Monday , December 23 2024

Percy Lapid

Warrant of arrest at HDO vs. Dichaves bago pa makatakas

NAGWAKAS na rin ang mahabang suwerte ng ‘negosyanteng’ si Jaime Dichaves para sumalang sa paglilitis bilang co-accused ng among si Joseph “Erap” Estrada na una nang nahatulang guilty ng Sandiganbayan sa kasong plunder o pandarambong. Sa 24-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Marvic Leonen, ipinag-utos ng Supreme Court (SC) sa Sandiganbayan na ituloy ang paglilitis kay Dichaves. Ipinawalang-bisa na …

Read More »

Mahal na pakain sa Miss Universe

TIYAK na hindi rin nakakain si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte kung dumalo siya sa Governor’s Ball para sa Miss Universe candidates na ginanap noong Lunes ng gabi (16 January) sa SMX Convention Center. Nungka ay wala sa pagkatao ni PRRD ang mag-aksaya ng panahon at gumasta nang malaki para lang makapagpasikat, lalo’t pera ng taongbayan ang wawaldasin. Katunayan, nagbabala …

Read More »

Matalinong apoy sa MMDA

KAHANGA-HANGA naman ang napabalitang sunog sa tanggapan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) noong Biyernes. Parang may isip ang apoy na ang napili pang sunugin ay mga dokumento sa opisina ng resident auditor ng Commission on Audit (COA) sa MMDA. Bale ba, nadamay sa sunog ang mga dokumento na ang petsa ay mula taong 2014 hanggang 2016 na may kaugnayan …

Read More »

Bakit bulag, pipi at bingi ang OSG, DOJ, Ombudsman sa mga dinambong ni Erap

HANGGANG sa buwan ng Setyembre na lang ngayong taon ang deadline ng pamahalaan para mabawi kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang mga salapi na kanyang kinulimbat sa taongba-yan. Ito ang pangamba ng nakausap nating abogado tungkol sa pinal na desisyon ng Sandiganbayan laban kay Erap na nabigong ipatupad ng nakaraang administrasyon ni PNoy. Anang batikang abogado …

Read More »

Bawiin ang kinulimbat ni Erap sa SSS at GSIS

SAMPUNG taon na ang nakararaan, hindi pa naipatutupad ng pamahalaan ang hatol ng Sandiganbayan na pagbawi sa mga salaping ninakaw ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada, kabilang ang pinagsamang P1.8-B pondo ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS). Pagkatapos ng anim na taong paglilitis sa kanya, si Erap ay matatandaan na nahatulang guilty …

Read More »

Reklamo vs PH consulate personnel sa Chicago, USA tamad na, iresponsable pa!

ISANG kababayan na-ting OFW sa Nebraska, USA ang nagsumbong sa atin laban sa mga tauhan ng Phil Consulate natin sa Chicago, USA. Isinahimpapawid natin ang kanyang tawag noong Biyernes (6 Jan.) sa ating malaganap na programang ‘Lapid Fire’ na napapakinggan gabi-gabi sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz) at sabayang napapanood sa buong mundo sa pamamagitan ng live streaming ng 8trimedia.com sa …

Read More »

Former PLM officials sa diploma mill raket dapat din makasuhan

NAGBUNGA rin sa wakas ang ibinulgar nating anomalya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa malaganap na programang Lapid Fire sa radio at sa pitak na ito, ilang taon na ang nakararaan. Sinibak ng Ombudsman sa serbisyo si Commission on Higher Education (CHED) executive director Julito Vitriolo matapos mapatunayang guilty sa pagpapabaya sa tungkulin o kasong grave misconduct, gross …

Read More »

Ang ‘Ka Erdy’

NITONG Lunes (2 Enero) ay ika-92 taon ng kapanganakan ni Bro. Eraño “Ka Erdy” G. Manalo, dating executive minister ng Iglesia Ni Cristo (INC) na pumanaw noong August 31, 2009. Nasanay na kasi akong batiin at alalahanin sa kanilang kaarawan ang mga hinahangaan ko tulad ng Ka Erdy. Dati, ilang araw pa bago, hanggang pagkatapos ng kanyang kaarawan ay napupuno …

Read More »

Trapik sa Tagaytay walang ipinagbago

MALAKI na ang ipinagbago at iginanda ng Tagaytay kompara noong aking kabataan. Ang mga naglalakihang establisimiyento at negosyong makikita ngayon ay patunay na umuunlad ang lungsod kung ang pag-uusapan ay koleksiyon sa buwis kada taon. Noon pa man ay paboritong pasyalan ng marami ang Tagaytay dahil sa malinis na kapaligiran, malamig na klima at madali pang puntahan kung manggagaling lang …

Read More »

May sakit nga ba talaga si Erap?

DESKOMPIYADO ang marami kung sino kina dating Sen. Jinggoy Estrada at kapatid na si Sen. JV Ejercito ang paniniwalaan tungkol sa tunay na estado ng kalusugan ng kanilang amang si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na isinugod sa ospital noong nakaraang linggo. Sino nga ba naman ang hindi magdududa kung ultimo sa karamdaman ng kanilang bugtong na …

Read More »

Matikas pa si Mayor Lim

SIGURADONG marami na naman ang nag-aabang sa pagdating ni Manila Mayor Alfredo ngayong umaga sa kanilang bahay sa Tondo sa pagsapit ng kanyang ika-87 kaarawan. Taon-taon naman ay ganito na ang nakagawian ng kanyang mga kaibigan at supporters para batiin siya tuwing sasapit ang ika-21 ng Disyembre noon pa mang siya ay nagse-serbisyo bilang kagawad at opisyal ng Manila’s Finest. …

Read More »

Bribery-extortion scandal pinagugulo para lumabo?

PUWEDE palang komedyante si Departement of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II dahil napatawa niya tayo na clueless o wala pa raw siyang ideya kung saan napunta ang P20 milyon mula sa P50-M bribery-extortion scandal. Itinuro na nga mismo nina Bureau of Immigration (BI) deputy commissioners Al Argosino at Michael Robles na napunta ang P2-M bilang balato kay Wenceslao “Wally” …

Read More »

Bribery-extortion scandal Sa “bureau of hingi-gration”

SAKSI tayong lahat na buwis-buhay si Pang. Rodrigo R. Duterte (PRRD) na maisakatuparan ang dakilang layunin na masugpo ang laganap na krimen sa bansa at ang talamak na katiwalian sa pamahalaan upang ipagmalasakit ang kapakanan ng bansa at mamamayan. Kaya naman kay PRRD tayo nakadama ng habag sa pagsabog ng malaking bribery scandal na nagsasangkot sa ilang mataas na opisyal …

Read More »

‘Suhol at bukol’ sa kaso ni Jack Lam

PAHAPYAW nating nabanggit sa malaganap na programang Lapid Fire sa DZRJ – Radyo Bandido (810 Khz) noong Biyernes ng tanghali ang tungkol sa kumakalat na balitang sumuka raw ng halagang P110-M ang dayuhang Tsekwa na si Jack Lam, ang online gambling operator sa Clark, Pampanga. Ipinag-utos ni Pang. Rodrigo R. Duterte ang pag-aresto kay Lam kasunod ng tangkang panunuhol kay …

Read More »

Nag-aala Tarzan si Sen. Tito Sotto

AKALA yata ni Sen. Vicente “Tito-Eat Bulaga” Sotto III ay siya si Tarzan na dinadagukan ang dibdib habang ipinagsisigawang hindi kinikilala ng Senado ang dismissal order laban kay Sen. Joel Villanueva na ibinaba ng Office of the Ombudsman. Matatandaang ipinag-utos kamakailan ng Ombudsman ang pagsibak kay Bulsanueva, este, Villanueva kaugnay ng pagdispalko at maling paggamit sa kanyang pork barrel fund …

Read More »

Yolanda Ricaforte: Buhay pa o patay na?

NATATANDAAN n’yo pa ba si Yolanda Ricaforte, ang itinurong “bagman” ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa jueteng payola? Mahigit 12-taon na ang nakalilipas mula nang tumakas si Ricaforte palabas ng bansa at hanggang ngayon ay ipinalalagay na nagtatago siya sa batas. Si Ricaforte ay kasamang nakasuhan bilang isa sa mga co-accused ni Erap sa kasong plunder …

Read More »

‘Bibingka’ ni De Lima 7-taon inaalmusal, nilantakan ni dayan

MGA hangal ang nagsasabing kabastusan kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila De Lima ang pag-urirat sa kanyang immoral na relasyon kay Ronnie Dayan na dati niyang driver at ex-lover cum bagman. Kung karaniwang mamamayan lang na wala sanang puwesto sa gobyerno si De Lima ay maari pang matawag na pambabastos ang pagdiin sa kanyang sexcapade kay Dayan at sa …

Read More »

Kerwin ‘kakanta’ sa senado

MARAMI na namang mambabatas at mga opisyal sa pamahalaan ang kabado sa mga pasasabuging bomba ni Rolando “Kerwin” Espinosa, Jr., sa pagdinig ng Senado ngayong araw. Siguradong nangangatog sa takot ang mga opisyal na nakatakdang ikanta ni Kerwin sa imbestigasyon ng Senado na nakapaloob sa salaysay na kanyang sinumpaan sa PNP, dalawa raw dito ay kasalukuyang senador, mga congressman, mga …

Read More »

‘Napraning’ sa libing

NAILIBING na rin sa wakas si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos nitong nakaraang Biyernes sa Libingan ng mga Bayani na tinampukan ng seremonya at parangal na nauukol para sa isang naging sundalo at pangulo ng bansa. Nabigla at ‘napraning’ ang mga tutol sa pagpapalibing kay FM sa LNMB dahil nabalewala ang mga inihahanda nilang serye ng pambabastos at inoorganisang gimik …

Read More »

Tapat at matinong abogado si Acosta kahit Bar flunker

ITINANONG ni Ma. Milagros N. Fernan-Cayosa, ang representative o kinatawan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Judicial and Bar Council (JBC), kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta ang kanyang masasabi na base sa record ay wala raw naita-lagang mahistrado sa Korte Suprema na kung tawagin ay “bar flunker” o abogadong kumuha pero bumagsak sa bar examination. …

Read More »

Bakit si Marcos lang?

GINAGAWANG katatakutan ng mga tutol ang paglilibing kay dating Pang. Ferdinand E. Marcos (FM) sa Libingan ng mga Bayani (LNMB). Kulang na lang ay sabihin nila na isa-isa tayong pagmumultuhan ni FM kapag nailibing ang yumaong pangulo sa LNBM. Kaya lang ay masyado nang maunlad ang teknolohiya sa mundo kaya’t bibihira na ang naniniwala sa multo ngayon. Si dating Pang. …

Read More »

May ‘palabra de honor’ si Pang. Rody Duterte; ‘credit grabber’ si Erap

ULTIMO ba naman sa pagpapalibing kay yumaong dating Pang. Ferdinand E. Marcos ay gustong itanghal na bida ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada ang kanyang sarili. Pero bakit kung kailan tapos nang magpasiya ang Korte Suprema sa issue ay saka lamang tumahol at nagmagaling si Erap na kesyo sang-ayon siyang mailibing si FM sa Libingan ng mga …

Read More »

Selyado na ang issue sa paglilibing kay FM

NABIGONG makakuha ng pabor na desisyon sa Korte Suprema ang petisyon na inihain ng mga tumututol na maili-bing si dating Pang. Ferdinand E. Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNB). Siyam na mahistrado ng Supreme Court (SC) ang bumoto pabor sa pagpapalibing kay FM, lima ang tutol, at isa sa kanila ang nag-abstain o hindi lumahok. Hindi lumahok si Associate …

Read More »

Pagpatay kay Espinosa sabotahe sa kampanya ni PDU30 kontra droga?

TUMPAK ang sinabi ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na malaking kawalan ang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa para mahubaran ng maskara ang malalaking isda sa likod ng ilegal na droga sa bansa. Kaduda-duda ang kuwentong nanlaban at nakipagbarilan si Espinosa sa mga awtoridad na aaresto sa kanya sa loob mismo ng kanyang selda sa sub provincial. Maging …

Read More »

“Bonget” inilaglag ng idolong si Erap?

IBINASURA na raw ng Manila Prosecutor’s Office ang violation of the anti-cybercrime law na inihain ng abogado ng natalong vice presidential candidate at dating senador Ferdinand “Bonget” Marcos Jr., laban sa pitong empleyado ng Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic. Ang hindi lang tinukoy sa napalathalang balita ay kung sino ang prosecutor sa Maynila na humawak at nagbasura ng kaso …

Read More »