KAAGAD nakabalik sa dating bangis at angas ang San Beda Red Lions nang lapain ang College of St. Benilde Blazers habang nakaiskor sa wakas ng unang panalo ang Letran Knights kontra Emilio Aguinaldo College Generals, 83-80 sa umaatikabong NCAA Season 93 kahapon sa San Juan. Kagagaling sa mapait na pagkatalo kontra Lyceum noong nakaraang linggo, ibinuhos ng Red Lions …
Read More »Tatlong sunod na panalo para sa Gilas
RUMEKTA ang Gilas Pilipinas sa ikatlong sunod na panalo matapos idispatsa ang Japan, 100-85 sa umiinit na 39thWilliam Jones Cup kahapon sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan. Tabla sa 66 papasok ng huling kanto, rumatsada ang Gilas sa pambihirang 34-19 panapos na bomba upang iangat ang kanilang kartada sa 3-1 matapos ang katangi-tanging pagkatalo sa Canada sa unang laban. …
Read More »PBA players sa Gilas aprub na
MASASAKSIHAN ng buong mundo ang kompleto at kargadong Gilas Pilipinas sa paparating na FIBA Asia Cup. Ito ay matapos pumayag nang tuluyan si Commissioner Chito Narvas at ang Philippine Basketball Association sa pagpapahiram ng mga manlalaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas para solidong makasagupa sa mga karibal sa Asya. Inianunsiyo ng PBA kahapon ang magandang balita ng kanilang buong …
Read More »NBA free agency gumulong na
SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata. Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David West. Pumirma ng tatlong taon si Livingston para …
Read More »Ancajas tagumpay sa IBF title defense sa Pacquiao-Horn undercard
PINATUMBA ni Filipino protégé Jerwin Ancajas si Teiru Kinoshita ng Japan sa ikapitong round upang tagumpay na maidepensa ang kanyang IBF super flyweight belt sa undercard ng Battle of Brisbane sa pagitan ni Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Australia kahapon. Panay bodega ang banat ng 26-anyos na si Ancajas sa karibal na Hapon na nagpasuko rito. …
Read More »Pacquiao bukas sa rematch kontra Mayweather
KUNG mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, hindi aniya mag-aautubili si Manny Pacquiao na sagupain muli sa ibabaw ng lona ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. Ito ang inihayag ng Pambansang Kamao sa Yahoo Sports sa ginanap na press conference sa Australia para sa WBO welterweight na sagupaan nila sa 2 Hulyo na binansagang Battle of Brisbane. Ngunit ito ay kung …
Read More »Paras, Parks at Ravena babandera sa Gilas sa SEAG
PANGUNGUNAHAN ng mga bata ngunit palabang manlalaro na sina Kobe Paras, Kiefer Ravena at Rayray Parks Jr., ang Pambansang Koponan na Gilas Pilipinas sa paparating na Southeast Asian Games sa 19-30 Agosto sa Kualu Lumpur, Malaysia. Ito ang anunsiyo kahapon ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Makakasama nila ang mga kadete ng Gilas na ngayon …
Read More »Red Robins, kampeon sa Filoil Juniors
MATAPOS pagharian ang NCAA Juniors Season 92 noong nakaraang taon, sinunod kobrahin ng Mapua-Malayan Red Robins ang Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kahapon sa San Juan. Naiiwan sa 62-59 papasok ng huling kanto, nagpakawala ang Red Robins ng 30-20 panapos na bomba para pabagsakin ang Ateneo Blue Eaglets, 89-82 sa high school Finals ng premyadong pre-season tournament ng bansa. …
Read More »Paul at Griffin susubok sa free agency
HINDI na tatapusin nina Chris Paul at Blake Griffin ang huling taon ng kanilang kontrata sa Los Angeles Clippers para subukan ang free agency sa NBA off season na magsisimula sa 1 Hulyo. Dahil sa opt out sa kanilang huling taon, maaaring mamili sina Gritfin af Paul ng mga koponang liligaw sa kanila bilang unrestricted free agents kapag nagsimula ang …
Read More »George gustong maging Laker sa 2018
MAPAPASO ang kontrata ni Indiana superstar Paul George sa 2018, ngunit ngayon pa lang ay napaulat na ipinagpaalam niya sa Pacers management ang kanyang napipintong paglipat sa Los Angeles Lakers. Hindi na pipirma ng bagong kontata si George at tatapusin na lamang ang paparating na 2017-2018 NBA season sa India-na Pacers bago rumekta papuntang California upang matupad ang pangarap na …
Read More »Castro player of the week
DAHIL sa pamamayani sa Game 4 panalo at pagbuhat sa TNT tungo sa PBA Commissioner’s Cup Finals, pinarangalan si KaTropa Jayson Castro bilang Player of the Week para sa 13-18 Hunyo. Pumupog si Castro ng halimaw na 38 puntos, 11 assists at 7 rebounds upang pa-ngunahan ang TNT sa 122-109 panalo kontra Barangay Ginebra Gin Kings noong nakaraang Sabado at …
Read More »Celtics, Sixers nagpalitan ng draft picks
NAKATAKDANG sikwatin ng Philadelpia 76ers ang #1 pick mula sa Boston Celtics kapalit ang 3rd pick nito sa pagpapatuloy ng off-season at habang papalapit ang NBA Draft. Ayon kay David Aldridge ng TNT, nagkasundo ang Boston at Philadelpia sa prinsipyo ng naturang trade ngunit sa Lunes pa maisasapinal dahil gusto munang makita ng Sixers mismo ang personal workout ng potential …
Read More »Ward pinataob si Kovalev sa rematch
PINATUNAYAN ni Andre Ward na hindi tsamba ang kanyang unang panalo nang patumbahin ang karibal na si Sergey Kovalev sa light heavyweight title rematch kahapon sa Las Vegas, Nevada. Napanitili ng Amerikanong si Ward ang kanyang WBO, IBF at WBO light heavyweight belts na naipanalo niya rin sa unang unification bout nila ng Russian na si Kovalev noong Nobyembre. Dinale …
Read More »Racela at 5 players pinagmulta ng PBA
PINATAWAN ng multa ng Philippine Basketball Association si TNT Katropa head coach Nash Racela at 5 pang ibang manlalaro sa kalilipas na PBA Commissioner’s Cup semifinals. Nagmulta ng P7,500 si Racel dahil sa hindi angkop na kilos nang ireklamo niya ang hindi natawagang goal tending ni Justin Brownlee sa tira ni Joshua Smith sa Game 2 ng kanilang serye. Bagamat …
Read More »Warriors kampeon (Durant, finals MVP)
INABOT ng 10 taon ngunit sa wakas ay nahagkan na rin ni Kevin Durant ang kanyang ina-asam-asam na kampeonato matapos ang pambihirang 129-120 panalo sa Game 5 upang tapusin ng Golden State Warriors ang serye, 4-1 at mabawi ang trono mula sa Cleveland Cavaliers sa 2016-2017 NBA Finals kahapon sa Oracle Arena. Pumupog si Durant ng 39 puntos, 7 rebounds …
Read More »Ika-10 French Open title pinalo ni Nadal
MARAHIL 10 ang magic number ng Espanyol na si Rafael Nadal ngayong taon. Isang buwan lamang matapos ibulsa ang kanyang ika-10 titulo sa Monte Carlo at Barcelona, narito at isinukbit din niya ang pambihrang ika-10 korona sa Rolland Garros. Winalis ni Nadal ang Swiss na si Stan Wawrinka, 6-2, 6-3, 6-1 sa Finals ng French Open kamakalawa para ibulsa ang …
Read More »Mallillin lipat-bakod mula La Salle pa-Ateneo
MULA Taft hanggang Katipunan. Lumipat mula sa De La Salle Green Archers ang dating NCAA Juniors MVP na si Troy Mallillin patungong Ateneo De Manila University Blue Eagles. Nakita ang dating manlalaro ng La Salle Green Hills sa panig ng Ateneo Blue Eagles sa nakaraang laro sa Filoil Flying V Pre-Season Premier Cup at kalaunan kinompirma ito mismo ni Mallillin. …
Read More »Cavs, Warriors game 5 ngayon (Isa pa o kampeonato na?)
TATANGKAING dumalawang sunod ng Cavaliers at makahirit pa ng Game 6 samantala hahangaring tapusin ng Warriors ang serye sa muli nilang sagupaan ngayon sa Game 5 ng 2016-2017 NBA Finals sa Oracle Arena sa Golden State. Nakahinga noong Game 4 dahil sa 137-116 panalo para maputol ang pagkakaiwan sa 3-1, sasandal muli ang Cleveland sa Big 3 nitong sina LeBron …
Read More »PATAFA, nagbigay ng kondisyon kay Tabal (Para makabalik sa national pool)
MAKABABALIK si 2016 Rio Olympian Mary Joy Tabal sa national training pool, iyon ay kung susunod siya sa mga kondisyon ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA). Nitong nakaraang linggo, magugunitang inalis si Tabal sa pool dahil aniya sa pagtangging magsanay kasama ang ibang mga atleta ng PATAFA bagkus ay nasa ibang bansa kasama ang mga personal coaches para …
Read More »Dillinger at ibang Ginebra player nagkasagutan sa social media
MAAANGHANG na salita ang binitiwan ni Jared Dillinger ilang sandali matapos matalo ang Meralco Bolts sa TNT KaTropa sa kanilang do-or-die Game 3 sa PBA Commissioner’s Cup quarterfinals kamakalawa. “That was one tough. Hats off to TNT for sticking it out. Beat Ginebra. I cant stand those guys,” matalas na pahayag ni Dillinger sa koponan ng Gin Kings na makasasalpokan …
Read More »Alas, Amer papalit kay Guinto at Grey sa Gilas pool
NAKATAKDANG palitan nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Baser Amer ng Meralco Bolts sina Bradwyn Guinto at Jonathan Grey sa Gilas Pilipinas training pool. Kinompirma ito ni coach Chot Reyes kamakalawa sa nangyaring trade sa pagitan ng maraming koponan noong nakaraang buwan. Ang dating nasa Gilas pool na si Guinto mula NLEX at Grey mula Meralco ay pareho …
Read More »Marinero umeskapo sa Cignal (Zarks nilamon ng Racal)
NILUNOK nang buong-buo ng Racal Motors ang Zark’s Jawbreakers, 140-90 habang pinitas ng Marine-rong Pilipino Seafarers ang Cignal Hawkeyes sa umaatikabong PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Umariba sa 38-20 sa unang kanto, ‘di na muling nilingon ng Racal ang Zark’s tungo sa kanilang ikalawang panalo sa Foundation Cup upang makasosyo sa Flying V …
Read More »PH Azkals pinaamo ng China sa friendly
PUMUROL ang pangil at naglaho ang bangis ng Philippine Azkals nang paamohin ng China sa kanilang friendly match, 8-1 sa Tianhe Stadium, Guangzhou kamakalawa ng gabi. Binulaga ng mga Tsino ang Pinoy sa mabilis na 2-0 goals sa unang mga minuto at ba-gamat nakabalik ng isang goal si Misagh Bahadoran sa ika-34 minuto ay nagbigay ng isa pang puntos sa …
Read More »Warriors binitbit ni Durant sa 3-0 abanse
ISINALPAK ni Durant ang 7 dikit na puntos mula sa 11-0 panapos ng Golden State kabilang ang pambaong tres sa huling 45 segundo upang wasakin ang pag-asa ng Cavaliers, 118-113 at ipinoste ang pinakamaha-lagang 3-0 bentaha sa kanilang umaatikabong 2016-2017 NBA Finals showdown sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio kahapon. Naiiwan sa 107-113 sa huling dalawang minuto, kinarga ni …
Read More »‘Pinoy Aquaman’ Macarine, lumangoy ng 23 KM para sa kapayapaan sa Mindanao
SINUONG ng abogado at triathlete na si Ingemar Macarine ang malawak na karagatan, malamig na tubig at malakas na hangin upang manawagan para sa kapayaan sa Mindanao, partikular sa Marawi na kasalukuyang may nagaganap na digmaan sa pagitan ng Militar at ng Maute Group. Binansagang ‘Pinoy Aquaman’ sa mga paglangoy niya upang ikalat ang adhikain na protektahan ang kalikasan lalo …
Read More »