Thursday , May 2 2024

hataw tabloid

Estudyante comatose sa DepEd boxing match

NA-COMATOSE ang isang 16-anyos high school student makaraang lumaban sa  boxing match sa regional athletics tournament ng Department of Education sa Iba, Zambales nitong Lunes. Sa inisyal na ulat, si Jonas Joshua Garcia, 16, ng San Miguel, Bulacan ay lumaban sa boxing match sa Central Luzon Regional Athletic Association meet ngunit dumaing ng pagkahilo sa ikalawang round. Agad ipinatigil ang …

Read More »

MWSS administrator Esquivel ipinasususpinde

UMAPELA ang grupo ng mga manggagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales na resolbahin ang labing isang (11) graft cases na isinampa laban kay MWSS administrator Gerardo Esquivel, Jr. Kasabay nito, hiniling ni MWSS Labor Association Napoleon Quinones kay Carpio-Morales na suspendihin si Esquivel at kapwa akusado habang isinagawa ang pagdinig ng paglabag sa Commission …

Read More »

Probe ng Kamara wa epek, power rate hike tuloy-tuloy

WALA rin napala ang taumbayan sa isinagawang power rate hike investigation ng Kamara kahapon. Sa pagdinig ng Kamara na pinamunuan ni Mindoro Oriental Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House Committee on Energy, pinagsumite lamang niya ng proposal ang Department of Energy (DOE) kung paano ma-reresolba ang problema sa pagtaas ng singil sa koryente sa bansa. Dahil dito, tuloy ang unti-unting …

Read More »

Media killings seryoso na sabi ni Coloma

KINAILANGAN pang muling may mapaslang na mamamahayag bago aminin ni Communications Secretary Sonny Coloma na seryoso na ang media killings sa bansa. Ayon kay Alab ng Mamamahayag (ALAM) Chairman Jerry Yap, hindi pa nareresolba ang pagpatay sa mga naunang media men ay heto na naman ang dalawang pinatay. Ang pinakahuli ay isang journalist na si Michael Milo, national supervisor ng …

Read More »

Girl, Boy, Bakla, Tomboy, heart warming family movie

VERY proud ang Star Cinema at Viva Films sa Pamaskong handog nilang pelikula ngayong 2013 Metro Manila Film Festival, ang Girl Boy Bakla Tomboy na pinagbibidahan ni Vice Ganda. Walang humpay na katatawanan daw ang pelikulang ito na handog nila para sa buong pamilya at nagpapakita ng versatility ni Vice na ipo-portray niya ang most challenging roles to date. Ang …

Read More »

Paulo, wish na makasama ang anak ngayong Pasko

AMINADO ang Honesto star na si Paulo Avelino na sabik na sabik na siyang maka-bonding muli ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang anak. “Sobrang thankful ako sa lahat ng blessings na natanggap ko this year, lalo na sa pagiging part ko ng ‘Honesto.’ Pero kung may iwi-wish man ako ngayong Pasko, ‘yun ay ang magkaroon ng mas mahabang panahon …

Read More »

Nina, ‘di raw nagpapasuweldo ng PA?

NALUNGKOT kami sa kuwento sa amin ng taong malapit sa rating PA (personal assistant) ng singer na si Nina dahil hindi raw niya pinasuweldo ng halos isang taon. Kasambahay daw kung tratuhin ni Nina ang nasabing PA na sunod-sunuran sa kanya at minsan ay nalilipasan na raw ng gutom sa rami ng utos ng tinaguriang Soul Siren. Kuwento sa amin …

Read More »

Korina, namahagi ng Christmas packages sa mga taga-Zamboanga

ISANG espesyal segment ang ihahandog nina Korina Sanchez at Robin Padilla para sa Christmas special ng ABS-CBN. Napag-alaman naming binisita nina Koring at Robin ang Zamboanga at pinuntahan nila ang mga nasunog na bahay ng mga Badjao na resulta ng digmaan ng MNLF at mga puwersa ng gobyerno. Pinuntahan din nina Koring at Robin ang mga labi ng pinaka-matandang mosque …

Read More »

Vic, hanga sa pagiging mabait at masunuring anak ni Bimby

NAPAKA-PROPESYONAL at well organize ni Kris Aquino if ever pangatawanan ang pagiging movie producer. Ipinagpatuloy na niya ang kanyang nasimulan sa My Little Bossings na pinagtambalan nila ni Vic Sotto kasama sina James ‘Bimby’ Yap at ng Aleng Maliit na si Ryzza Mae Dizon. Produced naman ito nina Orly Ilacad ng Octo Arts Films, M-ZET Films ni Vic,Tony Tuviera at …

Read More »

Uge, frustrated bold star?

NALILITO ang mga tagahangang nanay ni Eugene Domingo sa mga uri ng pelikulang ginagawa n’ya. Bakit daw may mga eksenang naghahalikan at torrid pa kung minsan? Takot tuloy silang isama sa panonood ang mga anak. Kahit sabihing comedy, kung may sobrang halikan naman, ayaw daw nila. Ayaw nilang makakita ng malisya ang mga anak nila. Kesehoda pang pogi ang kahalikan …

Read More »

Magulang ng 27-years old BF ni Tiya Pusit, imbiyerna sa aktres

SUKI na yata  ang Startalk sa “pagbabasbas”sa mga tinaguriang May-December couples, the most recent of which ay ang relasyon ng sexy star na si Keanna Reeves sa kanyang 19 year-old boyfriend from San Fernando, Pampanga. In hindsight, nai-feature rin ng naturang programa ang 65-anyos na si Tiya Pusit, na proud din sa kanyang karelasyong 27 years old who works as …

Read More »

73-anyos landlord niratrat sa internet shop

Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod. Tumakas ang mga suspek …

Read More »

Lacson pasok na sa gabinete ni PNoy

OPISYAL na ang pagiging miyembro ng gabinete at “rehab czar” ni dating Sen. Panfilo Lacson matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino ang appointment paper na nagtatalaga sa kanya bilang “Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery, with Cabinet rank.” Pinirmahan din ng Pangulo ang Memorandum Order No. 62 na nagtatakda ng mga tungkulin ni Lacson at itinalaga rin niya na aayuda …

Read More »

Hindi kagandahang komedyana tinanggihan ng bagets (Handa na ngang mag-give ng 5K! )

RECENTLY lang nangyari ang eksena na may  natipohang bagets sa set ng kanilang sitcom ang hindi kagandahang komedyana. Sa pag-aakalang makukuha niya ang Papang ekstra naglambing siya sa kanyang bading na handler na kausapin para sumama sa kanyang condo. S’yempre, para magkaroon ng konting happiness (datung) na extra income na puwede niya rin panlalaki hayun binola-bola ni nasabing handler ang …

Read More »

Illegal arrest sa manggagawa ng Manila Seedling Bank kinondena

Kinondena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang ilegal na pag-aresto ng Quezon City Police District sa mga aktibista at manggagawa ng Manila Seedling Bank sa North Triangle, Quezon City. Kabilang sa mga inaresto si Sylva Attala Fortuno, 27, pambansang opisyal ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, at Joana Orellano, 14,  ng Anakbayan North Triangle. Sila ay binugbog ng mga …

Read More »

Bahay sa Times sinugod ng militante (Pulis, raliyista, naggirian)

TINATAYANG  200 raliyista mula Timog Katagalugan ang sumugod at nagsagawa ng programa sa harapan ng bahay ni Pangulong Noynoy Aquino sa Times Street, West Triangle Homes, Quezon City. Naging maaksyon ang pagdating ng mga militanteng sakay ng trak dahil napaatras ng grupo ang hanay ng mga pulis mula Station 2 matapos ang girian. Itinumba rin ng grupo ang isang police …

Read More »

Justin Bieber dumalaw sa Yolanda survivors

TACLOBAN CITY – Dumating sa Tacloban City dakong 1 p.m. kahapon si Canadian pop superstar Justin Bieber sakay ng private plane para dalawin ang Yolanda survivors. Agad siyang pinagkaguluhan mula sa airport ng kanyang fans na pawang survivors ng nagdaang super typhoon. Sobrang higpit ng seguridad at hindi basta-basta makalapit ang mga mamamahayag. Mas binigyan prayoridad ang mga bata na …

Read More »

Misuari nakapuga na

KINOMPIRMA ng spokesman ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari na nakaalis na ng bansa ang kanilang lider. Sinabi ni Emmanuel Fontanilla, “nasa OIC (Organization of Islamic Conference) na po ‘yung ating mahal na propesor… Doon na po siya sa Guinea at nakikipag-usap na po.” Ito ay sa kabila ng warrant of arrest na inisyu laban kay Misuari …

Read More »

2 totoy nalunod sa septic tank

NALUNOD ang dalawang totoy matapos maglaro at lumangoy sa isang septic tank, kamakalawa ng gabi, sa Pasay City. Nadala pa sa Home Care Clinic sa Merville, Parañaque ang mga biktimang sina Jerome Berja, 12, at Ricky Laurente, 9, ng Barangay Pag-asa 2, pero hindi na umabot ng buhay. Sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong, ng Station Investigation and Detective Management …

Read More »

Pakibasa lang MPD DD Gen. ISAGANI Genabe,Jr.

GOOD day sir! Tagasubaybay po ninyo ako at labis po akong humahanga sa bawat kolum ninyo. Kamakailan po ay nabasa ko po ang kolum ninyo patungkol kay bagman Bong!   Noong nakaraang buwan lamang ay may napatay na si SPO4 Castillo sa Binondo hindi po ba? Bago po mangyari ang patayan ay may nahuli ang grupo ni bagman Bong na …

Read More »

73-anyos landlord niratrat sa internet shop

Patay ang 73 -anyos landlord, matapos pagbabarilin  sa tapat ng internet shop ng dalawang lalaki na nakasakay sa tricycle, sa Pasig City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng SIDMB ng Pasig City Police ang biktimang si Rodolfo Oregas, negosyante, residente ng  #176 Dr. Pilapil St., Brgy. Sagad, sa nasabing lungsod. Tumakas ang mga suspek …

Read More »

Isnaberong German binugbog sa Aklan

KALIBO, Aklan – Dahil sa pagiging isnabero, bugbog-sarado ang German national makaraang bugbugin ng lasing na lalaki sa Brgy. Caticlan, Malay, Aklan. Ang biktimang isinugod sa Caticlan Baptist Hospital ay kinilalang si Heinz Warner Fickermann, 62, German national na nakapag-asawa ng Filipina sa naturang lugar. Ayon kay PO2 Mondia ng Malay PNP Station, ang insidente ay naganap habang ang biktima …

Read More »

Grade 6 pupil minolestiya ng titser

LAOAG CITY – Kinompirma ni Samuel Oliva, head teacher ng Nagba-lagan Elementary School sa Bangui, Ilocos Norte, agad nagbakasyon ang gurong pinaratangang nangmolestiya sa kanyang pupil. Kinilala ni Oliva ang suspek na si Kenneth de Guzman, Grade 6 teacher ng nasabing paaralan, samantala ang biktima ay 12anyos na Grade 6 pupil. Ayon sa head teacher, agad niyang kinausap si De …

Read More »