Thursday , December 26 2024

Jaja Garcia

‘Chedeng’ ng Indonesian diplomat nagliyab sa EDSA

NASUNOG ang isang bagong diplomat vehicle sa bahagi ng EDSA at Buendia, Makati City, nitong Lunes ng gabi Ayon sa Makati Bureau of Fire Protection,  nasunog ang isang itim na Mercedes Benz, may plakang 1457, isang diplomat vehicle ng Indonesia, dakong 9:30 ng gabi. HALOS hindi na mapakikinabangan ang diplomatic vehicle ng Indonesian Embassy na isang itim na Mercedes Benz …

Read More »

Naputol na braso ng MRT passenger naikabit muli

MRT

NAIKABIT ng mga manggagamot ng Makati Medical Center ang kanang braso na naputol mula sa pasaherong babae makaraan maaksidente sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa Ayala Avenue Station, Makati City, kamakalawa ng hapon. Kahapon, kinompirma ito ng Makati City Police sa pamamagitan ng ama ng biktima na si Jose Fernando. Ayon sa pulisya, nai-kabit ng mga doktor ng nabanggit na ospital ang …

Read More »

Isabel Lopez inasunto ng MMDA

Maria Isabel Lopez celine pialago MMDA

PORMAL nang naghain ng reklamo sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa dating beauty queen at actress na si Ma. Isabel Lopez, dahil sa paglabag sa batas trapiko nitong Sabado, makaraan gamitin ang ASEAN lane. Si Lopez ay kinasuhan ng disregarding traffic signs, paglabag sa Republic Act No. 10913, o Anti-Distracted Driving …

Read More »

Lady trader ginilitan, tinadtad ng saksak ng ‘lover’

Stab saksak dead

SELOS ang hinihinalang dahilang kung bakit natagpuang patay, may gilit sa leeg at tadtad ng saksak ang isang 42-anyos negosyanteng babae sa loob ng kanyang silid sa Parañaque City, nitong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Menchie Modesto, ng Unit A, Verdant, Teoville 3, West Lourdes St., Brgy. BF Homes, ng nabanggit na lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad …

Read More »

P.1-M pabuya vs killers ng Grab driver

bagman money

MAGKAKALOOB ng P100,000 pabuya ang Grab management sa sinomang makapagtuturo sa mga taong responsable sa pagpaslang sa Grab driver na tinangayan ng sasakyan ng mga suspek sa Pasay City, nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Pasay City Police chief, Senior Supt. Dionisio Bartolome, kinilala ng pulisya ang biktimang si Gerardo Maquidato, Jr. Sinabi ng opisyal, nasa tatlo hanggang apat katao …

Read More »

Mula sa Marawi City PNP-SAF mainit na sinalubong sa Camp Bagong Diwa

NAGMARTSA ang 300 miyembro ng elite group ng Phi-lippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF), na mula sa pakikipagbakbakan sa Marawi City, mula sa Gen. Santos Avenue patungo sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, at sinalubong ng kanilang mga kasamahan at mga estudyante bilang pagbibigay-pugay sa kanilang kabayanihan. (ERIC JAYSON DREW) MAINIT na sinalubong ang pagdating sa Camp Bagong Diwa, …

Read More »

Kagawad patay, 4 sugatan sa nasunog na kotse (Bumangga sa poste ng Meralco)

road traffic accident

PATAY ang isang barangay kagawad habang sugatan ang apat niyang mga kaanak nang masunog ang sinasakyan nilang kotse makaraan bumangga sa poste ng Meralco sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw. Namatay noon din sanhi ng matinding pinsala sa katawan ang biktimang si  Quirino Bulusan, Jr., 54, residente at kagawad sa Brgy. 299, Sta. Cruz, Maynila. Habang nilalapatan ng lunas sa …

Read More »

Komedyanteng beki arestado sa hipo

arrest prison

NAHAHARAP sa kasong act of lasciviousness ang isang komedyanteng beki makaraan halikan, yakapin at hipuan ang maselang bahagi ng katawan ng isang bell attendant ng sikat na casino hotel sa Parañaque City, nitong Linggo ng hapon. Nasa kustodiya ng pulisya ang inireklamong komedyante na si Ronnie Arana alyas Atak, 45, ng 12 New Manila, Quezon City. Habang kinilala ang nagreklamong biktima …

Read More »

63-anyos kelot, 1 pa arestado sa Marawi rehab swindling (Pekeng empleyado ng DILG)

ARESTADO ang dalawang lalaking nagpanggap na kawani ng Department of Interior and Local Government (DILG) at nanghihingi ng donasyon sa local officials para sa rehabilitasyon ng Marawi City, sa Makati City nitong Huwebes. Nakapiit sa detention cell ng Makati City Police ang mga suspek na sina Ricardo Simbulan, 63, at Mitus Sampayan, 39, ng Brgy. Pembo, ng nasabing lungsod. Ayon kay …

Read More »

Mas mahabang tigil-pasada banta ng Piston

NAGPIKET ang ilang jeepney driver sa kahabaan ng Zapote Drive para sa ikalawang yugto ng tigil-pasada ng grupong PISTON at No To Jeepney Phase-out Coalition sa Las Piñas City. (ERIC JAYSON DREW) NAGBANTA ang transport group Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng mas mahabang tigil-pasada kapag tumanggi si Pangulong Rodrigo Duterte na sila ay harapin at ang …

Read More »

NCRPO handa sa posibleng spill-over sa Metro

HANDA ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa posibleng spill-over sa Metro Manila kaugnay sa bakbakan sa Marawi City na ikinamatay ng kilalang mga lider ng Maute at Abu Sayyaf Groups na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon na tinaguriang Emir at pinuno ng ISIS sa Asya. Ayon kay NCRPO Regional Director Oscar Albayalde, kahit walang natatanggap na report …

Read More »

MMDA magbibigay ng libreng sakay

MMDA

MAGKAKALOOB ng libreng sakay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga pasaherong maaapektohan ng tigil-pasada ngayong araw. Ayon kay Celine Pia-lago, tagapagsalita ng MMDA, magtatalaga sila ng 10 buses, trucks at ambulansiya sa mga lugar na apektado ng isasagawang trasport strike ng grupong Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON). Dagdag ni Pialago, bukod sa libreng …

Read More »

30-anyos rider pisak sa 14-wheeler truck

BASAG ang bungo at wala nang buhay ang motorcycle rider na si John Raguindi makaraan masagasaan ng 14 wheeler truck (EVR-184) habang binabagtas ang northbound lane ng EDSA, Tramo, Pasay City kamaka-lawa ng gabi. Arestado makaraan ang insidente, ang truck driver na si Romeo Gastilo, nakapiit sa Pasay City Traffic Management Office sa lungsod ng Pasay.(ERIC JAYSON DREW) BINAWIAN ng buhay …

Read More »

PNP top honchos ‘nilinis’ ni NCRPO Chief Albayalde (Sa drug war ni Digong)

INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, walang mataas na opisyal ng pulisya ang nasa watchlist ng Philippine National Police (PNP). Nilinaw ni Albayalde, ang nakalista lamang sa drug watchlist ng PNP ay mga city councilor, at mga barangay official. Ayon sa NCRPO director, galing sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines …

Read More »

Bus nahulog mula flyover, 26 sugatan (Sa Alabang, Muntinlupa)

SUGATAN ang 26 pasahero nang mawalan ng preno ang sinasakyan nilang pampasaherong bus at nahulog sa Alabang flyover sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng gabi. Isinugod sa magkakahiwalay na pagamutan ang mga biktimang sina Allan Ansay, 38; Elma Guintaran, 40; Lyka Rivad,14; Estrilita Rivad, 60; Juanito Rivad, 59; Mildred Raquino, 47; Cesar Ramos, 49; Francis Sisro, 29; Matthew Katigbak,12; Lizer …

Read More »

Sen. Hontiveros inasunto ng wire tapping ni Aguirre

NAGHAIN ng kasong paglabag sa Anti-Wire Tapping Law sa Pasay City Prosecutor’s Office si Justice Secretary  Vitaliano Aguirre II laban kay Senadora Risa Hontiveros sa Pasay City, kahapon ng umaga. Dumating si Aguirre sa Hall of Justice ng Pasay dakong 8:00 am upang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4200 o Anti-Wire Tapping Law si Hontiveros. Nanumpa si …

Read More »

2 preso patay sa heat stroke (Sa Pasay City)

dead prison

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang dalawang preso ng Pasay City Police detention cell dahil sa matinding init at sobrang siksikan sa loob ng piitan sa nasabing lungsod. Kinilala ang mga biktimang sina Reynaldo Tenancio, 54, may kasong alarm and scandal, at Oscar Nuñez, na nahaharap sa kasong droga. Sa ulat ng Station Investigation Detective Management Branch (SIDMB) ng Pasay …

Read More »

2 sekyu sugatan sa boga (Resbak ng selosong ex-lover)

gun shot

HINIHINALANG selos ang ugat nang pagbaril ng isang lalaki sa dating kinakasamang lady guard at isa pang kapwa guwardiya sa Taguig City, kamakalawa. Inoobserbahan sa Rizal Medical Center ang mga biktimang sina Mary Grace Labawan, 32, lady guard sa Samsung Warehouse, residente sa 59 ML Quezon St., Purok 1, Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, habang may tama ng bala …

Read More »

Ika-2 araw ng tigil-pasada kinansela

HINDI itinuloy ang pangalawang araw ng tigil-pasada o transport strike na inilunsad ng Stop and Go Coalition, na sinimulan nitong Lunes ng umaga.  Ayon sa ulat, ito ay dahil hindi naging tagumpay ang nasabing kilos-protesta ng nabanggit na grupo ng transportasyon at hindi nagawang paralisahin ang transportasyon sa Metro Manila, maliban lamang sa ilang piling lugar. Sinasabing umabot lamang sa …

Read More »

Chinese national itinumba (Galing sa hearing sa drug case)

dead gun police

PINAGBABARIL ang isang  Chinese national na may kasong droga ng apat na hindi kilalang lalaki habang kagagaling sa kanyang hearing sa korte sa Las Piñas City kahapon ng hapon. Ilang tama ng bala sa ulo ang ikinamatay ng biktimang si Lee Yu Xin,  alyas Alex /Francis Lee, at Wahya,  43, nanunuluyan sa BF Resort Village, Brgy. Talon Dos, Las Piñas City. …

Read More »

1 comatose, 5 sugatan sa Bilibid riot

nbp bilibid

ANIM preso ang sugatan, kabilang ang isang comatose, makaraan ang naganap na riot ng dalawang gang sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, nitong Linggo ng umaga. Hindi pa pinangalanan ang mga biktima, kabilang ang isang comatose makaraan paluin ng martilyo sa ulo. Patuloy siyang inoob-serbahan sa Infirmary ng NBP. Sa imbestigasyon, dakong 9:00 am nang maganap …

Read More »

Itinumbang 13-anyos binatilyo mistaken identity — Bartolome

dead gun police

POSIBLENG napagkamalan ang isang 13-anyos binatilyo na ilang ulit pinagbabaril ng isang motorcycle rider sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Pasay City Police chief, Sr. Supt. Dionisio Bartolome, posibleng “mistaken identity” ang nangyari dahil may ibang nakatambay sa harap ng bahay bago pumalit ang biktimang si Jayross Brondial, ilang sandali bago mangyari ang pag-atake. Dalawang tama ng bala …

Read More »

Chinese nat’l nahulog mula 9/F ng condo, dedo

suicide jump hulog

BINAWIAN ng buhay ang isang Chinese national makaraan mahulog mula sa ika-9 palapag ng isang condominium sa Parañaque City, nitong Linggo. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Ke Yue Jin, nasa hustong gulang, dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong 6:10 am sa Solemare Park Suites sa Lot …

Read More »

Bangladeshi timbog sa shabu

shabu drug arrest

ARESTADO sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng motel ang isang Bangladesh national at nakom-piskahan ng 50 gramo ng shabu, P300,000 ang ha-laga, sa EDSA-Rotonda, Pasay City, nitong Linggo ng gabi. Kinilala ng pulisya ang dinakip na si Mohammad Anizuh Rahman, nasa hustong gulang, kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA. Sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, …

Read More »