Saturday , December 21 2024

Joe Barrameda

I Can See You, ‘di lang puro pag-iibigan

HINDI lang tungkol sa pag-iibigan sa panahon ng pandemya ang bagong seryeng I Can See You: Love On The Balcony na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.   Kuwento ni Jasmine na gumaganap bilang nurse na si Lea Carbonel, nagbibigay-kaalaman din ito sa buhay at pagsubok na kinakaharap ng ating medical frontliners.   Makikilala niya ang karakter ni Alden na si Gio, isang …

Read More »

Cast ng PrimaDonnas, maingat na sinusunod ang social distancing at pagsusuot ng face mask at face shield

NAGSIMULA na ang lock-in taping ng cast members at production crew ng GMA Afternoon Prime drama series na PrimaDonnas. Makikita sa photos na ibinahagi ng beteranang aktres na si Chanda Romero, na gumaganap bilang si Lady Prima Claveria, ang masayang reunion ng cast sa kanilang unang araw ng lock-in taping.  Mapapansin din na maingat na sinusunod ng cast ang social distancing at pagsusuot ng …

Read More »

Serye nina Alden at Jasmine, trending; kinakiligan ng fans

INABANGAN at tinutukan ng netizens at Kapuso viewers ang premiere ng I Can See You: Love on the Balcony noong Lunes, September 28. Bumuhos ang tweets na pinupuri ang chemistry nina Asia’s Multimedia Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith bilang sina Iñigo at Lea. Kaya naman hindi kataka-taka na nag-top trending ang pilot episode nationwide. Sey ng netizens, nakakikilig ang mga eksena at nakaka-good vibes ang rom-com na …

Read More »

Alden, pinaka-in-demand na artista ngayong pandemic

alden richards

FINALLY, magsisimula na ang weekly drama na I Can See You series ngayong Lunes, Sept 28. Bale sina Alden Richards, Jasmine Curtis, at Pancho Magno ang mga artistang itatampok sa Love On The Balcony edition ng I Can See You bilang pilot episode.   Ibinahagi ng tatlo ang karanasan nila sa taping sa new normal. Sumunod  ang lahat sa safety protocols. Ilan beses nang naranasan ni Alden magpa- swab at puro …

Read More »

Aicelle at Maricris, kakabit ang music sa kanilang pregnancy journey

IBINAHAGI nina expectant Kapuso moms Aicelle Santos at Maricris Garcia ang ilan sa kanilang mga naging karanasan sa pagbubuntis.   Ayon kay Maricris, naging maselan ang kanyang pagbubuntis. Nakaranas naman ng pamamanas si Aicelle kaya iniwasan niyang kumain ng mga maaalat na pagkain.   Sa panayam ng 24 Oras, ikuwento ng Kapuso singers na mayroon silang group chat kasama ang dalawa …

Read More »

Dingdong, hanga sa pagka-professional ni Marian

BALIK-TAPING na si Marian Rivera-Dantes para sa Tadhana at ang direktor niya ay ang asawang si Dingdong Dantes.  Dahil sa community quarantine, sa bahay lang nagsu-shoot ang mag-asawa. “Medyo nag-a-adjust pa rin sa mga trabaho dahil siyempre sanay tayo na lumalabas ng bahay ‘pag nagtatrabaho. Pero this time, rito sa loob ng bahay namin halos ginagawa lahat ng trabaho,” ayon kay Marian sa interview ng 24 Oras. …

Read More »

All-Out Sundays, balik-studio na!

PUNO ng exciting games at all-out performances mula sa naglalakihang Kapuso stars ang GMA musical-comedy-variety program na All-Out Sundays sa pagbabalik-studio nito ngayong Linggo (September 27).  Matapos ang ilang buwan na pagte-tape ng All-Out Sundays: The Stay Home Party sa kani-kanilang mga bahay, last Sunday ay masayang inanunsIyo ng ilang cast members ang kanilang pagbabalik-studio.   Maraming netizens naman ang excited nang makita at …

Read More »

Rhian Ramos, panggulo kina Dennis at Jen

BALIK-TAPING na rin ang Kapuso Sweetheart na si Rhian Ramos para sa drama anthology na I Can See You: Truly. Madly. Deadly. Makakasama ni Rhian sa mini-series ang real-life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.   “Ang nakatutuwa sa kuwentong ‘to, lahat ng three characters, lahat sila gray characters. Hindi sila perfect, hindi rin sila masama. Parang mga biktima sila ng circumstances nila.”   Bukod sa bagong series, …

Read More »

Alden, ipakikita mga pagkaing pumatok ngayong quarantine

KATULAD ng ibang celebrities at business owners, malaki rin ang epekto ng Covid-19 sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kaya naman talagang nakare-relate siya sa kanyang bagong project with GMA Public Affairs na Lockdown: Food Diaries. Isang documentary special na mapapanood ngayong Linggo (September 27), 3:45 p.m. sa GMA.   Sa dokyu, susubukan ni Alden ang mga pagkaing pumatok nitong quarantine. Pero bukod dito, ipakikita rin niya ang …

Read More »

Mikee at Mikoy, sumabak sa patok challenge

ALIW na aliw ang netizens sa ginawang Totropahin o Jojowain video ng magkaibigang Mikee Quintos at Mikoy Morales.   Sumabak ang dalawa sa patok na challenge na ito at nakatutuwa ang mga sagot nila. Kabilang sa mga naisip nila ang mga kapwa GMA talents na sina Ruru Madrid, Kristoffer Martin, Martin del Rosario, Chariz Solomon, Bianca Umali, Andre Paras, Mavy Legaspi, at marami pang iba.   Panoorin ang …

Read More »

1,500 gadgets, ipamamahagi ni Sen. Bong

ANG saya ng tsikahan namin with Senator Bong Revilla kasama ang ilan sa kasamahan sa panulat after so long na inabot na nga tayo ng pandemic.   Alam naman ng lahat na isa si Senator Bong na naging biktima ng Covid- 19 at hindi siya nawalan ng pag-asa at nilabanan niya ito ng bonggang-bongga. Naranasan ni Sen Bong ang Covid at kaya …

Read More »

Tom, nanibago sa muling pag-arte 

TILA bagong pasok ulit sa eskuwelahan ang muling pag-arte at pagbabalik-taping ni Tom Rodriguez para sa upcoming Kapuso show na I Can See You: High Rise Lovers.   Sa kanyang Instagram video, ibinahagi ni Tom na masaya siyang magbalik-trabaho kahit pa nanibagong mag-taping sa ilalim ng new normal. Aniya, “Lunch break namin ngayon dito sa set ng ‘I Can See You: High Rise Lovers.’ Grabe sobrang …

Read More »

Nicole Donesa, hirap sa paglilihi; Mark, ayaw mawala sa paningin

IBINAHAGI ng soon-to-be mom na si Nicole Donesa na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis dahil sa morning sickness. Kanya ring pinaglilihian ang fiancé na si Mark Herras. “Mahirap. Ako, spoiled ako. Mahirap sa kanya, kawawa si Mark,” kuwento ni Nicole sa 24 Oras. Ayon naman kay Mark, “Until now, ako ‘yung talagang pinaglihian niya na talagang mawala lang ako ng kaunti sa tabi niya, magagalit na siya. Aakyat …

Read More »

Lovi, ipinasilip ang ilang behind the scenes ng I Can See You…

BACK to work na si Lovi Poe para sa mini-series niyang I Can See You: High Rise Lovers. Masisilip sa kanyang Instagram stories ang ilang behind-the-scenes mula sa set.   Makakasama niya sa High Rise Lovers sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, Teresa Loyzaga, at Kenneth “Tetay” Ocampo. Mula ito sa direksiyon ni Monti Parungao.   Ayon sa followers niya, excited na silang mapanood ulit ang aktres at inaabangan na nila ang …

Read More »

Uge at Sanya, naghamunan

KAABANG-ABANG ang pagsasamahang fresh episode nina Eugene Domingo at Sanya Lopez para sa Dear Uge Presents: Ang Dalawang Mrs. U sa Linggo (September 20).   Matapos mabyuda si Stella (Eugene), nalaman niya na may iniwang mana ang kanyang asawa sa kanilang lawyer na si Atty. George (Gardo Versoza). Makukuha lang ito ni Stella kung magtatagumpay siya sa kondisyong inihanda ni George.   Malugod niyang tinanggap ang hamon …

Read More »

Snookey at Dina, balik-taping na sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday

BALIK-TAPING na rin ang veteran actresses na sina Snooky Serna at Dina Bonnevie para sa primetime series na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.   Sa isang Instagram video, ipinasilip ni Snooky ang ilang behind-the-scenes sa set. Makikitang kasama niya ang co-stars na sina Barbie Forteza at Jay Manalo, at ang direktor nilang si Mark Dela Cruz.   Kapansin-pansin sa video na lahat ng artista at staff ay nakasuot ng …

Read More »

Rocco Nacino, mangiyak-ngiyak habang hinuhubad ang uniporme ni Diego Ramos

EMOTIONAL si Rocco Nacino sa Instagram post niya sa last taping  ng Descendants of the Sun. “Finally home. Yesterday was the last day na suot ko ang uniporme ni Diego Ramos. Mangiyak-ngiyak ako habang hinuhubad ko ang outfit na ito, realizing that yes, tapos na kami sa show na ito.” Nagpasalamat din si Rocco sa lahat ng bumubuo sa show, “Thank you Wolf, talagang minahal ko …

Read More »

Netizens, excited na sa tandem nina Alden at Jasmine

SA behind-the-scenes photos mula sa taping ng I Can See You: Love on the Balcony, pinusuan ng netizens ang tambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Ayon sa comments, “bagay na bagay” ang dalawang Kapuso stars at excited na silang mapanood ang nasabing mini-series. Dagdag pa ng netizens, parehong mahusay umarte ang dalawa kaya tiyak na magiging maganda ang chemistry nila. Abangan ang I Can See You: …

Read More »

Dindong, hangang-hanga kay Jennylyn

SALUDO si Dingdong Dantes sa leading lady na si Jennylyn Mercado sa pagtatapos ng kanilang taping para sa Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun.   Sa Instagram post ng ctor, makikita ang dalawa na nagbabasa ng script kasama ang kanilang director na si Dominic Zapata para sa last scene ng kanilang mga karakter bilang sina Capt. Lucas (Dingdong) at Dra. Maxene (Jennylyn).   Post ni Dingdong, “A snappy salute …

Read More »

Benjamin, hinangaan ang kahandaan ng GMA prod sa kanilang taping

EXCITED na si Benjamin Alves na mapanood ng viewers ang pinakabagong offering ng GMA-7 na I Can See You.’ Bibida si Benjamin sa third installment ng drama anthology na The Promise na makakasama niya sina Paolo Contis, Andrea Torres, at Yasmien Kurdi.   Sa Instagram post ng aktor ay pinasalamatan niya ang GMA production team sa pagpapanatili ng safety ng lahat ng nasa set. “Great to be back on set! We were …

Read More »

Byahe nina Marian at Dong sa Spain, ‘di muna tuloy

LUBOS ang pasasalamat ni Marian Rivera sa GMA management na naunawaan ang desisyon niyang hindi na gawin ang My First Yaya na kung hindi nagka-pandemya ay gumugulong na ang camera sa bagong project with Gabby Concepcion.   Alam naman natin ang bagong protocol ngayon sa taping, kailangan ilang araw na naka-lock-in sa location para maprotektahan ang lahat sa pandemya ng Covid-19. Eh impossible para kay Marian ito …

Read More »

I Can See You: The Promise, sa isang lake house kinunan

SUMABAK na sa taping ang cast ng pinakabagong series ng Kapuso Network na I Can See You: The Promise na pagbibidahan nina Paolo Contis, Yasmien Kurdi, Andrea Torres, at Benjamin Alves.    Sa behind-the-scenes photos ng serye ay mapapansin na sa isang lake house na may magandang tanawin kinuhanan ang mga eksena. Makikita rin sa mga ito na mabusising pinaghahandaan at maingat na sinusunod ng team ang …

Read More »

Pekto, bagong host sa E-Date Mo Si Idol

SIMULA kahapon (September 3), ang Kapuso comedian na si Pekto Nacua na ang regular host ng GMA Artist Center online dating game na E-Date Mo Si Idol.   Nagpasalamat si Pekto sa oportunidad na ibinigay ng GMA sa kanya ngayong naka-community quarantine.   “Malaking bagay din po talaga na binigyan kami ng pagkakataon ng GMA na gawin ang online shows na ‘to. Very thankful po ako,” aniya.    Kuwento …

Read More »

TBATS, may mga imbitadong audience via zoom

TILA nabuhayan ng loob ang supporters nina Boobay at Tekla sa ipinasilip na pagbabalik-taping ng dalawa sa studio para sa fresh episode ng kanilang hit comedy program na The Boobay and Tekla Show.   Ibinahagi ni Tekla sa kanyang Instagram ang behind-the-scene photo nila ni Boobay na kuha mula sa kanilang taping day para sa TBATS kahapon.   Aniya, “Abangan sa September 13 ang new episode ng #TBATS. We’re back! Thank you, …

Read More »

Michael V., may pa-goodvibes sa loyal fans

SIGURADONG mapupuno ng good vibes ang Sabado ng Kapuso viewers dahil sa comeback episode ng Pepito Manaloto. Para pasalamatan ang loyal fans ng family-oriented program, handog nina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares ang isang masayang episode na may “kamustahan” segment at games. Ibabahagi rin ni Bitoy ang naging experience niya bilang survivor ng Covid-19 …

Read More »