TANDA ng mahigit apat na siglo ng mayamang kasaysayan, pamanang kultural at pag-unlad sa mga nakalipas na panahon, nakatakdang ipagdiwang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang Ika-446 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Lalawigan ng Bulacan na nakasentro sa temang “Bulacan: Duyan ng Kasaysayan, Yaman ng Kinabukasan” sa pamamagitan ng commemorative program sa harap ng Gusali ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, Antonio …
Read More »‘Paihi’ sinisilip sa 3 motor tanker na lumubog sa Bataan
IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) nitong Linggo, 4 Agosto, na iniimbestigahan nila ang tatlong sasakyang-dagat na responsable sa oil spill sa Bataan kung sangkot sila sa oil smuggling o ‘paihi’. Ayon kay PCG National Capital Region (NCR) -Central Luzon spokesperson Lt. Comm. Michael John Encina, inaalam ng kanilang investigating team ang tunay na dahilan kung bakit nasa karagatan ng …
Read More »Bulacan Provincial Blood Center kinilala ng DOH Central Luzon
GINAWARAN ng Department of Health (DOH) Central Luzon Regional Blood Center ang Bulacan Provincial Blood Center ng Plake ng Pagpapahalaga dahil sa pagiging consistent lead blood service facility partner ng mga lokal na pamahalaan na pinamamahalaan ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan, sa isinagawang Sandugo Awarding Ceremony sa Premium Ballroom A, Premium Tower, Royce Hotel, Clark Freeport, Pampanga, kamakailan. Iginawad ni …
Read More »
Habang nasa clean-up drive
TSERMAN BUMULAGTA SA RIDING-IN-TANDEM
SA GITNA ng ginagawang clean-up drive pagkatapos manalasa ng Habagat at bagyong Carina, isang barangay chairman ang pinagbabaril ng dalawa kataong magkaangkas sa isang motorsiklo nitong Sabado ng umaga, 3 Agosto, sa bayan ng Angat sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Isagani Enriquez, OIC ng Bulacan PPO, kinilala ang biktimang si Wenceslao Bernardo, chairman ng Barangay …
Read More »SM nagkaloob ng 3,700 “Kalinga Packs” sa mga komunidad sa Bulacan na sinalanta ng bagyo
KASUNOD ng pinsalang dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong Carina, ang Bulacan ay isa sa mga lalawigang tinamaan sa Central Luzon, kasunod ng matinding pagbaha at pinsala sa impraestruktura, agrikultura, at mga alagang hayop nito. Sa kasalukuyan, isinailalim ang lalawigan sa state of calamity gaya ng inirekomenda ng mga lokal na awtoridad. Bilang tugon, ang SM Supermalls at SM …
Read More »
Ikatlong sasakyang pandagat na nagdudulot ng oil spill
ABANDONADONG MOTOR TANKER SA BATAAN NATAGPUAN NA MAY TUMATAGAS NA LANGIS
NATAGPUAN ng mga awtoridad ang ikatlong sasakyang-pandagat na naglalabas ng mga materyal na nakapipinsala sa kapaligiran sa baybayin ng Bataan. Nakita ang langis na umaagos sa karagatan mula sa mga tangke sa loob ng Motor Vessel (MV) Mirola 1, na sumadsad malapit sa baybayin ng bayan ng Mariveles. Natagpuan ng National Bureau of Investigation (NBI) Counter-Intelligence Division, NBI Bataan, Naval …
Read More »
Kasunod ng oil spill incident mula sa MV Terranova
INCIDENT COMMAND POST INALERTO NI GOV. FERNANDO
INIHAYAG ni Bulacan Governor Daniel R. Fernando ang pagpapalabas ng memorandum para sa mga lokal na punong ehekutibo sa lalawigan hinggil sa mandato para sa agarang aksiyon bilang tugon sa potensiyal na banta ng oil spill sa baybayin ng Bulacan mula sa tumaob na tanker na MT Terranova sa Limay , Bataan sa isinagawang Joint NDRRMC – RDRRMC3 Emergency Meeting …
Read More »
Bulacan would be the main site – DENR
3 LALAWIGAN APEKTADO NG OIL SPILL SA BATAAN
SINABI ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga nitong Sabado, 27 Hulyo, kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang oil spill na dulot ng lumubog na MT Terra Nova sa Bataan ay maaaring makaapekto sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, at Pampanga. Sa isang situation briefing tungkol sa epekto ng Super Typhoon Carina at ng Enhanced Southwest Monsoon sa lungsod ng Malolos, …
Read More »
Kasunod ng Terra Nova
MOTOR TANKER PA LUMUBOG DIN SA MARIVELES
LUMUBOG ang isa pang motor tanker sa karagatang sakop ng bayan ng Mariveles, sa lalawigan Bataan na ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ay namataan ang oil sheen o manipis na kinang ng langis sa bahagi ng Corregidor. Kinompirma ni PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo ang paglubog ng motor tanker sa karagatan ng Brgy. Cabcaben, sa …
Read More »
PBBM nagsagawa ng konsultasyon
P895-M PLUS PINSALA NG BAGYONG CARINA
NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kasama ang ilan sa kanyang mga gabinete kina Gobernador ng Bulacan Daniel Fernando at iba pang pinuno ng lokal na pamahalaan sa lalawigan upang tingnan mismo ang sitwasyon at ihayag ang mga tulong para sa mga Bulakenyong naapektohan ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina. Sa situational briefing na ginanap sa Benigno Aquino, Sr., …
Read More »
Target ni PBBM
WATER IMPOUNDING FACILITIES, PINAKAMAHALAGANG SOLUSYON KONTRA BAHA
PRAYORIDAD ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na ipatayo ang mas maraming water impounding facilities sa mga lalawigan sa Gitnang Luzon bilang pangmatagalang solusyon sa pagbabaha. Ito ang binigyang diin ng pangulo sa ginanap na situational briefing sa Kapitolyo ng Bulacan, sa lungsod ng Malolos, kaugnay ng mga pinsalang idinulot ng bagyong Carina. Aniya, ito ang pinakamainam at epektibong solusyon sa …
Read More »
Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA
2 iniulat na nasawi
PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili ang epekto ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Bagyong “Carina” sa Central Luzon. Sinabi ni PRO3 Regional Director PBGeneral Jose S Hidalgo Jr na nagbigay siya ng direktiba sa lahat ng commanders na ipatupad ang mga naunang hakbang na sinusunod kasama ang lahat ng guidelines …
Read More »Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales
ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto ng mga awtoridad sa Zambales, nitong Martes ng gabi (Hulyo 23). Kinilala ni PRO3 Director PBGen Jose S. Hidalgo JR ang naarestong indibiduwal na si Mario Hamton y Furton, kilala rin bilang Mario Amton y Furton o “Ka Alvin,” na isa ring miyembro ng Celso …
Read More »Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote
HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong Carina at patuloy silang tumupad sa tungkulin nang sunod-sunod nilang arestuhin ang sampung wanted na kriminal sa lalawigan kahapon. Sa mga ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang sampung katao na pinaghahanap dahil sa iba’t ibang krimen at …
Read More »No. 1 MWP – City Level, 16 lawbreakers timbog
ARESTADO ng mga awtoridad ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, tatlong pinaghahanap ng batas, pitong ilegal na manunugal, at no. 1 most wanted person (MWP) ng lungsod ng Baliwag sa mga isinagawang operasyon hanggang nitong Linggo ng umaga, 21 Hulyo. Ayon sa mga ulat na isinumite kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nadakip ang …
Read More »P10-M makinaryang pambukid ipinagkaloob ng PAGCOR sa Bulacan
PORMAL nang ipinagkaloob ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang P10-milyong halaga ng mechanized farming equipment kabilang ang dalawang unit ng combined harvester at limang unit ng mini-4-wheel tractors sa harap ng Provincial Capitol Building, sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan. Pamamahalaan ang mga makinaryang ito ng PGB na ang mga magsasakang Bulakenyo ay magkakaroon ng madaling pagkuha …
Read More »Pabrika sa Bulacan bistado, mga trabahador undocumented at tourist visa lang ang hawak
BISTADO ang isang pabrika sa Bulacan na may mga nagtatrabahong Chinese nationals kahit undocumented at mga tourist visa lang ang hawak. Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon ang pabrika na matatagpuan sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan. Halos 80 Chinese na inabutan sa loob ng pabrika ang ikinostudiya ng NBI dahil …
Read More »SSS nagbabala sa miyembro at publiko sa mga pekeng alerto sa text
BINALAAN ng Social Security System (SSS) ang mga miyembro nito at ang publiko na maging maingat sa mga text message na ipinapadala ng mga walang prinsipyong indibidwal na nagpapanggap na SSS, na nangangako sa mga tatanggap nito ng insentibo sa pamamagitan ng pag-access sa isang link. Sinabi ni SSS Senior Vice President for Member Services and Support Group Normita M. …
Read More »Kawatan sa coffee shop, timbog
DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na nanloob sa isang coffee shop sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan kamakalawa ng gabi. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, bandang alas-8:00 ng gabi, naganap ang panloloob sa isang coffee shop na matatagpuan sa …
Read More »SM Foundation binuksan ang pagsasanay para sa sustainable agriculture sa Bulacan
HINDI bababa sa 111 magsasaka na nagsasanay ang umaasa sa pagkakaroon ng sapat na pagkain, napapanatiling kabuhayan, pag-unlad ng entrepreneurial, at mga ugnayan sa merkado sa paglulunsad ng Kabalikat sa Kabuhayan ng SM Foundation on Sustainable Agriculture Program sa Bulacan. Ang Department of Agriculture (DA), DSWD, TESDA, DOST, DTI, DOT, DOLE, Merryland Integrated Farm & Training Center Inc., pati na …
Read More »
Anti-Crime Drive Ops sa Bulacan
P.25-M HALAGA NG SHABU NAKUMPISKA, 27 ARESTADO
MULING nagsagawa ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakumpiska ng iligal na droga, kabilang ang pagkakaaresto sa labing-anim na nagbebenta ng droga, anim na wanted na kriminal, at limang mga ilegal na nagsusugal sa lalawigan hanggang kahapon ng umaga. Sa ulat na ipinadala kay PColonel Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PNP, may kabuuang …
Read More »21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon
IPINADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang 21 Mobile Primary Clinics sa 21 lalawigan sa Gitna at Hilagang Luzon. Naunang ipinagkaloob ang tig-iisang unit nito sa pitong mga lalawigan ng Gitnang Luzon na tinanggap ni Gob. Daniel Fernando ang para sa Bulacan mula sa Unang Ginang. Kasabay nito ang mga Mobile Primary Clinics …
Read More »
Sa Bataan
LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST
NADAKIP ang isang senior citizen na sangkot sa ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat sa lugar na pinaniniwalaang drug den sa ikinasang buybust operation sa Brgy. Tipo, bayan ng Hermosa, lalawigan ng Bataan, nitong Sabado, 13 Hulyo. Kinilala ng team leader ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga naarestong suspek na sina Racquel Crespo, 69 anyos; Angelo Corpin, …
Read More »
Sa Bulacan
7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG
ARESTADO ang pitong indibidwal na pinaghihinalaang pawang mga sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga, at dalawang sinabing mga magnanakaw sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan hanggang nitong Linggo ng madaling araw, 14 Hulyo 2024. Sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip ang limang pinaniniwalaang mga tulak sa …
Read More »
Sa crackdown ng PRO3
4 DAYUHAN, 1 TULAK NASAKOTE SA DROGA
NASUKOL ng mga awtoridad ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kinabibilangan ng apat na Chinese nationals sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Angeles at Nueva Ecija. Kinilala ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang mga dayuhang suspek na sina alyas Wu, 38 anyos; alyas Zheng, 29 anyos; alyas Chou, 33 anyos; at ang kasabuwat …
Read More »