kapatid na si Claudia. “Anxiety attacks” ang bansag n’ya sa pinagdaraanan n’ya. Inamin n’yang sa tuwing iniisip n’ya ang anxiety attacks n’ya ay nagiging “emotional” siya. Pasimulang lahad n’ya: “It’s such a sensitive topic. It’s like …

Read More »

Ricky Davao, Laplap-Paa Queen

KUNG si Yayo Aguila na ang New Laplap Queen, mayroon ding  Laplap-Paa Queen. At ‘yon ay walang iba kundi si Ricky Davao. ‘Yung kalaplapan ni Yayo sa FuccBois na si Royce Cabrera ay isa sa dalawang batang aktor sa  pelikula na ang mga paa ay hinahalik-halikan, dinila-dilaan ni Ricky sa istorya. Si Ricky ang gay lover ng dalawang sex workers sa pelikula. Tagong-bading siya na isang politician. Ang …

Read More »

Sarah kinahabagan, mga kasuotan ‘di raw glamorosa?

HOY, Matteo Guidicelli, bilhan mo na ng mga bagong glamorosang damit ang misis mo! Kahit hindi nagpapabili ng damit sa iyo si Sarah (Geronimo), magkusa ka na, bilhan mo na. Ibina-blind item na kasi siya dahil sa mga damit nyang “sobrang simple.” Nakakaawa na raw ang itsura ng mga damit ni Mrs. Matteo Guidecelli tuwing humaharap sa kamera ngayon. Eh bakit naman namin …

Read More »

Yayo Aguila, titulada na! Ang bagong Laplap Queen

BIGLANG titulada na si Yayo Aguila. Pero hindi sa kolehiyo, kundi sa Pinoy showbiz. Siya na ang bagong Laplap Queen. Ang luma ay si Angel Aquino. Iginawad kay Yayo ang titulo ng mga bading na tagasubaybay ng Pinoy showbiz sa masaya at makulay nilang buhay. Sila rin ang naggawad kay Angel ng titulo nito pagkatapos nilang matunghayan ang aktres na bagamat 50-anyos na …

Read More »

Lea, natalbugan nga ba ni Regine sa duweto nila?

NAKARATING na kaya kay Lea Salonga ang mga puna na natalbugan siya ni Regine Velasquez noong nag-duet sila sa home digital concert ni Mrs. Ogie Alcasid na One Night with Regine Velasquez noong gabi ng April 25 na inabot ng halos tatlong oras? Malamang ay hindi–puwera na lang kung ‘yung mga nagpo-post ng ganoon ay pinadadalhan ng kopya ng komentaryo nila si Lea. At kung nabasa na ‘yun …

Read More »

Ellen Adarna, kapani-paniwala bang ‘di atat bumalik sa showbiz?

KAHIT na sa Cebu naninirahan ang starlet na si Ellen Adarna, may nagdi-digital (online) interview pa rin sa kanya mula noong nagpakaaktibo na naman siya sa Instagram n’yang @ma.elena.adarna. Tiyak na pinlano n’yang maging aktibo sa social media sa panahong slim na siya at seksing-seksi na uli. At talaga namang ibinabalandra n’ya ang sexy pictures n’ya na labas ang cleavage at mga hita n’ya. …

Read More »