BUONG-PUSONG nagpasalamat ang mga residenteng nasalanta ng supertyphoon Yolanda sa northern Cebu sa pangunguna ng kani-kanilang mga mayor dahil sa tulong-pinansyal na ipinagkaloob sa kanila ni Mandaue City Mayor Jonas Cortes. Napag-alaman na NAGPASA NG ORDINANSA ang Mandaue City Council na binigyan ng awtoridad si Mayor Cortes na magbigay ng FINANCIAL ASSISTANCE sa 15 local government units sa northern Cebu …
Read More »Alias Arn-Arn Zandoval ang dakilang bagman ni Gen. Isagani Genabe?
ELIB na ko sa lungsod ng Maynila at malaya na pala ang operasyon ng mga gambling lord, kaya pala GENABE-GABI ang happenings o kasiyahan ng mga kolektong ng Manila Police District na pinangangasiwaan ni Gen. Isagani Genabe. Oras na naihatid na ng isang alyas ‘Philip’ na katiwala ng gambling lord na si Boy Abang Simbulan ang mga payola para sa …
Read More »Christmas tree ilagay sa best feng shui bagua area
ANG Christmas season ay naging very stressful time ng taon sa karamihan. Ang feng shui bilang powerful tool sa pagbubuo ng kalmado at harmonious energy, maaaring sundin ang basic feng shui decorating tips para mapahupa ang stress at ma-enjoy ang masayang sandali na ito. Makaraang mapagdesisyonan ang pinakamainam at pinakabalanseng feng shui color scheme para sa Christmas decoration sa bahay, …
Read More »Staff ng solon tinutugis ng NBI (Sa mga pekeng SARO sa DBM)
KUMILOS na ang National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin ang staff ni Rep. Lilia Nuño na nagtago makaraang masangkot sa fake Special Allotment Release Order (SARO) scam. Ayon sa NBI, sinimulan nila ang paggawa ng aksyon matapos iutos ni House Speaker Feliciano Belmonte na tuntunin si Emmanuel Raza, staff ni Nuño. Si Raza ang natutukoy na pinagmulan ng …
Read More »ACTO kasado sa ‘strike’ ngayon
NAKAKASA na ang gagawing transport holiday ngayong araw ng Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) kapag hindi natugunan ang kanilang hiling na dagdag pasahe. Banta ni ACTO President Efren de Luna, magsasagawa sila ng kilos protesta upang iparating sa gobyerno ang matinding pagtutol sa sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng diesel. Hiling ng ACTO ang P2.00 dagdag pasahe sa pampasaherong …
Read More »Paliwanag ni Kapunan iniutos ng SC (Sa ‘korupsiyon sa hudikatura’)
PINAGPAPALIWANAG ng Supreme Court (SC) ang dating abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan kaugnay sa naging pahayag na may isang corrupt na mahistrado. Kaugnay nito, binigyan ng SC en banc ng 10 araw si Kapunan para magpaliwanag sa binitawan niyang salita sa isang interview hinggil sa kanyang nalalaman sa katiwalian sa hudikatura. Batay sa resolusyon na nilagdaan …
Read More »Gag order sa Pacman case inilabas ng CTA
MAAARING maharap sa contempt charges ang sino mang maglalabas ng mga pahayag ukol sa tax case ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao. Ayon sa Court of Tax Appeals (CTA), sakop ng kanilang gag order ang kampo ni Pacquiao at ang Bureau of Internal Revenue (BIR). Magugunitang naging mainitan ang palitan ng pahayag nina Pacman at BIR Comm. Kim Henares dahil sa …
Read More »P275K nadale ng ‘Dugo-dugo’ sa magtiyahin
NAPANIWALA ang 18-anyos estudyanteng babae ng miyembro ng “Dugo-dugo gang,” na naaksidente ang kanyang tiyahin kaya nakulimbat ang P275,000 halaga ng salapi at mga alahas sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Michel Filart ang biktimang si Jan Veda Marie Pajarillo, ng #3919 A. Macabulos St., Brgy. Bangkal, Makati City. Batay sa salaysay …
Read More »6-anyos nene napisak sa delivery van
PATAY ang 6-anyos batang babae makaraang masagasaan ng delivery van na may kargang isda habang tumatawid sa kalsada sa Navotas City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Josephine Garganta, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS) ng nasabing lungsod Pinaghahap naman ang driver ng delivery van na hindi man lamang huminto upang tingnan …
Read More »2 bata ikinulong ikinadena ng ama
DAGUPAN CITY – Nasagip ng mga awtoridad ang magkapatid na menor de edad na ikinulong at ikinadena ng kanilang ama sa loob ng kanilang bahay habang siya ay nasa trabaho sa bayan ng Mangatarem sa lalawigan ng Pangasinan. Ayon sa suspek, napilitan lamang siyang gawin ito sa kanyang dalawang anak dahil sa kawalan ng mag-aalaga sa kanila habang siya ay …
Read More »Dalagita inatado ng rapist
NAGA CITY – Patay ang 18-anyos dalagita matapos pagtatagain sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Santiago, Balatan, Camarines Sur. Kinilala ang biktimang si Jennylyn Olieres. Batay sa inisyal na imbestigasyon, mag-isa lamang si Jennylyn sa kanilang bahay dakong 3 p.m. nang pasukin ng suspek na si Espelito Novelo. Posibleng tinangka ng suspek na gahasain ang biktima ngunit nanlaban ang …
Read More »1 patay, 5 sugatan sa CDO demolition
CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang sibilyan habang sugatan ang lima pa kabilang ang dalawang pulis sa demolisyon sa Purok 1, Brgy. Calangahan, sa bayan ng Lugait sa lungsod na ito kamakalawa. Nabatid na makaraan ang insidente ay agad pinulong ni Misamis Oriental Governor Bambi Emano ang daan-daang apektadong pamilya, mga kinatawan at mga awtoridad na naatasan ng …
Read More »2 dalagita nilamas, lolo kalaboso
KALABOSO ang 65-anyos lolo matapos lamasin ang maselang bahagi ng katawan ng dalawang dalagita sa Mandaluyong City kamakalawa. Ang mga biktima ay itinago sa pangalang Shiela, 15, at Miriam, 14, kapwa nakatira sa Brgy. Mauway, ng nasabing lungsod. Nadakip ang suspek na si Reynaldo Borja y Rialez, biyudo, at residente ng #956, M. Cruz St., Brgy. Mauway, Mandaluyong City. Ayon …
Read More »Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel, pinaka-challenging kay Uge
ITINUTURING ni Eugene Domingo na ang Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel ang pinaka-challenging sa lahat ng series ng Kimmy Dora. “This is the most challenging Kimmy Dora due to training and fight scenes. Challenging also to think na prequel ito so, dapat parang uurong ang characterization ni Kimmy at ni Dora. I have discovered mas enjoy pala makipag-fight scene kaysa …
Read More »Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors ipinakilala na!
MAGANDA ang layunin ng Hotel Sogo at Gandang Ricky Reyes sa pagbuo ng proyektong Mr. and Ms. Hotel Sogo Ambassadors (MMHSA), ito ay ang advocacy nila for promoting goodwill. Ang MMHSA din daw ay tribute sa Modern Filipino at Filipina icons na ang virtues at ideals ay siyang simbolo ng isang unique Filipino culture at values. Ipakikita ng 16 na …
Read More »Niño, ang Tita Amalia ang naging peg sa pagbe-beki
AGAD na tinanggap ni Niño Muhlach ang offer ni Direk Emman Dela Cruz na gumanap na bading sa Slumber Party. “Exciting ‘yung character ko bilang bakla, gustong-gusto kong gawin ‘yung role talaga. First time ito, before kasi may movie ako, lalaki ako na nagba-bakla-baklaan. Dito pati ‘yung lingo ng mga bading, pinag-aralan ko. Ang hirap i-memorize ‘yung line, bading kasi …
Read More »Vice, target ang Best Actor Award (Sinabi ring sila ang mangunguna sa box office)
KINI-CLAIM na talaga ni Vice Ganda na siya ang mangunguna sa box office sa nalalapit na 39th Metro Manila Film Festival at ang ipinagdarasal na lang daw niya ay manalo siya bilang Best Actor dahil ito na lang daw ang kulang niya. Ito raw kasi ang pangako niya sa manager niyang si Deo T. Endrinal na sinabihan siyang, ‘bigyan mo …
Read More »Moi, PA pa rin ni Piolo kahit rumaraket sa pag-aartista
HINDI lang sina Kimmy at Dora ang inaabangan sa pelikulang Kimmy Dora Kyemeng Prequel dahil inaabangan din ang personal assistant ni Piolo Pascual na si Moi Bien na instant star simula noong mapanood siya sa unang franchise ng pelikula sa pagpatay nito ng ipis. Madalas naming makita at makasalubong si Moi sa Morato area at sa ABS-CBN hallway na seryoso …
Read More »Charice, walang dahilan para magpakamatay!
HINDI nakapagpigil na sumabog ang galit ng Pinay International Singer na si Charice sa kanyang bashers na nagkakalat na nag-suicide siya. Idinaan na lamang ni Charice ang galit sa tweets tulad ng, “Appalled is the word I’m looking for. It’s what I feel right at this moment. “Forget the bs (bullshit). “Exaggerated people. Liars perhaps,” at “Good morning Chasters! We …
Read More »Erich Gonzales at Julia Montes target para maging Dyesebel (Sino ang mas bagay na gumanap sa dalawa?)
BURADO na ang pangalan ng ilang Kapamilya actress para gumanap sa isa sa mga classic hit novel ni late Mars Ravelo na “Dyesebel.” At sabi, dalawa sa natira sa list na pinagpipilian ngayon ng ABS-CBN sa tiyak na pre-sold nilang fantaserye ay sina Erich Gonzales at Julia Montes. Bagay na bagay raw si Erich dahil sa taglay na Filipina beauty …
Read More »Lumen ang simpatikong tisoy na aktor!
Hahahahahahahahahahaha! Kabogerong tunay ang simpatiko pero hindi naman masasabing super gwapong tisoy na aktor. Considering his not so impressive endowments (not so impressive endowments raw talaga, o! Hahahahahahahahahahahahaha!) inggit talaga sa kanya ang lahat halos ng aktor sa Pinas dahil sa napakabonggang regalong natanggap niya coming from his fabulous macho gay benefactor. Imagine, isang unforgettable Christmas gift ang gibsona sa …
Read More »Unfair labor practices sa Resorts worst ‘este’ World lalong lumalala may medical malpractitioner pa!?
AKALA natin ‘e ilang nasa management level lang ang salbahe sa empleyado ng Resorts Worst ‘este’ World Casino, pati pala doctor d’yan ‘e may dugong berdugo raw!? Pumipilantik lang ang daliri at tumataas ang kilay pero daig pa sigurosi Hitler sa kalupitan. Isang empleyado nila ang nagkaroon ng mga sintomas ng allergy sa mukha kaya hindi nakapasok nang halos tatlong …
Read More »BIR dapat habulin si Luding Jueteng
IBANG kalase talaga magpayaman ang JUETENG. Mula sa pagiging PASTOL ng BAKA sa isang baryo sa Quezon ay isa nang MULTI-MILYONARYO ngayon ang jueteng operator na si LUDING BOONGALING. Nakatira na sa isang mansion sa Guadalupe, Makati City, maraming lupain, bahay, buildings at negosyo pati teng-we sa Candelaria, Quezon habang namamayagpag at lumalawak pa ang kanyang JUETENG sa La trinidad …
Read More »MIAA employees walang Christmas Party, pero may pambili ng Milyong X’mas decor
Mukhang sunod-sunod ang shopping spree ng MIAA ngayong magpa-Pasko. Nitong nakaraang weekend ay gumastos daw ng tinatayang P4M ang pamunuan ng NAIA dahil sa pagpapasok ng ‘spirit of Christmas’ sa apat na passenger terminals. Sabi ng taga-operation ay tumataginting na apat na milyon ang ginastos para sa mga palamuting nakikita ngayon sa NAIA. Hindi lang sigurado kung sa NAIA T1 …
Read More »Ano ang awtoridad ng Soriano brothers sa Divisoria vendors? (Attention: yorme Erap)
ORAS na siguro para kastigohin ni Manila Yorme ERAP ang ilang tao na nakikialam sa palakad sa mga Vendors lalo sa Divisoria. Para sa iyong kaalaman Mr. Erap, may ilang tao na inihahanap ka ng mga taong magagalit at minumura ka diyan sa Divisoria. Inirereklamo ng mga agrabyadong naghihikahos na vendors ang umano’y mag-utol na SIRANO ‘este SORIANO na imbes …
Read More »