Friday , December 9 2022

Mallillin lipat-bakod mula La Salle pa-Ateneo

MULA Taft hanggang Katipunan.

Lumipat mula sa De La Salle Green Archers ang dating NCAA Juniors MVP na si Troy Mallillin patungong Ateneo De Manila University Blue Eagles.

Nakita ang dating manlalaro ng La Salle Green Hills sa panig ng Ateneo Blue Eagles sa nakaraang laro sa Filoil Flying V Pre-Season Premier Cup at kalaunan kinompirma ito mismo ni Mallillin.

Magugunitang nilisan niya ang La Salle noong nakaraang buwan kahit pa nakapaglaro na rito nang ilang pre-season games at napaulat na patungong España upang maglaro para sa University of Sto. Tomas.

Pumupog si Mallillin ng pambihirang 19.9 puntos at 9.3 rebounds para sa La Salle Green Hills noong nakaraang taon para sa prestihiyosong MVP SA NCAA Juniors Division. (JBU)

About John Bryan Ulanday

Check Also

David Elorta open kitchen Chess

Mga bagong mukha sa PCAP Grand Finals, Negros, Pasig magtutuos

MATAPOS ang dalawang buwang elimination phase at playoffs ay magtutuos ang Negros Kingsmen at Pasig …

Chito Rivera COPA SLP Fred Ancheta TOPS

SLP, COPA magkaisa para sa kaunlaran ng sports

NAGKAKAISA ang mga lider ng Swim League Philippines (SLP) at Congress in Philippine Aquatics, Inc. …

120922 Hataw Frontpage

Sa 2022 World Weightlifting Championships
3 GINTONG MEDALYA HINAKOT NI HIDILYN

HINAKOT ni Weightlifting champ Hidilyn Diaz ang tatlong Gintong Medalya sa katatapos na World Weightlifting …

Antonella Berthe Murillo Racas Chess PAPRISA

WNM Racasa nagkampeon sa PAPRISA chess meet

MANILA — Pinatunayan ni Woman National Master Antonella Berthe Murillo Racasa na isa sa country’s …

Kim Steven Yap

Manny Pacquiao International Open Chess Festival tutulak sa 13 Disyembre

MANILA — Ang pinakamalaking chess competition sa bansa, ang Maharlika Pilipinas Chess League (MPCL) tampok …

Leave a Reply