Monday , December 5 2022

Ginebra reresbak sa TnT (Game Two)

NAGHAHANAP  ng pangontra o panapat ang Barangay Ginebra kay Joshua Smith para  makatabla sa TNT Katropa sa Game Two ng  best-of-five semifinals ng PBA Commissioner’s Cup 7:00 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 100-94 sa Game One noong Linggo kung saan nag-astang halimaw ang 330-pounder na si Smith na gumawa ng 35 puntos, 13 rebounds, apat na assists at dalawang steals.

Hindi napigilan ng nga tulad nina Japhet Aguilar, Dave Marcelo at Joe DeVance si Smith. At dahil dito ay namiyesta ang TNT Katropa import sa shaded area samantalang nalibre naman sa labas ang mga shooters ni coach Nash Racela.

Sinabi ni Racela na inasahan na niya na mangyayari ito dahil sa hindi naman mabagal si Smith at kaya niya ang sinumang dedepensa sa kanya.

“Ïf you give him the playing time, he will deliver,” ani Racela patungkol kay Smith na naglaro lang ng 28 minuto. Gumawa siya ng 29 puntos sa second half.

Natulungan siya ng rookie na si Ro-ger Pogoy na nagtala ng 17 puntos at Ranidel de Ocampo na gumawa ng 12.

Ang iba pang inaasahan ni Racela ay sina Jayson Castro, Kelly Williams, Moala Tautuaa at Troy Rosario.

Tiyak namang ihahanda ni coach Tim Cone ang kanyang mga bata para sa resbak upang maitabla ang serye.

Malabo pa ring paglaruin ni Cone ang seven-footer na si Greg Slaughter bagama’t ito ay nakapag-ensayo na at nagsuot ng uniporme sa Game One.

Kailangang doblehin ni Ginebra import Justin Brownlee ang kanyang pagpupunyagi upang matulungan ang Gin Kings. Si Brownlee ang leading contender para sa Best Import award subalit maglalaho ito kapag hindi nakarating sa Finals ang Barangay Ginebra.

Sa Game One, si  Brownlee ay gumawa ng 24 puntos, 14 rebounds, anim na assists at  dalawang steals sa 43 minuto.

Nakatulong ni Brownlee sina LA Tenorio (15 puntos), Aguilar (15), DeVance 10 at Kevin Ferrer (10).

Ang magwawagi sa duwelong ito ay makakalaban ng mananalo sa kabilang semifinal series sa pagitan ng Star Hotshots at San Miguel Beer  sa best-of-seven championship round.

(SABRINA PASCUA)

About Sabrina Pascua

Check Also

TOPS PSC Noli Eala

TOPS officers nanumpa kay PSC Chairman Eala

MAHALAGANG mapanatili ang koordinasyon at pagkakaisa sa pagitan ng mga mamamahayag at ng Philippine Sports …

1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup

Mayor Biazon Swim Cup nagtala ng kasaysayan

UMABOT sa 1,200 swimmers ang kompirmadong lalahok sa 1st Mayor Ruffy Biazon Swim Cup na …

Joey Antonio Marlon Bernardino Antonella Berthe Murillo Racasa

Antonio, Bernardino, Racasa lalahok sa Auckland, New Zealand chessfest

MANILA — Nakatakdang lumahok sina Grandmaster Rogelio “Joey” Madrigal Antonio, Jr., National Master Almario Marlon …

Rogelio Banjo Barcenilla Jr Chess

GM Barcenilla panalo sa blitz

MANILA — Panalo ang Laguna Heroes sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online …

benjamin bauto Chess

Sebastian nagkampeon sa Bustamante Open chess tournament

ni Marlon Bernardino MANILA — Nakaungos sa tie break points si Ronnie Sebastian ng Talavera, …

Leave a Reply