VIRAL ngayon sa social media ang pinaniniwalaang scam ng isang grupo ng mga Pinay na dumayo sa Japan. Nakunan ng video sa magkakahiwalay na lugar sa Tokyo ang ilang kababaihang Pinay na nanghingi ng ‘donasyon’ sa mga Hapones para umano sa mga biktima ng kalamidad sa Filipinas. Naitampok ng isang Japanese television ang aktuwal na kuha ng video habang isinasagawa …
Read More »‘Ilocos Six’ ‘collateral damage’ sa ‘power trip’
NAGBANTANG ipakukulong din ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos oras na hindi dumalo sa susunod na pagdinig ng House committee on good government and public accountability sa July 25 kaugnay ng imbestigasyon sa maanomalyang pagka-kabili ng P66.45 milyong halaga ng mga sasak-yan. Nanatiling nakadetine hanggang ngayon sa Kamara ang tinaguriang ‘Ilocos Six’ na …
Read More »Ban sa casino financiers maipatupad kaya ng PAGCOR?
IPAGBABAWAL na raw ang mga ‘financier’ at ‘loan sharks’ sa lahat ng mga casino at ga-ming facilities ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa buong bansa. Ayon kay Chairman Andrea Domingo, nagpalabas na siya ng advisory na sumasaklaw sa lahat ng casino, kabilang na ang bingo at e-games facilties na nasa superbisyon ng PAGCOR. Ang tinutukoy na financiers at …
Read More »Binay at Mercado nagkabati na raw
NAGKABATI na raw sina dating vice president Jejomar Binay at si dating Makati vice ma-yor Ernesto Mercado, ayon sa balita. Sino ang mag-aakala na may pag-asa pa palang magkasundo ang dalawa matapos magkalabasan ng mga itinatagong baho sa Senado, tatlong taon ang nakararaan? Ang hidwaan sa pagitan nina Binay at Mercado ay maituturing na isa sa pinakamalupit, kung ‘di man …
Read More »Bakasyon-grande si fiscal Togonon
NAGTALAGA na si Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre ng pansamantalang kapalit ni suspended chief Prosecutor Edward Togonon sa Maynila. Si Atty. Alexander Ramos, director of the DOJ’s Witness Protection Program, muna ang pumalit sa binakanteng puwesto ni Togonon. Sinibak si Togonon sa kaso ng 4 senior citizens na hinalang biktima ng modus na ‘tanim-droga’ ng mga tiwaling miyembro …
Read More »Napaso si Sen. Villar sa mainit na unli-rice
BUGBOG-SARADO sa netizens si Sen. Cynthia Villar kasunod ng kanyang panukala na dapat ipagbawal ang ‘unli-rice’ promo sa mga resto. Pero matapos mabansagang anti-poor sa social media ay mistulang napaso ng ma-init na unli-rice ang senadora at mabilis na kumambiyo ang senadora. Depensa ni Villar, wala raw siyang plano na magpasa ng batas para ipagbawal ang unli-rice. Ayon sa senadora, …
Read More »Hugas-kamay si Trillanes
NAHIHIBANG na yata si Sen. Antonio Trillanes IV nang tawagin niyang panggigipit ang direktiba ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa National Bureau of Investigation (NBI) na tugisin ang self-confessed death squad leader at retired police officer na si Arturo Lascañas. Inatasan ni Aguirre si NBI Director Dante Gierran na makipag-ugnayan sa Interpol para matunton si Lascañas. Ang direktiba ni …
Read More »Protégé ni De Lima sinuspendi sa kaso ng ‘tanim-droga?’
SUSPENDIDO na raw si City Prosecutor Edward Togonon habang iniimbestigahan sa kaso ng 4 senior citizens na pinaniniwalaang biktima ng ‘tanim-droga’ na ipinag-utos palayain ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II noong nakaraang buwan sa headquarters ng Manila Police District (MPD)? Hindi marahil kombinsido ang DOJ sa paliwanag ni Manila chief prosecutor Togonon kung bakit namalagi nang mahigit …
Read More »38 namatay sa RWM dahil sa ‘lockdown’
INAAKSAYA lang ng mga mambabatas ang panahon at pondo ng bayan kung wala naman silang batas na maipapasa para hindi na maulit ang malagim na insidenteng naganap sa pasugalang casino ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City noong nakaraang linggo. Ang mas importante ngayon ay masi-gurong mapapanagot ang management at exe-cutives ng RWM sa kanilang kasalanan, kaysa paglikha ng …
Read More »P6.4-B shipment ng shabu
NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang malaking shipment ng shabu noong nakaraang linggo sa lungsod ng Valenzuela. Base sa ulat, hindi bababa sa P6.4-B ang katumbas na halaga ng mahigit sa 100-kilo ng shabu na nabistong nakapalaman sa mga imported na piyesang gamit sa …
Read More »Sandiganbayan okey sa ‘delaying tactics’ ni Bong Revilla, et al
KINANSELA na naman ng Sandiganbayan First Division ang nakatakdang pagdinig sa kasong plunder ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., kahapon. Tiyak na ikinatutuwa ni Pareng Bong at ng kanyang mga abogado ang ika-anim na beses nang postponement sa paglilitis ng kanyang kaso sa Sandiganbayan. Ayon kay Associate Justice Efren Dela Cruz, muling ipinagpaliban ang pagdinig sa kaso base sa …
Read More »Wakasan ang terorismo ng Maute at mga bandido
NAGPAMALAS ng tunay na pagpapahalaga sa kapakanan ng bansa at mamamayan si Pres. Rodrigo R. Duterte nang isantabi muna ang ilang araw na pagbisita sa bansang Russia. Kaysa tapusin ang mahalagang pakay sa Moscow ay mas importante kay Pres. Digong na unahin munang harapin ang malaking problema ng karahasan at lagim na inihahasik ng mga bandido at tero-ristang grupo ng …
Read More »“On the rocks!”
‘YAN ang eksaktong pamagat ng blind item sa napalathalang kolum ng paboritong barangay official ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada tungkol sa “sex scandal” ng isang dating vice mayor at anak na babae ng malaking politiko sa Metro Manila, tatlong taon ang nakararaan. Minarapat nating itampok ng buo ang nilalaman ng nasabing kolum – walang labis at …
Read More »Mambabatas na naghudas kay Chief Justice Corona paiimbestigahan ng DoJ
SAKOP ng isasagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam ang mala-king sabwatan sa pagitan ng administrasyon ni dating Pang. Noynoy Aquino at ng mga mambabatas para mapatalsik si dating Supreme Court (SC) chief justice Renato Corona sa puwesto noong 2012. Matatandaang inamin ni dating senador Jinggoy Estrada, anak ni ousted president at convicted …
Read More »Patibong ni Alejano kinagat ng Kamara
NAGHIHIMUTOK si Magdalo party-list Rep. Gary Alejano sa pagka-kabasura ng impeachment complaint na kanyang inihain laban kay Pang. Rodrigo R. Duterte sa Kamara. Pagkatapos na hindi lumusot at mabigong makakuha ng suporta sa House Committee on Justice ay nagbanta si Alejano na idudulog sa International Criminal Court (ICC) ang naibasurang reklamo at tutularan ang kagaguhang ginawa ng dalawang ‘testigo-palso’ na …
Read More »Togonon, pinagpapaliwanag ni DoJ Sec. Aguirre sa kaso ng ‘secret detainees’ sa MPD
PANIBAGONG kaso na naman ng ‘serious illegal detention’ ang kakaharapin ng ilang opisyal at tauhan ng Manila Police District (MPD) sa kaso ng apat na pinaniniwalaang biktima ng ‘tanim-droga’ na ipinag-utos palayain ni Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II noong nakaraang linggo. Pinagpapaliwanag ni Aguirre si Manila chief persecutor, ‘este, chief prosecutor Edward Togonon kung bakit ikinulong ng …
Read More »Imelda, ‘pinatay’ ni Lani Mercado
BUHAY na buhay pa ang biyuda ni yumaong Pang. Ferdinand E. Marcos na si dating first lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos nang dumalo sa pinakahuling plenary session ng Kamara kamakalawa. Ikinabigla ng marami ang masamang balita matapos mabasa ang pakikiramay mula sa personal Twitter account ni dating congresswoman Lani Mercado, ang maybahay ni dating senator Ramon …
Read More »Maraming Manileño ang nakapagtapos dahil kay Mayor Lim
SI Ramil Comendador, ang 35 anyos na dating janitor at legal researcher sa Commission on Elections (Comelec), ay kabilang sa mga nakapasa sa 2016 bar examination at isa na ngayong ganap na abogado. Kahit pamilyado at may trabaho ay sinikap ni Comendador na isabay ang pag-aaral at hindi siya nabigo na makapagtapos ng kursong abogasya sa Unibersidad de Manila (UDM). …
Read More »Walang modo si Tito Sotto
GINALIT na naman ni Sen. Tito “Eat Bulaga” Sotto ang publiko sa pambabastos kay Social Welfare Sec. Judy Taguiwalo sa ginanap na confirmation hearing ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA), kamakalawa. Paborito nga talagang tularan ni Sotto ang idolong si ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada pagda-ting sa kawalan ng proper decorum o kaganda-hang-asal. Matatawag na verbal abuse …
Read More »Alamat si Mayor Lim ng law-enforcement
UNANG umalingawngaw ang pangalan ni Mayor Alfredo Lim sa buong bansa noong dekada ‘80 nang kanyang ipasara ang mga prente ng prostitusyon sa lungsod ng Maynila. Hinangaan nang marami ang pagiging no-nonsense ni Gen. Lim pagdating sa pagpapatupad ng batas bilang antigong produkto ng Manila’s Finest at dating hepe ng noo’y Western Police District (WPD). Ipinasara ni Lim ang mga …
Read More »“Tokhang for ransom” at MPD ‘secret dungeon’
NANGAKO si Pang. Rodrigo R. Duterte noong Biyernes na paiimbestigahan ang nadiskubreng “secret jail” sa Station I ng Manila Police District (MPD). Sa sorpresang inspeksiyon ng Commission on Human Rights (CHR) noong Huwebes ng gabi, bumulaga sa media ang isang ‘secret dungeon’ o lihim na bartolina ng MPD sa Tondo na natatakpan ng isang aparador. Magkakasamang tumambad mula sa secret …
Read More »10 OFW pinauwi na; 38 stranded pa rin sa Riyadh, Saudi
MULING lumiham sa inyong lingkod si G. MICHAEL DAVID, isa sa 48 OFWs na sampung buwan nang stranded sa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia. Ayon kay G. David, sampu sa kasamahan nilang stranded doon ang napauwi na ng recruitment agency dito noong nakaraang linggo. Nakasaad naman talaga sa standard contract ng mga OFW na kapwa pinapanagot ang mga tanggapan ng …
Read More »Erap, buang!
TINAWAG na buang (as in buwang o sira-ulo) ni Pang. Rodrigo R. Duterte si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada sa mismong kaarawan niya noong nakaraang Miyerkoles. Bago dumalo sa engrande at maluhong piging na inihanda ni buang sa Manila Hotel, sinariwa muna ni Pang. Digong ang mga paninira, pang-iinsulto at panlalait sa kanya ni Erap noong kampanya …
Read More »Bayarang ‘opinyon’ ng tabloid cum ‘PR’ na ‘Hunya-ngo’ Bros.
HINDI pa pala maka-move on hanggang ngayon ang mag-utol na ‘publisher’ ng isang weekly tabloid matapos nating ibulgar ang kanilang modus, ilang taon na ang nakararaan. Mula noon ay apektado na ang ‘raket’ ng magkapatid na ‘hunya-ngo’ kaya nahirapan na silang makasilo ng mga malolokong opisyal sa pamahalaan at mayayamang negosyante na kanilang mapeperahan. Ipinagpapatuloy pa rin ng dalawang hindoropot …
Read More »48 stranded OFWs sa Riyadh, inilihim ng POLO kay PDU30
TIYAK na may mga humaharang upang hindi makarating sa kaalaman ni Pres. Rodrigo R. Duterte ang nalathala nating kolum noong nakaraang Miyerkoles (April 12) tungkol sa kalagayan ng 48 stranded OFWs sa Riyadh, Saudi Arabia. Kaya naman ang 48 OFW na sampung buwan nang stranded sa Riyadh ay hindi napabilang sa mahigit 100 OFW na kasamang umuwi ni Pres. Digong …
Read More »