MAS lalong dapat na magsipag at magsikap, tila iyan ang battle cry ng aktres at beauty queen na si Charo Laude ngayon. Kung pahinga kasi siya sa showbiz assignments bunsod ng Covid19, hindi naman siya nagpapigil sa paghataw sa kanyang mga business. Ngayong Wednesday ay bubuksan ang kanyang Cha’ro Milk Tea business, at very soon ay susunod nang magbubukas …
Read More »Richard Quan, nagwagi ng International Best Actor award para sa The Spiders’ Man
MINSAN pang pinatunayan ni Richard Quan ang husay bilang actor nang makamit niya ang panibagong acting recognition bilang Best Actor sa Accolade Global Film Competition 2020 para sa pelikulang The Spiders’ Man. Pinamahalaan at tinampukan din ni Direk Ruben Maria Soriquez, nanalo rin siya sa naturang award giving body bilang Best Director at Best Supporting Actor. Wagi rin ito bilang Best Feature …
Read More »Tonz Are, patok ang tapsilogan, chilli sauce, at gourmet tuyo
MASAYA ang talented na indie actor na si Tonz Are dahil kahit pahinga muna siya sa taping at shooting dahil sa COVID-19, maganda ang takbo ng kanyang mga negosyo. Saad ni Tonz, “Iyon pong Tonz Tapsilogan, located na rito sa Quezon City, sa bandang Tandang Sora. Mayroon din online business na bukod sa tapsilogan, nandiyan ang aking Artizent Perfume and iba …
Read More »Klinton Start, bilib sa galing ng CN Halimuyak products
KINUMUSTA namin si Klinton Start kung ano ang latest na pinagkakaabalahan niya ngayon. Baka kasi after ng three months na pagka-quarantine dahil sa Covid19, kinakalawang na siya sa sayawan. Sagot ng binatang binansagang Supremo ng Dance Floor, “Siyempre una po, hindi mawawala ang pagwo-work-out po para maging fit pa rin po ako and pangalawa po, nanonood po ako ng mga dance video sa …
Read More »Sheree, mas lalong naging sexy dahil sa quarantine!
IPINAHAYAG ng sexy actress na si Sheree na labis siyang nalungkot nang ang show niya sa Music Museum last April ay hindi natuloy, bunsod ng pandemic na hatid ng Covid19. “Sobrang nalungkot po talaga ako nang ang concert ko ay hindi natuloy, kasi po hindi ba lockdown? So, dahil sa Covid ay na-cancel po siya,” panimula ni Sheree ukol sa burlesque …
Read More »Ashley Aunor, happy sa tandem nila ng kanyang Ate Marione
NAKAHUNTAHAN namin ang talented na singer/composer na si Ashley Aunor, na lagi kong sinasabing paborito naming rock star. Dito’y inusia namin ang latest sa kanya. Kuwento sa amin ni Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, “Naglabas po ako ng latest single na Diyosa ng Kaseksihan na may kasamang music video and yung three OPM cover na inilabas sa Star …
Read More »Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan, di pabor sa class opening sa August
GRADUATE na ng high school ang Millennial Pop Princess na si Janah Zaplan at may bonus pang regalo sa parents niyang sina Sir Boyet at Mam Dencie Zaplan ang talented nilang bunso dahil nagtapos si Janah sa OB Montessori, Sta. Ana bilang 3rd Honor. Ito’y ginawa niya kahit aktibo siya sa pagiging varsity player sa volleyball ng kanilang school at sa pagiging recording …
Read More »BeauteDerm, patuloy sa paglago sa pamumuno ni Ms. Rhea Tan!
KAHIT nagkaroon ng pandemic bunsod ng COVID-19, patuloy pa rin sa paglago ang BeauteDerm sa pamumuno ng masipag at mabait na President at CEO nitong si Ms. Rhea Anicoche-Tan. Base sa FB post ni Ms. Rhea, mayroong dalawang bagong BeauteDerm store — ang isa ay nagbukas kahapon, June 7 sa Robinsons Place Manila, ang isa naman ay this month, sa …
Read More »Jillian Ward, wish mag-portray ng papel na may mental disability
AMINADO ang magandang teenstar na si Jillian Ward na sobra siyang natuwa nang maging bahagi siya ng top rating TV series ng Kapuso Network titled Prima Donnas. Saad niya, “Sobrang natuwa po ako noong una kong nalaman na part po ako ng Prima Donnas. Bale, first bida ko rin po bilang dalaga. Na-pressure rin po, kasi alam kong may lalim talaga …
Read More »Direk Anthony Hernandez, in demand ang tindang customized facemask
HABANG hindi pa puwedeng mag-shooting ng pelikula dahil sa Covid19, sumabak muna si Direk Anthony Hernandez sa medical supplies business at customized face mask. Bukod sa maganda at bagay sa mga kompanya, ang naturang customized face mask with your own logo ay mayroong apat na layers “Sa ngayon po, I’m doing customized facemask business and also distributor ng medical supplies na in-demand po ngayong panahon …
Read More »Zara Lopez, thankful sa paghataw ng business na Sweet Reece’s spread
MASAYA ang sexy actress na si Zara Lopez dahil humahataw nang husto ang business niyang Sweet Reece’s na mayroong peanut butter, no sugar peanut butter at yema spread. “Honestly akala ko ngayong lockdown hihina ‘yung negosyo ko kasi ayaw lumabas ng tao. Pero nagkamali ako ng akala, mas na-surprise po ako kasi sobrang lumakas kami ngayong may quarantine at ang daming …
Read More »CN Halimuyak CEO Nilda Tuason, nagpaalala sa mabisang alcohol na panlaban sa Covid19
BILANG isang chemical engineer na eksperto sa alcohol, inusisa namin ang CEO ng CN Halimuyak Philippines na si Ms. Nilda Tuason kung paano malalaman ang effective na alcohol kontra Covid 19? Esplika niya, “Ayon sa aking pananaliksik, maaaring ang mga nasa market na alcohol ay dati nang lumabas na produkto subalit ang mga sangkap nito ay nauukol sa iba-ibang application. Kaya …
Read More »Kelvin Miranda, nami-miss na ang muling pagsabak sa pag-arte
AMINADO ang guwapitong actor na si Kelvin Miranda na hinahanap ng katawan niya ang dating ginagawa, tulad ng pagsabak sa taping o shooting. Kumusta na siya after almost three months na naka-quarantine? “Okay naman po, marami naman po puwedeng gawin sa loob ng bahay para maging productive tayo…like magluto, maglinis, magbasa, manood ng movies para may bagong matutunan, bonding sa …
Read More »Andrea del Rosario, handa na sa shooting ng Penduko
ANG aktres at dating Calatagan Vice Mayor na si Andrea del Rosario ay kabilang sa na-stranded sa Batangas bunsod ng Covid19. Ito ang naikuwento niya nang maka-chat namin ang dating Viva Hot Babe. “Hi kuya… how are you? I’m stuck in Batangas with Bea, I can’t go anywhere because of her. But the best place to be right now, kawawa …
Read More »Aleish Lasic, inspirasyon ang idol na si Robin Padilla
AMINADO ang newcomer na si Aleish Lasic na malaking papel ang ginampanan ng idolong si Robin Padilla, kaya siya naging masigasig na makapasok sa mundo ng showbiz. Wika ni Aleish, “Si Robin Padilla po super idol ko, kaya talagang pinilit kong maka-enter sa showbiz para makita siya at maka-work kasi hanga ako sa dedication niya at ‘yung pagiging humble. Si …
Read More »Starstruck First Princess na si Lexi Gonzales, wish magkaroon ng teleserye
KINUMUSTA namin thru FB ang Starstruck Search First-Runner Up na si Lexi Gonzales, kung paano siya nagko-cope-up sa almost three months na pagka-quarantine bunsod ng COVID-19. Tugon ni Lexi, “I’m doing great naman po while at home. Nagiging busy po ako lately in vlogging and in livestream gaming.” Aniya pa, “Until now tuloy pa rin po ako sa regular workouts ko. …
Read More »Aiko Melendez, masaya sa pagtulong sa mga taga-Zambales
PATULOY sa pag-alalay at pagtulong sa mga taga-Zambales ang premyadong aktres na si Aiko Melendez. Naka-chat namin kahapon si Ms. Aiko at nalaman naming nasa Zambales siya upang magdala ng mga kailangang-kailangang tulong para sa mga mamamayan ng naturang lalawigan. Kabilang sa dinala niya roon ang kahong-kahong canned goods, PPEs, face masks, vitamins, Lola Remedios, at iba pa. …
Read More »Raffy Tulfo, nagkaloob ng 1 milyong tulong sa Eastern Samar
MABILIS ang naging pagtugon ng kilalang matulunging media practioner na si Raffy Tulfo sa panawagan ng tulong ni Congresswoman Maria Fe Abunda ng Eastern Samar, bunsod nang malakas na hagupit ni bagyong Ambo sa naturang lalawigan. Si Raffy ay kilalang news anchor at veteran radio personality ng TV5/Radyo Singko at isa sa mga popular YouTuber ng bansa. Sa isang …
Read More »Sylvia Sanchez proud endorser ng Beautederm, iniyakan ni Ms. Rhea Tan
IPINAHAYAG ng award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez na mas naa-appreciate niya ngayon ang bawat minutong kasama ang asawang si Sir Art Atayde at ang kanilang mga anak. Saad ng Kapamilya aktres nang napagtagumpayan nila ang mapaminsalang virus, “It was a dark moment in my life. Pero may nakita akong liwanag sa end ng tunnel. I know that great things are …
Read More »Marlo Mortel, masayang-masaya sa collab kay American Idol finalist Evelyn Cormier sa kantang Bones
NAGPAHAYAG nang labis na kagalakan si Marlo Mortel sa magandang kinalabasan ng collab nila ni American Idol finalist Evelyn Cormier ng kantang Bones. Marami kasi ang nagandahan sa music video ng Bones, kasama na kami. Ito’y base sa FB post niya, matapos lumabas ang naturang single na naka-collab niya si Cormier, na naging Top 14 sa American Idol last year. “Happy? Happier! Happiest! Thank you for …
Read More »Bulacan Governor Daniel Fernando, hindi lumabag sa ECQ protocol
NAGBIGAY ng official statement ang aktor at masipag na Gobernador ng Bulacan na si Daniel R. Fernando, hinggil ito sa lumabas sa isang broadsheet entitled Bulacan Gov. Daniel Fernando, No Ordinary Man. Narito ang kanyang statement: This article revolved around an incident that took place on May 8, 2020 when I went to SBMA to personally bring assistance to a close …
Read More »Lance Raymundo, excited na sa pelikulang Penduko
IBINALITA sa amin ni Lance Raymundo na nakatakda na silang mag-shooting sa mga susunod na buwan ng pelikulang Penduko na pagbibidahan ni Matteo Guidicelli at pamamahalaan ni Direk Jason Paul Laxamana. Pahayag ni Lance nang maka-chat namin sa FB, “We received our shooting sched na for Penduko. So, confirmed na, tuloy ang production this year. We begin this August.” Nabanggit pa …
Read More »Romm Burlat, sumungkit ng back to back international acting awards
ANG multi-awarded director/producer/actor at socio-civic influencer na si Romm Burlat ay nagwagi na naman ng acting awards. This time, dalawang international awards ito bilang Best Supporting Actor sa pelikulang Attention Grabbing (Agaw Pansin) sa Oniros Film Awards sa Italy. Tinalo niya sa kategoryang ito ang 52 semi-finalists. Ang isa pa ay bilang Best Actor in a Horror sa kanyang outstanding performance sa Covered Candor (Tutop) sa Actors Awards Los …
Read More »Miggs Cuaderno, takot mahawa ng COVID 19
AMINADO ang Kapuso young actor na si Miggs Cuaderno na gusto niyang mabigyan ng mga challenging role sa TV man o pelikula. Si Miggs na magiging 16 year old na this year, ay isang award-winning child actor. Nabanggit niya ang mga papel na sa palagay niya ay mae-excite siyang gampanan. Aniya “Ang pangarap ko pong magawa na role, ‘yung may …
Read More »Chanel Latorre, masayang maging parte ng international series na Almost Paradise
MASAYA si Chanel Latorre sa papel niya bilang Sampaguita sa international TV series na Almost Paradise. Ang serye ay napapanood sa cable channel na WGN America at Amazon Prime. Bida rito ang Hollywood actor na si Christian Kane na gumaganap bilang si Alex Walker, isang Drug Enforcement Administration undercover operative na nag-retire sa Cebu pero nasabak ulit sa action nang makasagupa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com