BUMABALIGTAD ang sikmura ko sa isiping lilihis ako ng tatalaka-yin ngayon (mula sa “chopsuey” na pasu-galan sa Maynila patungo sa mga pugad ng tayaan sa Quezon City at CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela). Na-realize ko na matapos ko’ng buong sigasig na tipahin ang mga pangalan ng mga sangkot at ilantad ang mga lugar na talamak ang ilegal na …
Read More »Hazing tigilan na!
NAAALALA ko nang minsan akong maimbitahan para maging guest speaker sa selebrasyon ng anibersaryo ng Tau Gamma Phi (TGP) sa Amoranto Stadium sa Quezon City na dinaluhan ng mga fraternity brother, aabot ng ilang libo, mula sa iba’t ibang eskuwelahan sa Metro Manila at mga kalapit na probinsiya. Naaalala ko rin nang imungkahi ko na dapat ikonsidera ng “frat” leaders …
Read More »Mayor Erap at Gen. Asuncion dapat humarap sa salamin
NAKAHIHIYANG isipin na sa kabila ng kaunlaran ng pinakamatandang lungsod sa Metro Manila ay nalulusutan pa rin ang pamahalaang lokal ng pinakamatandang raket sa mismong teritoryo nito. Bagamat dapat magsilbing huwaran ang Maynila, bilang pangunahing lungsod sa bansa, sa mga kalapit na siyudad at munisipalidad, sinabi ng aking mga espiya na isa pa nga ito sa tatlong pangunahing teritoryo ng …
Read More »Nasaan na ang daang matuwid?
DELIKADONG matapilok sa tinatahak nilang daan sina Pangulong Aquino at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Kung hindi sila mag-iingat, tuloy-tuloy na bubulusok ang satisfaction ratings ng administrasyon ni PNoy hanggang sa 2016, sa panahong matatapos na ang anim na taon niyang pananatili sa Malacañang. Matindi kasi ang ngitngit ng publiko kasunod ng pagdedeklara ng Supreme Court …
Read More »What DAPak?
SINO ang naniniwala na malaki ang nagawa para sa taong bayan ng DAP, o Disbursement Acceleration Program? Ito ang gustong palabasin ng pamahalaang Aquino, matapos mapahiya nang sabihin ng Korte Suprema na ilegal at unconstitutional ang DAP. The administration says that DAP was a factor in the increase of the country’s gross domestic product, or GDP. Hindi po tayo economist …
Read More »Ang finger-pointing ni Abad
AYAW ko’ng malagay sa sitwasyon ngayon ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Para siyang isang bata na nahuli sa akto, ‘yung tipong nakadukot pa ang kamay sa cookie jar. Matapos ideklara ng Supreme Court (SC) na unconstitutional ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ay nagtututuro na si Abad. Gusto niyang paniwalaan ng publiko na ang programa ay …
Read More »Talamak na paihi at pasingaw sa Region 3 & 4
TINALAKAY noong Huwebes ng kolum na ito ang pagnanakaw ng krudo ng isang asosasyon ng mga sindikato sa mga barko, barge at depot sa Bataan, Pampanga at Cavite. Kung mayroon paihi ng diesel at gasolina, mayroon din tinatawag na pasingaw. Ito naman ang pilferage o pagbabawas ng laman ng mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) o gas na pangluto …
Read More »Ang talamak na paihi ng gasolina sa Region-3
ALAM naman nating lahat na isa ang tensiyon sa Middle East, ang rehiyong sagana sa langis, partikular na ang kaguluhan sa Iraq, sa mga dahilan kung bakit kailangan tanggapin nating mga Pinoy ang taas-presyo sa petrolyo. At habang patuloy sa pagtaas ang presyo ng gasolina, bagamat hindi consistent base sa galaw nito sa merkado, tumataas naman ang demand para sa …
Read More »Tony Santos, hari ng jueteng at lotteng
TUWING napapabalita sa media ang tungkol sa mga ilegal na pasugalan sa Metro Manila, karaniwang mababasa ang pagiging talamak ng tinatawag na lotteng, ang kombinasyon ng lotto at jueteng. Maraming nag-aakala na ‘pinatay’ na ng lotteng ang jueteng sa Metro Manila. Pero hindi pa pala. Ayon sa mga espiya, namamayagpag pa rin ang pa-jueteng sa Quezon City na pag-aari ng …
Read More »Talamak na paihi sa Bataan, Pampanga at Navotas City
SERYOSONG problema ang pagnanakaw ng krudo na dapat aksiyonan ng gobyerno. Hindi lang ito isang krimen kundi panganib sa buhay, ari-arian at maging sa kalikasan. Ginagawa nang mabilisan at pabara-bara ng magkakasabwat sa pagnanakaw, maaari itong mauwi sa pagsabog o sa sunog na makamamatay ng tao o makatutupok ng mga gusali, bahay at sasakyan. Sa salitang kalye, tinatawag din itong …
Read More »Vilmanian ba si PNoy?
NANANATILING misteryo kung bakit tinanggal ni Pangulong Aquino, ang huling signatory sa shortlist ng mga personalidad na gagawaran ngayong taon ng titulong “National Artist,” ang award-winning actress at movie icon na si Nora Aunor mula sa listahan. Siguro “Vilmanian” si PNoy, ayon sa mga kritiko. Noong mga huling bahagi ng ‘60s at ‘70s, ang movie fans sa bansa ay nahahati …
Read More »Isang milestone sa PNoy admin (Kalaboso sa mga suspect sa PDAF scam)
ANG pagkakakulong ni Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa PDAF scam ay umani ng magkakaibang reaksiyon mula sa ilang sektor, pero sasang-ayon siguro silang lahat na ang nangyari ay isang milestone para sa lahat ng concern. Isa itong milestone para sa administrasyong Aquino dahil, ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De …
Read More »Kuwentuhang condom
NAAALALA ko no’ng minsang napag-usapan namin ang condom habang kumakain kami ng aking mga kaibigang sina Joseph at Rey na hindi umaalis ng bahay nang wala nito, para bang bullet-proof vest ng sundalong sasabak sa giyera. Naalala ko kung paanong nalulungkot sila—parehong sarado-Katoliko—sa pagturing ng Simbahang Katoliko sa artificial birth control bilang pagkamuhi sa mismong buhay. Na para ba’ng ang …
Read More »Illegal black sand mining, tinuldukan ng DENR-MGB Region3
KAPURI-PURI ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Region 3 sa pagtiyak na matitigil na ang mga ilegal na pagmimina ng ilang kompanya sa Zambales. Noong Mayo 22, iniulat ng kolum na ito ang tungkol sa itinakdang inspeksiyon nang linggong iyon ng isang grupo mula sa MGB Region 3 sa mga operasyon …
Read More »Ang prostitusyon ba ay negotiable?
DAHIL tinalakay natin nitong huli ang namamayagpag na kalakalan ng laman sa Angeles City, nagtataka ako kung bakit bukod sa hindi tuloy-tuloy ang pag-aksiyon ng pulisya, ay paulit-ulit na nagbabalik ang mga sex worker at ang kanilang mga bugaw sa kanilang “trading place?” Bagamat dapat na ipaubaya na lang sa simbahan ang pagtalakay sa mga isyu ng moralidad sa usaping …
Read More »Angeles sex trade sa internet (Paging: IACAT)
NANG magsialis ang mga Amerikanong GI sa Clark Field sa Angeles, Pampanga noong 1991, inakala ko’ng nalibing na sa tone-toneladang ashfall ang masiglang sex trade sa lugar. Ang pagbabago ng red light district ng Angeles na naging isang madilim na ghost town ng nangahulog na mga anghel—para sa marami nating kababayan—ay isang tagumpay na da-pat ipagdiwang para sa pinagpipitagan nating …
Read More »Ano ang labor export? (Part 2)
ANG pinakamagandang halimbawa ng palpak pero magaganda ang layunin na polisiya ng gobyerno ay sa kaso ng ating mga domestic helper (DH). Mahigit anim na taon na ang nakaraan nang itinaas ng gobyerno, sa pamamagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), ang minimum salary across the board sa US$400 o 100 porsiyentong pagtaas mula sa dating US$200. Naging magandang propaganda …
Read More »Haiyan housing ng Lions Club
NAKAPANLULUMO ang balita tungkol sa isang ina at anim niyang anak na nagawang makaligtas sa ala-tsunami na storm surges, baha at ulan na dulot ng bagyong ‘Yolanda’ (Haiyan), pero namatay sa sunog sa isang temporary government shelter sa Tacloban noong Mayo 28. Himbing na natutulog ang pamilya nang magsimula ang sunog mula sa isang ga-sera at agad na nilamon ng …
Read More »Ano ang labor export? (Part 1)
NAKALULUNGKOT isipin na ang ating gobyerno ay nag-iisa sa Asia na bahagi ng national policy ang labor export. May mga push-and-pull factors na nakaaapekto sa large scale migration. Sa push side, ang kawalan ng trabaho sa bansa ay nagreresulta sa unemployment at underemployment. Ang mga walang trabaho, o iyong naghahanap ng mapagkakakitaan pero hindi makasumpong o hindi kuwalipikado para sa …
Read More »Kailangan ba talaga ng Customs ng surveyors?
ANO itong nalaman ko na determinado si Bureau of Customs (BoC) Commissioner John Philip “Sunny” Sevilla na magpatupad ng bagong scheme na magreresulta ng dagdag-gastos at abala sa mga importer? Ayon sa aking mga espiya sa Customs, binabalak na kuhanin ang serbisyo ng mga surveyor upang mag-inspeksiyon sa mga kargamento ng iba’t ibang produkto sa port of origin bago pa …
Read More »More fun in illegal recruitment
NITONG Martes ay tinalakay sa kolum na ito ang illegal recruitment ng mga overseas worker at ang mistulang “encouragement” na nakukuha mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa mga estriktong polisiya ng ahensiya. Tatalakayin naman natin ngayon ang maha-lagang kaibahan ng mga illegal recruiter sa mga lehitimong recruitment agency. Legal ang recruitment ng mga lisensiyadong agency. May proseso …
Read More »DENR-MGB region 3 inspection sa illegal black sand mining
SA isang phone interview noong nakaraang linggo,sinabi ni Engineer Rey Cruz, Officer-In-Charge ng Mine Management Division ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa Region 3 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), na isang grupo mula sa kanyang opisina ang magsasagawa ngayong linggo ng follow-up inspection sa mga operasyon ng Bluemax Tradelink, Inc. sa Botolan, Zambales. Marso 6 nang …
Read More »Ang ‘di matuldukang illegal recruitment
HANGGANG may mga taong nangangarap ng magandang buhay sa pagtatrabaho sa ibang bansa, hindi matitigil ang illegal recruitment. Bagamat mara-ming sinusuwerte sa pagtatrabaho sa ibang bansa, libo-libo naman ang nabibiktima ng mga manlolokong recruiter na nangangakong bibig-yang katuparan ang kanilang mga pangarap sa kabila ng umiiral na Republic Act 8042 o ang inamyendahang Migrant Workers Act of 1995. Wala pa …
Read More »Can’t win ‘em, kill ‘em
ni Robert B. Roque, Jr. MINSAN akong nakabasa ng balita tungkol sa isang police major sa isang Thai village sa probinsiyang may kalayuan mula sa Bangkok. Mahigit 16 na taon na ang nakalilipas. Ang kuwento ay tungkol sa pamamaril niya sa lima niyang kabaro at sa pagkakasugat ng lima pang empleyado bago itinutok niya ang baril sa sarili at sinabing …
Read More »Evidence depository ang kailangan Part 2
ARAW-ARAW nating nababasa sa dyaryo na may P20-milyon ha-laga ng shabu ang nakumpiska; naaresto ang isang pusher sa pagbebenta ng isang kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng milyon-milyong piso; o kaya naman ay P1 milyon halaga ng marijuana ang natagpuan sa bangkay ng isang lalaking pinatay. Ngunit pagkatapos nito, wala nang naire-report tungkol sa kung ano na ang nangyari sa …
Read More »