Friday , April 19 2024

Big boss na tulak 7 tauhan timbog sa drug raid

ARESTADO ang walo katao kabilang ang kanilang big boss, makaraan makompiskahan ng 300 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2 milyon, sa isinagawang operasyon ng mga awtroidad kamakalawa ng gabi sa Guagua, Pampanga.

Sa ulat ni Central Luzon Police Director, Chief Supt. Raul Petra Santa, huli sa akto ng pagbebenta ng illegal drugs si Allan Adriano, alyas Tom, 45, sinasabing big boss ng grupo, ng Sitio Duat, at Patricio Lim , 41, ng Sitio Tacundo, ng nabanggit na bayan. Samantala, mabilis na nakatakas ang suspek na si Walter Santos, alyas Whisky.

Habang iniimbestigahan pa ang anim katao na pawang taga-Pulong Masle, kasamang dinampot sa drug bust operation sa Sitio Tacundo.

Ayon sa initial report ni Supt. Jose Marrie Basa, hepe ng Anti-Illegal Drugs Operation Task Force, matagal nang mino-monitor ng kanyang tanggapan, batay sa intelligence report ni Senior Inspector Michael Masangkay, chief of police ng Sta. Rita, ang talamak na illegal drug deal ng nasabing sindikato sa ikalawang distrito ng Guagua, gayundin sa kalapit na mga lalawigan.

Sa inilatag na operasyon ng mga awtoridad dakon 10 p.m. kamakalawa, dumating ang grupo sa lugar lulan ng Honda Accord (WGD-761) at isa pang sasakyan.

Paglapit ng poseur buyer kasama ang police asset, iniabot ng grupo ang isang pakete ng shabu.

Sa puntong ito, lumabas mula sa pinagtataguan ang mga operatiba at inaresto ang mga suspek. Gayunman, natakas si Santos na mabilis na pinaharurot ang kanyang  sasakyan.

Narekober mula sa mga suspek ang P3,000 marked money, 300 gramo ng shabu,  isang Remington .45 baril, at ang Honda Accord na ginamit ng sindikato.

(RAUL SUSCANO)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *