Friday , November 22 2024

Percy Lapid

Raket sa BOC gamit ang SPD

customs BOC

ISANG uri ng kawalanghiyaan na hindi pamilyar sa pandinig ng marami ang malaking panunuba sa cement importation para palusutan sa pagbabayad ng kaukulang storage fee ang Bureau of Customs (BOC). Bukod pala sa pandaraya ng freight cost o halaga ng timbang na ibinulgar ni dating Commissioner Nicanor Faeldon ay posibleng malaki rin ang lugi ng pamahalaan sa storage fee na …

Read More »

Lumaya na sa hawla si Jinggoy; mga kosa sa Plunder, next na!

NAGKATOTOO ang matagal nang umuugong na usap-usapan na makalalaya si dating senador Jinggoy Estrada sa hawla na nabilanggo sa no bail o walang piyansa na kasong pandarambong (plunder). Ibig sabihin ay susunod na ang mga classmate at kapwa akusado sa pork barrel scam na sina dating senador Bong Revilla, Janet Lim Napoles, Gigi Reyes at iba pa sa kaparehong dahilan. May nag-aalboroto na …

Read More »

Desentonadong investigation sa Senado in aid of destab

WALA na sa tono ang mga isinasagawang imbestigasyon ng Senado na nag-ugat sa P6.4-B shipment ng illegal drugs na ipinuslit sa Bureau of Customs (BoC) at nasabat noong Mayo sa Valenzuela City. Imbes paglikha ng batas ay tila ‘in aid of destabilization’ na ang pakay ng imbestigasyon ng Senado. Kaya naman nasa-sabotahe at naaantala ang pag-usad ng mga kasong dapat isampa …

Read More »

Pinag-iinitan si Mocha

BINOBOMBA si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pagsasayaw niya sa Bar 360 ng Resorts World Manila (RWM) tuwing Martes. May batas kasi na ipinagbabawal sa sinomang opisyal at empleyado ng gobyerno ang pumasok sa mga casino na nakasaad sa Presidential Decree No. 1067-B (series of 1977), as amended by PD No. 1869 (series of …

Read More »

Ibalik si Erap sa kulungan!

SAKTONG sampung taon na sa Martes (Sept. 12) nang ibaba ang hatol kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada matapos mapatunayang siya ay guilty sa kasong pandarambong ng Sandiganbayan. Noong September 12, 2007, si Erap ay pinatawan ng parusang reclusion perpetua, katumbas ng 40-taong pagkabilanggo. Bilang accessory penalty sa naging hatol kay Erap, ipinasasauli rin sa kanya ng …

Read More »

Ebidensiya sa DAP isinumite sa DOJ

NANAWAGAN ang grupo ni dating Manila Councilor Greco Belgica sa Department of Justice (DOJ) na imbestigahan ang maanomalyang proyekto na pinondohan sa ilalim ng Development Acceleration Program (DAP). Nagsumite ng mga ebidensiya si Belgica na nagamit sa nakaraang administrasyon ang ilang programa na pinondohan ng DAP na nauna nang naideklarang ilegal at unconstitutional ng Korte Suprema. Pinaiimbestigahan din ng grupo …

Read More »

Customs inialok na pero tinanggihan ni Fred Lim

HINDI marahil naging director ng National Bureau of Investigation (NBI), secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG), senador at alkalde ng Lungsod ng Maynila si Mayor Alfredo Lim kung tinanggap niya noon ang alok na maging hepe ng Bureau of Customs (BOC). Walang kamalay-malay si Maj. Gen. Lim na nakatakda pala siyang italaga bilang hepe ng Customs kasunod …

Read More »

Beloved Pres. Digong: Reklamo vs Filinvest natetengga sa HLURB

LUMIHAM ang OFW na si G. Albert dela Rama tungkol sa problema na kanyang idinulog sa Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) laban sa Filinvest Development Corp. Ayon kay G. Dela Rama, binawi sa kanya ng Filinvest ang house and lot sa Valle Dulce Subdivision sa Bgy. Bubu-yan, Calamba, Laguna na tatlong taon niyang hinuhulugan. Hanggang ngayon ay hindi …

Read More »

Sen. Ping Lacson: “ALL RIGHT, SIR?”

KAY Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson bumalandra ang kanyang ‘expose’ sa Senado ng ‘tara system’ sa Bureau of Customs (BOC). Sa isang press conference noong Huwebes ay bumuwelta si outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at ibinulgar ang anak ng senador na si Panfilo “Pampi” Lacson, Jr., sa technical smuggling ng imported cement sa bansa. Base sa official documents na inilabas ni Faeldon, …

Read More »

Hamon sa MMDA chief: Salot na illegal terminal sa Plaza Lawton, buwagin

INALMAHAN ng mga bus company ang pagsasara ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga terminal sa EDSA, Quezon City. Kasama ang kanyang mga kawal sa MMDA, pinangunahan ni dating Army general at ngayo’y Chairman Danilo ‘Danny” Lim ang paglusob sa mga ipinasarang terminal ng ES Transport Inc., Lucena Lines Inc., Amihan Bus Lines Inc., First North Luzon Transit Inc., …

Read More »

May drugs money ba sa “demolition job” laban kay Faeldon?

PINABILIB na naman tayo ni beloved Pres. Rodrigo “Digong” Duterte na mas pinili ang manindigan sa katapatan ni Commissioner Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Customs (BOC). Sa kanyang talumpati kahapon sa Ozamiz City, muling idiniin ni Pres. Digong na nananatiling buo ang kanyang tiwala kay Faeldon at tinawag na honest man. Tama si Pres. Digong, nalusutan si Faeldon …

Read More »

Taguba, Chinese financiers and Company ikulong agad!

NAGSAMPA na kahapon ng kaso sa Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga nasa likod ng nasabat na P6.4-B shipment ng shabu sa Valenzuela City. Kinasuhan ng paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga Taiwanese nationals na sina Chen I. Min at Jhu Ming Jyun; Chinese nationals Chen Ju Long (aka Richard …

Read More »

Walang delicadeza si Sen. Ralph Recto

IPINAGPIPILITAN ng mga mambabatas na idiin ang pagsibak kay Commissioner Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) para maisalba ang sindikato na nagpasok ng P6.4-B shipment ng shabu sa bansa. Hindi magkandatuto si Sen. Ralph Recto at ang ibang mambabatas kung paano bibilugin ang ulo ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte para sibakin si Faeldon sa puwesto bilang hepe ng Customs. …

Read More »

Ang ‘Narco-Politics’ at si Kenneth Dong

UMAMIN ang ilang senador na tumanggap ng campaign funds mula sa suspected bigtime illegal drugs trafficker na si Kenneth Dong, ang itinuturong “middleman” sa importasyon ng P6.4-B shipment ng illegal drugs na nasabat sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo sa Valenzuela City. …

Read More »

‘Nakarma’ si Bautista

IKINANTA ng sariling maybahay si Chairman Andres Bautista na nagkamal ng mahigit P1-B gamit ang puwesto sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Commission on Elections (Comelec). Hindi akalain ni Bautista, sa patong-patong na kaso pala hahantong ang personal na sigalot nilang mag-asawa matapos lumantad ang maybahay na si Patricia at isapubliko ang mga nakatagong ‘Lihim ng Guadalupe.’ Malabong …

Read More »

Taguba, protektado ng mga mambabatas?

MAPALAD ang mga nasa likod ng P6.4-B shabu smuggling na nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) noong buwan ng Mayo sa Valenzuela City. Si Mark Danny Taguba, ang broker-importer na umaming lumakad at nagpalusot ng nasabat na shabu shipment, ay pagkakalooban ng “legislative immunity from …

Read More »

Kinuyog si Faeldon ng ‘Padrino system’

KUNG makasigaw ang mga nananawagan sa pagbibitiw ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ay para bang magugunaw na bukas ang Filipinas sa kaso ng P6.4-B shipment ng shabu na nasabat sa lungsod ng Valenzuela noong buwan ng Mayo. Daig pa ng mga nag-iimbestigang mambabatas sa Senado at Kamara ang mga artista kung umarte at akala mo’y mga walang …

Read More »

Justified ang raid ng PNP sa Ozamiz dahil Martial Law

MARAMI na namang nagmamagaling na kumukuwestiyon sa madugong insidente na ikinasawi ni Mayor Reynaldo Parojinog Sr., at 14 pa nitong Linggo ng madaling-araw sa Ozamiz City. Kabilang diyan si ‘Batorni’ este, Atty. Ferdinand Topacio, ang tumatayong abogado ni Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog na anak ng napaslang na alkalde. Kamakailan lang ay tumayong abogado si Topacio ng mga …

Read More »

Illegal terminal sa Plaza Lawton bawal kotongan

PATUNAY na talagang ugat ng krimen ang illegal terminal na pinatatakbo ng sindikato sa Plaza Lawton sa Maynila na malimit nating itampok sa pitak na ito, tatlong miyembro ng Manila Police District (MPD) na naaktohang nangongolekta ng “TONG” ang nadakip ng mga kapwa nila pulis, kamakailan. Huli sa ikinasang entrapment ng Philippine National Police Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) si …

Read More »

OFWs pinagagalit laban kay Digong

IGINAGAWA nang kaaway si beloved Pres. Rodrigo R. Duterte nang ilan sa kanyang mga naitalaga sa puwesto. Tila sinasadya nang ilan sa mga pinagtiwalaan pa man din ng pangulo, na magpatupad ng mga patakaran na ikagagalit nang marami kay Pang. Digong. Noong una, ipina-ngalandakan ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III na wala raw babayaran ni isang …

Read More »

‘Script’ sa Manila Bay clean-up drive ni erap palpak na, sumabit pa!

PAGKATAPOS ulanin ng katakot-takot na banat ng netizens sa social media ang kinathang script ng kanyang mga estupidong tauhan sa Manila City Hall, sinabi ni ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap’ Estrada na sabotahe raw ang pumalpak na eksena ng clean-up drive sa Manila Bay noong nakaraang linggo. Weh, ‘di nga? May gano’n talaga? Throwback nga muna tayo sa …

Read More »

P5-M sa ‘motion to bail’ ng Koreano, idinidiga ni ‘atorni’ sa BI at DoJ

  POSIBLENG makatakas palabas ng bansa si Kang Tae Sik, ang Korean national na iniuugnay bilang utak sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Jee Ick-joo noong nakaraang taon. Ito ay sakaling magtagumpay ang alok na P5-M suhol kapalit umano ng pansamantalang paglaya ni Tae Sik mula sa dentention cell ng Bureau of Immigration (BI) sa Bicutan. Kasalakuyang ginagapang ng …

Read More »

‘Dasalasa non-sense’ si prosec Togonon?

  NAGPASAKLOLO sa Court of Appeals (CA) ang dating Manila chief prosecutor Edward Togonon na kamakailan ay sinuspendi ng Department of Justice (DOJ). Matatandaang si Togonon ay nasibak sa puwesto kaugnay ng 4 senior citizen na hinihinalang biktima ng ‘tanim-droga’ at nakulong ng anim na buwan sa headquarters ng Manila Police District (MPD) sa kabila na ang inihaing kaso ay …

Read More »

Orbos-Chinese dinner sa isang 5-star hotel

  LUNES ng gabi (July 10), natiyempohan ng ilang impormante si da-ting Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general ma-nager Tomas “Tim” Orbos sa isang 5-star hotel sa Maynila. Inakala ng ating mga espiya na may mahalagang pagtitipon na dadaluhan si Orbos bilang guest speaker o kaya’y special guest ng isang okasyon sa naturang hotel. Pero laking gulat ng ating mga …

Read More »

Local execs na umaayuda sa Maute, suspendehin din

  TINANGGALAN ng poder sa pulisya ang ilang lokal na opisyal sa Mindanao na suspetsang tumutulong sa mga bandidong kriminal at mga terorista. Tinukoy na dahilan sa Resolutions No. 2017-334 at No. 2017-335 ng National Police Commission (Napolcom) ang pagkakanlong at pagbibigay ng “material support” sa mga elementong kriminal, kasama ang teroristang grupo ng Maute na sumalakay sa Marawi City …

Read More »